CHAPTER 11
First day of work, at sa kabutihang palad, nairaos ko naman ng maayos ang lahat lalo na't halos ka-edad ko lang yung senior na nagte-train sakin. Mabait siya, malambing yung boses at parang di marunong magalit. Halos hawig din niya si Hunnie kaso pinaliit na version, at no doubt mas lamang pa rin si Hun ng balde-baldeng paligo.
"Lunch na, sabay ka na sa amin."
"Sige."
Syempre kailangan ko munang itago ang pagiging introvert ko, kaya sama naman ako. Bale tatlo kaming sabay kumain at kahit na unang beses naming magkita-kita e parang kilala na nila ako ng isang lingo dahil sa mga jokes nilang walang preno.
"Pure Koryan ka ba? Para kasing may iba sa'yo." Tanong ni Ate Min.
"Grabe ka noona, baka iba isipin ni Ye."
"Ahahaha, okay lang. Mongolian po ako."
"Oh?" Bigla ring tingin ni Eunjoong, akala mo gulat na gulat siya.
"Sabi sayo! Di Koryan yan!"
"Hahahaha." Natawa ako, kasi yung gesture ni Ate Min parang contestant na naka-tumpak sa trivia question sa TV.
"Hindi ko napansin."
"Okay lang, dito naman na din kasi ako pinanganak, sadyang Mongolian lang ang lahi ko by blood."
"Ah okay... Ang galing ni ate ah, alam na alam niya talaga."
"Syempre ako pa! 40 years na ata akong namumuhay sa mundo."
"Hahahahaha!"
"Alam mo tawa ka ng tawa sakin, kumain ka na nga. Matatapos na break, puro ka tawa."
Nakakatawa naman kasi talaga siya! Hahahaha, basta ang comedy ng mga galawan niya tyka kung pano siya magsalita.
"Uy, wag mong ganyanin noona, baka di na to pumasok bukas."
"Edi wag siyang pumasok."
"Hahahaha."
Napatingin na rin sakin si Eunjoong at tinapik niya ko.
"Tama na tawa, kumain ka."
Sabay lagay ng egg roll sa mismong kutchara ko na kanina pa pala naka-tengga.
"Salamat."
Ngumiti siya, at langya to ah, may appeal din pala, bigla siyang nakaroon ng rays of sun lights out of the blue. xD
"Oi. wag mong ganyanin Eunjoong, mamaya ma-fall sayo yan."
"Noona!"
"Hahaha."
"Tawa lang siya oh, may boyfriend ka na ba?"
Umiling ako.
"Oh pwede na!"
Speaking of lalake, biglang nag-vibrate yung phone ko at napatingin silang dalawa, at itong ayoko sa mga cellphone ngayon! Ke-laki-laki ng screen, kitang-kita yung mga letra kapag nakalapag lang kung saan yung lintik na phone.
"Wala daw, pero may heart yung pangalan."
"Sorry po, sagutin ko lang."
Nakita kong maraming tao, at alam kong hindi ako makaka-simple ng alis kahit sa sulok kaya, tumalikod na lang ako ng bahagya.
"Ye!"
"Yes, yeol?"
"Free ka?"
"Lunch break."
BINABASA MO ANG
Your Beggar Fangurl (Ang Pulube Mong Fan)
FanfictionWala eh, nagmahal lang ako at swinerteng maging bida sa malanding piksyon na buhay ng isa nanamang fangurl na umahon sa kahirapan.