CHAPTER 3
Alam kong hindi na ko kokontakin ni Yeol pagkatapos ng one time date na yun. Syempre! Fan service lang naman yun, sadyang pinatunayan niya lang na may isa siyang salita.
Pero boi, dahil numero unong mapaper nga ako at dahil sa nasabi ko na rin naman 'to sa simula pa lang, wala siyang choice kundi ang makita ako ulit dahil totoo po na pupunta ako sa fan meeting nila at magpapapirma ng album.
So eto na nga, asa pila na ko mga kapatid at tulad ng dati, hindi pwedeng wala ako sa top 10 na unang makakapasok sa loob. Aba! Ipaglalaban ko ata tong gising ko ng alas tres ng madaling araw! Subukan nilang sumingit at magkasakitan na. Well, joke lang naman. 👿
So after ng isang daang taong paghihintay, umusad na rin sa wakas ang pila at natural sigawan agad kahit na wala pa nga. Narinig lang yung intro ng exo, nagwala na sila.
Fast forward ulit kasi wala namang kakaibang nangyari. So eto na! Lumabas na ang exo at kanya-kanya na ng tili! Grabe dahil sa naganap na date namin ni Yeol, di ko mapigilang sakanya na lang tumingin! Nagsusumigaw na yung utak ko na, "Yeol! Tanda mo pa ba ko? Beh, ako yung naka-date mo! Ang babaeng nakapagpatawa sayo ng isang buong gabi!" Syempre echos ko lang yan. 😎
Maya-maya lang ulit pinatayo na yung first twenty at pinapila na para sa signing! Sh*t eto naaahh! Magkakadaupang palad nanaman kami.
Grabe habang pinagmamasdan siya sa hindi kalayuan, parang ibang-iba talaga siya sa taong naka-date ko! Wala siyang halos make up nung kumain kami! Di din siya nagbihis ng bongga, tapos ngayon shocks!!!! DOBLE ang pagka-gwapo niya. Kalurks.
Kakaisip sakanya, di ko namalayan na ako na pala! OPO ASA TAPAT NA KO NI YEOL!
Siya pa naman tong asa unahan.
Mejo nataranta pa ko ng onte nung inabot ko sakanya yung album. Sabi na e, di na talaga ako maalala ng taong to.
"Name?"
"Yeran." Simpleng sabi ko, syempre isusulat niya!
Pero boi, tyanggala! Pagkasabi ko nun, tumingala siya sakin!
"Oh!"
Syempre, nag-smile naman ako nung nagtama ang mga paningin namin.
"Uh-wa! Long time no see."
"Ha.ha.ha, ye."
"Ikaw ha, sinusundan mo ko noh!"
"Sus, para namang bago yun, di ka na nasanay-" Ooops, haluh di ko napigilan yung sarili kong kausapin siya ng di pormal! xD
"Hmmm. Ay totoo man!" Wow, di niya pa rin nakalimutan, achieve! Tumatak nga ako sakanya. Thank you papa God!
Nagtawanan kaming dalawa, at may kinuha siya dun sa babang table na hindi ko alam, tapos nung nilabas niya nakita ko na lang na nagdidikit na siya ng sticky note na kulay green dun sa album.
"Talagang magpapapirma ka lang? Hindi mo man lang ako dinalhan ng kahit ano." Mejo kunwaring nagtatampo daw yung boses niya. Pa-effect nito ni kuya.
"Ay hindi kaya, dadalhin ko nga sana yung dinosaur ko sa bahay, nalimutan ko lang."
"Hahahaha!" Ayan nanaman napatawa ko nanaman si kuya, pumupuntos nanaman po ang bida niyo.
"Eto na nga! Bago ako magbalak na ibulsa ka."
"Ay kung kasya ba ko dyan eh, why not!"
"Hahaha, dun ka na nga!"
Pagtataboy niya habang tumatawa, ako naman bilang sutil nagbato pa ng kindat at finger hertue sakanya. Anlandi ko. Ngayon lang yan, bakasyon eh.
BINABASA MO ANG
Your Beggar Fangurl (Ang Pulube Mong Fan)
FanfictionWala eh, nagmahal lang ako at swinerteng maging bida sa malanding piksyon na buhay ng isa nanamang fangurl na umahon sa kahirapan.