CHAPTER 27
Nagising akong asa bisig na ko ni Yeol sa parang private lounge ata ng hotel dahil napansin kong walang ibang tao, kundi kaming dalawa lang.
Parang hindi niya alam ang gagawin niya ng dahan-dahan akong humiwalay sakanya. Balisa ang mukha niya at parang umiyak pa ata siya. Hindi ko tuloy mapigil maguilty sa pagtago sakanya ng kalagayan ko.
"Kaya mo na bang uminom ng gamot? Binigay to sakin ni Baek, binilin daw ni Ji sakanya." Tini-tignan ko lang siya at hindi ko alam kung anong isasagot ko.
Gusto kong direstso niya rin akong tanungin para magka-aminan na kami pero inabot niya lang yung tablet at tubig na ininom ko na rin lang ng tahimik. Halatang ayaw niya na kong pilitin pa, and as much as I apreciate his gesture, di talaga mawala yung bigat sa loob ko.
"Hindi ako magtatanong, aantayin kita." He said, and his smile shoot deep inside of me that I ended up bursting in tears.
Napayakap ako sakanya and I don't know, I really don't know. I'm confuse and daze, nakakaasar na yung mga imaheng nakita ko ay puro masasayang ala-ala namin ng lalakeng nakita ko kanina.
Si Donghae...
Totoo nga atang ex-boyfriend ko siya, and hindi ko alam kung pano i-explain kay Yeol dahil mukhang wala kaming formal break-up ni Hae.
Umiyak lang ako ng umiyak, hanggang sa ako na rin ang napagod at humiwalay sa yakap niya.
"Okay lang bang umuwi na tayo?"
Tumungo siya at inalalayan na kong tumayo.
"Sabihin mo lang kung kelangan mo ng likod ha, alam mo namang macho tong joah mo."
Pag-jo-joke niya and natawa naman ako ng onte kahit korni.
Inalalayan niya ko hanggang sa makarating kami sa sasakyan, and sa buong byahe sa labas lang ako nakatingin, lagi kasing sumusulpot sa likod ng mga mata ko yung huling gabing kasama ko si Hae bago kami lumipad pa-Japan.
Base kasi sa na-aalala ko, maaring may nangyari samin lalo na't maski ang pakiramdam ng labi niya sa labi ko ay bumabalik sakin.
Puta.
Kahit ipikit ko ng ilang beses ang mga mata ko, anjan siya. Ano bang gagawin ko para mawala siya?
Nakarating kami ni Yeol ng maayos at buong byahe wala siyang binanggit na kahit ano. Tahimik lang talaga kaming dalawa, and I never felt this awkward ever since I knew him. For once gusto kong mahiwalay sakanya, para kasing sobrang unfair ko na. Ako na nahihiya sa lahat ng nangyari, at inaasta ko.
"Yeol, magpapahinga lang ako sa taas." Tumungo lang siya.
"Dun na muna ako sa kabilang room na ginagamit nila Baek, tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka."
"Sige. Salamat."
Nag-ngitian kami bago kami maghiwalay, and I know na mas nahihirapan siya sa sitwasyon. Pauwiin ko kaya muna siya? Kaso baka isipin niyang tinataboy ko siya.
Tsk.
Bahala na nga muna, gusto ko na lang humiga't matulog.
Pumunta na ko sa kwarto ko't nag-ayos, pagdating ko sa kama wala pang limang minuto na nakahiga ako, bumangon ako ulit dahil sa pagkabalisa.
Kinuha ko ang phone ko and andaming tawag and messages ni Ji. Tapos may mangilan-ngilan na messages and calls din si Baekhyun and Sehun, tinatanong kung okay na ko.
Pagkatapos kong basahin lahat ng messages nila, dinial ko na agad ang phone no. ni Ji.
"Ye! Anong anong nangyari sayo! Kanina pa ko tumatawag!"
BINABASA MO ANG
Your Beggar Fangurl (Ang Pulube Mong Fan)
FanfictionWala eh, nagmahal lang ako at swinerteng maging bida sa malanding piksyon na buhay ng isa nanamang fangurl na umahon sa kahirapan.