His Efforts

17 3 0
                                    

CHAPTER 19

Naging regular ang paglabas-labas namin ni Eunjoong, at unti-unti akong nasasanay na rin sakanya. I mean hindi ko pa rin masabi na gusto ko na siya, pero na-a-appreciate ko talaga lahat ng effort niya na parang nagiging natural na kami.

Ang hilig niya ring magbigay ng bulaklak kahit na paulit-ulit kong sinasabi sakanya na wag na kong bilhan, kasi di naman nakakain yun, sayang lang pera niya, pero he still insist, baka sakali daw na one day umepek din yung powers ng magagandang bunga ng halaman. -_- 

"Oi Eunjoong, may gagawin ka ba sa sabado?"

"Wala naman bakit?"

"Samahan mo nga ako sa Ilsan, may bagong bukas na grill restaurant dun na gusto kong itry."

"Mag-de-date tayo!" He said excitedly. Eto nanaman siya.

"SASAMAHAN MO LANG AKO, hindi to date."

"Luh e ano pala?"

"Kailangan ko lang ng driver."

"Ouch."

"Ililibre naman kita! Tyka sagot ko gas!"

"So date nga to???"

"LALABAS NGA LANG TAYO! Hindi tayo magde-date!"

"Hahahaha, ang cute mo Ye."

"Hmp!" Ewan ko ba lately tumataas yung leveling ng pagka-inis ko sakanya lalo na kapag ini-insist niya nga na may something na kami. Hindi ko naman siya pinapaasa diba?

Lunch break namin ngayon at dalawa lang talaga kaming magkasama kasi hindi pumasok si Ate Min. Kaya eto na-stuck nanaman ako sakanya. 

"Ay Ye, napanood mo na ba yung bagong vshow ng oppa mo?"

"Oh bakit?" Naku parang na-adik na rin to sa Exo, kahit na sinabi ko na sakanya na di naman niya kailangang maging fan din para maintindihan ako, pero sabi niya naman di din niya namamalayan na updated na siya sakanila. Kalurks diba, biglang naging fanboy? 

"Eto oh. Tignan mo nakakatawa." 

Binuksan niya ang YouTube sa mobile niya at clinick yung "Exo describes their ideal girl." Tapos andun yung tatlo, si Sehun, si Baek, tyka si Yeol, tapos kasama nila yung leader nilang si Suho. 

Sa video tinanong ng host direkta kung ganun pa rin ba ang ideal girl nila tulad ng sinabi nila dati, since pangalawang guesting na nila sa show. Yung una kasi nung bagong debut palang sila, at parang gusto lang malaman ng host kung gano nag-mature ang taste nila. 

"Yeol, ikaw ba, ganun pa rin ang gusto mo? Yung tipo ng babaeng same kayo ng taste sa music?"

"Oo same pa din, pero okay na rin ako kahit hindi siya ganun ka-inclined sa music, uhmmm mas gusto ko na ngayon yung babaeng mejo bolerang mahinhin."

"Bolerang mahinhin?" Tanong nung host na parang naguluhan ng very light sa description ni Yeol. Nakita kong nag-iba rin yung tingin nung dalawa sakanya na napansin din ng host.

"Aba mukhang may alam yung dalawa."

Tinignan sila ni Yeol at nung nagtinginan sila, di na napigilan nung dalawa na matawa. May lengwahe silang sila lang nakaiintindi at halatang naaasar si Yeol kahit na papatawa-tawa din siya.

"Hindi ba pwedeng ishare yan?" Hirit nanaman nung host.

"Ano kasi, nung last na nag-inuman kami, kaming tatlo iisang babae lang yung sinabe, kaya ngayon na tinanong mo, baka yung sagot namin pare-parehas lang." Sabi ni Baek na may halong tawa sa dulo.

Your Beggar Fangurl (Ang Pulube Mong Fan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon