CHAPTER 23
"Hello."
"Yes, Ye?." Mejo malat ang boses ni Eunjoong at naawa naman ako. Kasi hapon na at ina-assume ko na talaga na ako ang dahilan kung bakit masama pakiramdam niya.
"Ayos ka lang ba?"
"..." Hindi sya sumagot at tanga kasi Ye! Ikaw na nga nga tong nanakit, ikaw pa talaga magtatanong ng ganyan.
Napabuntong hininga ako and alam kong narinig nya yun sa kabilang linya.
"Tsk." I heard.
"Okay lang magalit ka sakin, tatanggapin ko lahat Eunjoong pero..."
"Tanggap ko na rin Ye, kaso masakit lang talaga." Pinutol nya ang sasabihin ko at ba't ganto! Mas lalo akong nakokonsensya.
"Sorry-"
"Let me keep my pride Ye. Please wag mo na kong kaawaan. Hindi lang naman siguro ako ang kaisa-isang lalakeng nabusted sa mundo."
Mejo natawa ako ng onte sa huling sinabi.
"Wag kang tumawa, seryoso ako." Sabi nya pero wala, di ko pa rin napigil ang tawa ko.
"Tsk." Narinig ko din siyang natawa ng onte, at dahil dun gumaan din kahit papano ang pakiramdam ko.
"Uhmmm, okay na ba tayo?" Tanong ko at seryoso, kinakabahan ako dahil sa konsensya kong ayaw akong tantanan.
"Syempre hindi pa, pero siguro in time kapag natapos yung leave ko."
"After 3 days?"
"1 month."
"1 month???"
"Oo, nag-30 days leave ako. Halata ata na nabusted ako kaya grinant nila agad."
"Sorry..." I said again."
"Sabi naman sayo diba, let me keep my pride. Makaka-move in din ako, hindi nga lang ngayon and maigi na rin to para makapagpahinga ako."
"..."
"Pero Ye, may gusto akong itanong."
"Ano yun?"
"Matagal na ba kayong magkakilala ni Yeol?"
"Oo."
"Mas matagal kay Baek?"
"Oo." Mejo humina na yung boses ko, kasi alam ko na kung san pupunta to.
"Ba't di mo nilinaw sakin?"
Gusto ko sana siyang pilosopohin na hindi mo naman kasi tinanong ng maayos, pero di ko magawa dahil totoo namang ang intensyon ko ay ang itago sakanya si Yeol at mamali siya ng akala.
"Hindi ko rin alam Eunjoong... Siguro mahal ko lang talaga ng sobra na natakot akong makilala mo siya."
"Natakot kang siraan ko siya?"
Natakot nga ba ako sa ganoong dahilan?
"Natakot akong kaawaan mo ko. Tsk, ayokong gawin mong dahilan yun para mas lalong mapalapit sakin."
"Bakit?"
"Mahabang kwento."
"Bakit parang ngayon palang kita nakikilala ng husto? Ayaw mo ba sakin talaga?"
"Mahal ko lang talaga siya."
"Tsk. Talong-talo pala talaga ako."
Hindi na ko nagsalita, at narinig ko siyang nagbuntong hininga.
"Sige na, bigyan mo na ko ng time para mag-move on tyka baka inaantok ako ulit."
"Sige, magpahinga ka na. Bye."
BINABASA MO ANG
Your Beggar Fangurl (Ang Pulube Mong Fan)
FanfictionWala eh, nagmahal lang ako at swinerteng maging bida sa malanding piksyon na buhay ng isa nanamang fangurl na umahon sa kahirapan.