CHAPTER 15
8:01 AM
*Photograph by Ed*
ZZZzzz...
*Again, photograph by Ed playing*
Still ZZZzzz...
*Again-again! PHOTOGRAPH BY ED PLAYING!*
Walanya naman oh, keh aga-aga! Marahas ko na tuloy na sinagot ang phone.
"Hello! Pwede ba! HINDI NA KO SASAMA NGAYON KAHIT ANONG PILIT MO! Patulugin mo naman ako ng mahimbing ng holiday! PLEASE!!!"
Then binaba ko na yung phone at bumalik sa pag-katulog.
...
...
...
*Photograph by Ed playing again*
Jusqlord!
"ANO BA EUNJOONG! HINDI NGA AKO SASAMA!"
At ibaba ko na sana talaga, kaso sa di inaasahang pagkakataon, ibang boses ang narinig kong sumagot sa kabilang linya.
"Sinong Eunjoong?"
His voice gave chills to my spine, at para talaga akong binuhusan ng malamig na tubig na automatic na bumukas ang mga mata ko.
"Oh ghad, yeol???"
"Oo Ye, andito kami sa tapat ng gate mo." Patay na, seryoso ang boses niya at yung puso ko di ko alam kung kinakabahan dahil sa takot o ano! Basta ang bilis ng kabog!
Lanya naman kasi si Eunjoong! Hanggang ngayon kasi wala pa rin kaming pasok, hindi ko alam kung nasabi ko na pero Children's day ngayon at usually talagang dalawang araw siya tapos natapat pa sa weekend, so apat na araw po ang bakasyon namin. Tapos etong tukmol kong ka-officemate simula nung lumabas kami nung isang araw, kinabukasan ulit anjan siya sa tapat ng gate ko! Take note maaga rin siya kahapon, kaya di ko talaga ini-expect na si Yeol 'tong tumawag.
Ghad! What to do????
"Ah, wait lang Yeol. Eheem..." Umubo pa ko kasi mejo nagka-crack yung boses ko.
Takbo ako agad sa cr para maghilamos at magbra! Lintek wala na kong paki sa buhok ko basta mapagbuksan ko lang sila.
Pagbukas ko ng gate, iba talaga ang aura ni Yeol. Hindi siya nakangiti.
"Hi Ye!" -Sehun
"Wow, finally may bago ng lalake sa buhay ni Ye!" Pang-aasar pa ni Baek.
"Yihee!" Isa pa tong si Hun.
"Hello Ye!" Nagulat ako ng makita ko si Xiumin sa tabi ni Hun.
"Oh?"
"Hyung si Yeran, Yeran si Xiumin Hyung." Pormal na pagpapakilala ni Sehun saming dalawa.
"Hello ulit Ye! Alam mo parang kilala ko yung tinutukoy nila." Nakatingin sakin si Xiumin at may impit na ngiti. Potek, oo nga pala nagkita kami nito sa Gangnam!
Tumingin ako kay Yeol, at naka-kunot po talaga ang kilay niya.
"Lagot, di nagpaalam kay Kuya." Utang na loob Baek tama na po! (--"")
"Ha.ha.ha, ka-officemate ko yun na makulit, hindi niya ko tinatantanan kapag di ako sumama."
Umamin na ko! Wala na kong pakialam, di ko naman din kailangang itago.
"Ah kaya naman pala." -Hun
"Hmmm, haluh Ye galit pa din siya! Hahaha, bala ka na jan ha, lilibot lang namin si hyung sa bahay mo. Mag-iispa kami!" Paalam ni Baek bago niya hilahin yung dalawa sa loob at iwan kaming dalawa ni Yeol na hanggang ngayon masama pa rin ang timpla.
BINABASA MO ANG
Your Beggar Fangurl (Ang Pulube Mong Fan)
FanfictionWala eh, nagmahal lang ako at swinerteng maging bida sa malanding piksyon na buhay ng isa nanamang fangurl na umahon sa kahirapan.