Closer

22 4 0
                                    

CHAPTER 14

Lumipas ang mga araw at normal naman ang lahat. Unti-unti na rin akong nasasanay ng wala si Yeol ng bahagya sa buhay ko dahil sa sobrang kabusihan niya. I mean, parang bumalik ako mundo, sa trabaho, sa pagiging tipikal na fangurl. Kasi hindi ko na siya nakikita sa personal sa halip kinikilig na lang ako sa tuwing may mga bago silang ina-upload na mga videos online at kapag nagla-live perf sila sa TV. 

Nagtetext naman siya, minsan tumatawag pero hanggang dun na lang, siguro sinusubukan niya rin talaga na wag akong puntahan or ewan, baka talagang puno lang ang sched niya. 

Aaminin ko namimis ko siya, pero nawala na rin kasi mas parang gusto ko na yung ganito, fangurl ulit, natatawa sa mga bagong vshows nila, kinikilig sa mga skinship,  at kinakabahan sa magiging rankings nila.

Tyka isa pa Kpop lang naman din talaga ang stress reliever ko, kaya sila pa rin ang nakakapag-pagaan ng araw ko. 

*ting*

Eunjoong: Gawa u?

Aba himala nag-text to ng weekend.

Me: Wala, bahay lang.

Eunjoong: Labas us?

Me: San naman?

Eunjoong: Kahit saan, bored ako.

Me: Wow, so pag-bored ka, dapat ako din?

Eunjoong: Oo, hahaha.

Me: Parang ayoko, ngayon ipapalabas bagong vshow ng EXO.

Eunjoong: Exo nanaman?

Me: Syempre.

Close na kami neto ni Kuya, alam niya na rin na baliw na baliw ako sa kpop, pero ewan ko ba kung bakit hindi ko pa nakukwento sakanya na kilala ko talaga personally ang ilan sa mga finafangurl ko. 

Eunjoong: San bahay mo?

Me: Secret, ba't mo tinatanong?

Eunjoong: Malamang para puntahan ka?

Me: At ba't mo ko pupuntahan?

Eunjoong: Kasi nga bored ako?

Me: So kung pupunta ka rito, ano namang gagawin mo?

Eunjoong: Baka ilabas kita?

Kahit kelan talaga iba siya mamilit, tipong ikaw na lang yung maiinis at mapapa-oo kasi paikot-ikot kayo at alam mo na hindi niya ititigil to. Lagi ko siyang sinasakayan ng ganito, at laging ang ending ako ang natatalo. Trinay ko na ding barahin siya, basagin siya pero wala talaga. -_-"

Matinding kalaban ang taong hindi nagagalit, ikaw lang mapapagod.

Eunjoong: Di na nag-reply, ayaw mo talaga?

Me: AYOKO NGA.

Eunjoong: Talaga?

Me: Ayoko talaga. (SERYOSO)

Eunjoong: Kahit sabihin kong asa tapat na ko ng gate mo?

Me: WHAT?!

Taragis to, akala ko ba hindi niya alam kung san bahay ko! 

Dahil sa sinend niya na last message napatakbo talaga ako sa salas at dumungaw sa bintana, pagtingin ko, ANDUN TALAGA YUNG SASAKYAN NIYA!

*Photograph by Ed playing*

"Hello?" 

"Eunjoong here!"

"Stalker ka ba? San mo kinuha address ko?"

Your Beggar Fangurl (Ang Pulube Mong Fan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon