CHAPTER 21
Pagkatapos kong magbihis lahat-lahat, lumabas na ko ng kwarto at tinupad naman ni Yeol ang pangako niyang magluto ng breakfast.
"Kain na."
Umupo na ko at bilang siya si Yeol, pati plato't kubyertos inayos na niya para sa akin, kulang na lang subuan niya ko. -_-
Ano baby?
"Pansin ko lang, anlake din pala nung guest room mo na pinapakialaman nila Baek? May CR din yun?"
"Oo, kaya nagtataka rin ako, bakit tayo natulog sa iisang kama gayong na-renovate naman na nila Baek yung isa na pwede mo na ring tulugan."
"Hahaha, ganyan siguro kapag nagmamahalan." Umakyat bigla lahat ng dugo ko sa pisngi at muntik ko talagang mabato sakanya yung tinidor.
"Yeol!" Gigil niya talaga ako.
"Hahahaha, sorry na nagjo-joke lang. Pero... Salamat, sobrang pagod lang talaga ako kagabi."
"Tsk. Ganyan ka naman eh." Sabi ko na lang kesa isipin ko nanaman na masakit.
Natuon na lang tuloy ako sa pagkain, and hindi na rin naman siya nagsalita pa after.
Sabi naman kasi sayo Yeran, paborito ka lang talaga, wala ng iba.
*Photograph by Ed playing*
Psss, baka nga pati 'tong kantang nalimutan na niya kung san nanggaling. I mean yung history ba kung bakit ito ang ringtone ko.
"Hello?"
"Good morning Ye."
"Tsk, good morning din."
"Sunduin kita?
"Huh?"
"Sunduin kita pwede ba?"
Napatingin ako kay Yeol and I suddenly felt awkward that I bit my tongue. Pero mukha namang walang amor si tangkad. Teka nga! Bakit ba rin kasi parang feeling ko baka magselos tong isa? E wala nga namang gusto sakin to?
"Yeye?"
"Tsk, wag mo nga akong tinatawag na Yeye."
"Ano pala dapat, babe?"
"Hoy!" Gusto ko nanamang sabihing kadiri kaso lol, ayoko nga siyang ma-offend diba?
"Hahahahaha! Ano na nga kasi, pwede ba?"
"Uh-hoh! Uh-ho!" Umubo si Yeol ng mejo malakas, nabulunan ata.
"Sorry." -Yeol
"May kasama ka?"
"Huh?" Tatayo na sana ako para lumayo pero putik, inunahan ako ni Yeol! Talagang pinadidinig niya yung pag-move nung upuan tas dumeretso siya sa kusina.
"Yeran, asan yung kape mo?" Anlakas ng boses ni Yeol! Hindi ko ba alam kung bakit naka-sigaw siya, e hindi naman ganun kalayo yung table sa kusina.
"Ah-" By reflex natakpan ko yung speaker ng phone para sana hindi marinig nung asa kabilang linya.
"A-asa kaliwang cabinet."
"Sinong kasama mo Yeran?" Tanong nanaman nung isa, at punyeta natataranta ako!!!!
Eto na lalayo na talaga ako!
"Wala naman dito!" Sigaw nanaman ni Yeol, na parang nanadya na!
"Uhmm, Eunjoong mamaya na tayo mag-usap, magkita na lang tayo sa opis, may makulit kasing daga dito. Bye." Sabay baba ko ng phone, alam kong sobrang rude ng ginawa ko, pero kasi 'tong si YEOL! Major pampam.
BINABASA MO ANG
Your Beggar Fangurl (Ang Pulube Mong Fan)
FanfictionWala eh, nagmahal lang ako at swinerteng maging bida sa malanding piksyon na buhay ng isa nanamang fangurl na umahon sa kahirapan.