CHAPTER 10
Bilang totoo naman na si Ji na lang ang natitirang matalik kong kaibigan sa mundo simula noong bata ako, naikwento ko na sakanya ang lahat at hindi siya maka-paniwala na problema ko na talaga si Yeol in real life. -_-
Hindi fangurl si Ji, pero alam niya lahat ng kabaliwan ko. Kapitbahay siya nila lola sa Japan, at tuwing magbabakasyon kami, lagi siyang andyan kaya naging close kami. Halos parehas din kami ng pinag-daanan dahil sa area namin talaga tumama ang lindol, maswerte lang talaga siya at nabuhay pa ang kapatid niyang asa Tokyo at ang mama niya na siyang nagligtas sa aming dalawa.
Malaking bulas tong si Ji, dahil half russian siya at di tulad ng tipikal na Hapon, hindi siya singkit. Tanging balat niya lang at buhok ang nakuha niya sa bansang silangang asya.
"Alam mo Friend, hayaan mo na siya."
"Ginagawa ko naman na, kaso masakit pa rin."
"Okay lang yan, pag-nagsimula ka ng magtrabaho makakalimutan mo din siya."
Tinignan ko siya ng may pagdududa.
"Aish, maniwa ka! Ngayon kasi, wala kayong ibang ginawa kundi mag-sama! Tapos isa pa ang shunga mo nung sumama-sama ka sakanya sa ibang bansa!"
"Sa mahal ko nga eh!"
"Mahal mo, pero mahal ka ba?"
Bigla akong nanlumo sa pagkapranka niya.
"Tyka isa pa friend, bakit kasi nagtapat ka agad? Alam mo namang kakakwento niya lang sayo ng break up niya, malamang yun, hindi pa rin siya naka-move on!"
"So wrong timing ako?"
"Oo!"
Nakakainis talaga kapag may taong pumupunto ng mali mo.
"Anyway nangyari na, hayaan mo na lang mag-move on ka na! At maghanap ka na lang ng bagong lalake sa opisina mo."
"Gaga, kala mo ba ganun lang kadali yun!"
"Aba, hindi mo pa nga sinusubukan, mahirap na?"
"Ano ka ba! Ayokong maghanap noh."
"Baliw, kung di ka maghahanap siya lang lagi ma-iisip mo."
"Ano ka, andyan naman si Shushu! Diba shu?"
"Heh, heh, heh, heh."
Sabi ni Shushu habang pinapat ko ang ulo niya.
"Buti pa si Shushu, naiintindihan ako."
"Tsk. Malala ka na, teka maiba nga tayo, kelan nga first day mo?"
"Sa susunod na araw."
"Hmm... Hindi pa rin ba siya nagpaparamdam sayo?"
"Hindi pa rin."
"May pakiramdam ako dude."
"Ano?"
"Ide-date ka niya bukas."
Biglang kumabog ang dibdib ko sa sinabi ni Ji, at ewan ko ba! Parang antagal na kasi simula noong last na nagkita kami ni Yeol.
"At dahil dyan, matulog na tayo. Kailangan mong mag-beauty rest."
"Baliw, parang kakasabi mo lang na dapat kalimutan ko siya, tapos ngayon kailangan kong magpa-ganda sakanya?"
"Syempre! Para kunwari, walang effect ang mga nangyari dati. Diba sabi mo magaling siyang umiwas? Edi iwasan mo rin!"
"Sabagay."
"O tara na, matulog na tayo, may Jet lag pa kami ni Shushu."
Tumayo na sya at sumunod naman sakanya yung aso.
BINABASA MO ANG
Your Beggar Fangurl (Ang Pulube Mong Fan)
FanficWala eh, nagmahal lang ako at swinerteng maging bida sa malanding piksyon na buhay ng isa nanamang fangurl na umahon sa kahirapan.