CHAPTER 17
Kinabukasan sa office, hindi halatang nagtatampo si Eunjoong sa kin bilang hindi niya ko masyadong pinapasin. Mag-uusap lang kami kapag may kailangan siya, at kung may kailangan ako sakanya. Mejo naaalibadbaran tuloy ako. Pag-ganito pa naman mas lalo kong pinaninindigan, I mean mataas ang leveling ng pagka-walang pake ko sa mga ganitong bagay kaya kung ayaw mo kong kausapin, hindi kita pipilitin.
Wag din siyang umasa na dadating yung oras na ako yung unang mag-aaproach at magtatanong ng, "What's wrong?" Eww, OA.
"Oh, ba't di ka ata hinaharot nung isa?"
Muntik ko ng makalimutan 'tong si Ate Min, nasanay nga pala siya na kami laging tatlo ang magkakasama.
"Hindi ko alam ate." Sagot ko na lang, and nag-kibit balikat naman siya, himala na ayaw niyang mangialam.
So ayun, lumipas ang oras na ganun hanggang sa uwian. Alam niyo naman siguro na usually talaga magkasabay kami ni Eunjoong, pero dahil nga sa nag-iinaso siya, tumayo na ko at maayos naman na nagpaalam na sakanila.
Nag-punch out na ko, at grabe sumakit din talaga ang balikat ko sa walong oras na trabaho. Iniisip ko na yung malambot na bed ko habang nag-aantay sa elevator. Ano nanaman kayang ipi-play ni Ji na movie?
Hala oo nga pala, dalawang lingo na lang pala, aalis na ulit siya. Ipagluto ko kaya siya bukas?
*Ting*
Bumukas na ang elevator, at pumasok na ko habang iniisip pa rin kung mag-go-grocery ba ko o hindi, or ipabukas ko na lang kaya lahat? Malapit na sanang magsara, ng biglang may palad na humarang para sumakay pa.
Ano, palabas ba to sa hapon? At kailangan talaga ng dramatic entrance ni Eunjoong?
Parehas kaming hindi nag-sasalita hanggang sa makarating na kami sa ground floor, at gusto ko na sanang bilisan ang lakad ko papunta sa train station, pero pinigilan niya ko.
"Sabay na tayong umuwi!" Wow. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako. Ayokong aminin na naapektuhan ako sakanya, kaya mas lalo akong nanggagalaiti! Tipong bakit ba na-iistress ako sa taong to?
Gusto ko sana siyang sumbatan, pero wag na-ayokong mag-feeling-feeling din siyang na-apektuhan nga ako.
"Sige." I said casually. Pero teka nga, ngayon ko lang napag-tanto, may sasakyan tong lalakeng to e, ba't siya nag-co-commute?
"Matanong pala kita, ba't di mo ginagamit sasakyan mo?"
"Magastos sa gas, tyka traffic kasi uwian natin."
"Ah okay." That will do.
Sabagay, ilang station lang naman kasi siya dito, isang sakay lang tapos onteng lakad.
"Nga pala, yung Baekhyun na asa bahay mo kahapon, parang kamukha niya ata yung asa Exo?"
"Oo." I said laughing, mejo malabo kasi yung tanong niya, hindi ko alam kung dapat ko ng sabihin na iisang tao lang sila kaya um-oo na lang ako.
"Ba't natawa ka? Siya ba yun?" He asked at talagang with kunot noo pa.
"Oo, siya nga." I said again, not denying kasi diretso na yung tanong niya.
"Uh-wa, kaya pala."
"Anong kaya pala?"
"Kasi parang ang weird na rin ng pag-ka-gusto mo sa EXO sa edad mong yan." Aaminin ko mejo nasaktan ako sa sinabi niya, para kasing pinupunto niya na hindi na dapat ako mag-pantasya sa tanda kong to.
"Grabe ka, halos kasing edad ko lang sila! Kaya hindi pa ko ganun katanda mag-fangurl."
"Hahaha, hindi ko naman sinabing matanda ka na."
BINABASA MO ANG
Your Beggar Fangurl (Ang Pulube Mong Fan)
FanfictieWala eh, nagmahal lang ako at swinerteng maging bida sa malanding piksyon na buhay ng isa nanamang fangurl na umahon sa kahirapan.