CHAPTER 20
Nung makalabas na ko ng sasakyan ni Eunjoong, dun ko bigla naramdaman ang pagod, kaya kahit mabagal, hindi ako nagmadaling maglakad pauwi.
Bitbit ko ang bouquet habang papalapit ako sa gate, at aaminin ko na may epek yung bulaklak niya ngayon, di ko tuloy mapigilang mapangiti. Teka, kinikilig ata ako?
"Ganda naman ng roses mo."
Mejo nagulat ako sa boses ni Yeol sa di kalayuan at nalimutan ko talaga! Parang nawala sa isip ko rin na andito nga pala siya.
"Ah, kanina ka pa?"
Ganda ng tanong Ye! E tumawag nga yan nung pumunta kanina. -_-
"Ay oo nga pala tumawag ka." Lumapit siya sakin, at kinakabahan ako! Lintek, ba't ba kasi nag-aantay to sa labas?
"San galing yan?"
"Bigay ni Eunjoong." Sagot ko ng walang halong pagtatago. Naisip ko rin kasi na wala din naman dapat akong ikakaba at ilihim sakanya dahil wala namang kami, kaya bakit ko ikakaila?
"Eunjoong?"
Tumungo ako, at parang may gumuhit na mapaklang expression sa mukha ni Yeol. Gusto kong i-assume na naapektuhan siya sa pagbanggit ko ng pangalan ng ibang lalake, pero tsk. Baka ako lang nanaman to.
"May mga dala ka rin?" Sambit ko ng mapansin kong may mga hawak siyang paper bags.
"Oo, pasalubong ko sayo."
Tinignan ko siya ng may pang-aasar.
"Pang-fangurl ba yan?"
"Tsk, ano sa tingin mo?"
"Hindi ko yan tatanggapin pag hindi." I said, still teasing.
"Edi wag, lalo na't parang di ata neto matatapatan yang bulaklak mo." Haluh patola, parang gusto ko na tuloy itago to!
"Ha.ha.ha. Ano ka ba, bulaklak lang to! Pasok na tayo." I said obviously with awkwardness.
Tae, hindi ko mapigil maging conscious lalo na't iba na yung mga ibinibigay niyang tingin sakin! Aba, bakit ba! Wala akong kailangang itago, hindi ko rin resposibilidad na i-explain sakanya lahat. Hmp!
Pumasok na kami, at kahit ba halatang pinag-iinitan niya yung roses na bigay ni Eunjoong, iyon pa rin ang unang inasikaso ko. Tinggal ko agad sa plastic, at pinalitan yung asa vase na tanda kong bigay din niya nung isang araw.
After nun tyka ko lang binalikan si Yeol na nakaupo na sa couch ko, syempre hindi naman ako rude para hindi siya paghainan ng biscuit at juice man lang. Nilapag ko yung plate sa table, and he's unusually quiet, nakakapanibago tuloy.
"Yeol." Tinapik ko siya.
"Umm?"
"Okay ka lang?"
Lumingon siya sakin at tumango naman, pero di pa rin nagsalita.
"Pagod ka?"
Nagbuntong hininga lang siya at inalis ang tingin sa akin, humarap na lang siya ulit sa TV. Tong taong to, pumunta pa rito pwede namang umuwi na lang at nagpahinga.
"Talikod." I said, suddenly commanding him.
"Huh?"
"Tumalikod ka sakin."
"Bakit naman?"
"Basta! Sumunod ka na lang!" Iritable kong sagot habang tinutulak ang malapad niyang balikat patalikod sakin, wala tuloy siyang nagawa kundi ang sumunod. And well, dahil matangkad siya, kinailangan ko pang mag-kneel sa couch para maabot ang tuktok ng shoulders niya.
BINABASA MO ANG
Your Beggar Fangurl (Ang Pulube Mong Fan)
FanfictionWala eh, nagmahal lang ako at swinerteng maging bida sa malanding piksyon na buhay ng isa nanamang fangurl na umahon sa kahirapan.