His Friend's Friendly Comfort

19 3 0
                                    

CHAPTER 7

Naging mabilis ang mga sumunod na araw at gabi namin ni Yeol sa Czech na hindi namin namamalayan na kailangan na pala naming bumalik sa Korya.

Grabe, kung iisipin mo rin talaga yung nangyari samin nitong nakaraan, para na rin pala kaming nag live in ni Yeol with no string attached. Oi. Wag kayong bastos ha, after nung muntikang laro namin sa apoy e hindi naman na naulit. Hanggang yakap na lang siya na pinahihintulutan ko naman, kasi sa gabi minsan di mo na lang din namamalayan lalo na pag-parehas kaming nilalamig kahit na may heater naman.

Madalas nga kaming mapagkamalang mag-joah ng mga kano, and hinahayaan naman niya, so ako rin nakikisakay na lang din, pero hindi na lang namin ino-open up pag kaming dalawa na lang. Parang, 'sige na hayaan mo na lang sila, kahit sino naman mapag-kakamalan tayo.' Tyka hello naman sa kin na avid fan diba? Aayaw pa ba ko?

And isa pa sa nadiskubre ko kay oppa sa isang buwang escaped namin e hindi siya mahirap pakisamahan. Alam niyang mag-ayos ng mga bagay-bagay and hindi mainitin ang ulo niya kapag hindi na naayon sa plano ang mga nangyayari. Tulad kapag mejo naliligaw kami, hindi rin naman ako madaling mapikon sa sitwasyon kaya wala kami masyado talagang napagtatalunan, mejo naiinis lang ako sa kanya ng slight kasi matigas ang ulo niya. Parang masyado niyang tinitake yung pagkalalake niya na dapat siya ang responsable sa mga mahihirap na bagay, pero anyway minsan naman nakikinig din siya, yun nga lang talagang minsan lang yun.

So ngayon, nag-pa-pack na kami ng gamit at impernes behave siya, madalas kasi kahit busy kaming dalawa't maraming ginagawang mga bagay nahahanapan niya pa rin ng panahong mambwiset.

"Yeran.."

"Ano yun?"

"Mmmm... Pwede bang mag-request?

"Ano nga yun?"

Hindi ko siya masyadong iniintindi kasi parang lunod na lunod ako sa mga gamit ko na hindi ko alam kung paano dumami ng ganito.

"Pagbalik natin ng Korya, pwede bang kalimutan natin lahat ng nangyari dito?"

Bigla akong napatigil sa ginagawa ko dahil sa sinabi niya at aaminin ko masakit nanaman, pero ano pa nga ba? Sige na lang, wala rin naman akong karapatang sumbatan siya sa kahit ano man.

Isa pa, natatakot ako na baka pagnalaman niya baka bigla na lang siyang lumayo sakin. Iniisip ko palang yun, nadudurog na ko kaya okay na lang na tiisin ko siyang ganito.

"Okay." Yun na lang din ang sinagot ko, at sana naman maintindihan niyang wala na ko sa mood kaya magligpit na siya mag-isa.

********

Korya

Ilang lingo na ang nakalipas simula nung nakabalik na kami ni Yeol sa sarili naming bansa kahit na Mongolian ako at nakikisarili lang. Okay naman ang lahat at mejo marami-rami na kong offer pero pinagpipilian ko pa. Ang taray diba, kahit ganito naman kasi ang lola niyo, may utak rin naman kahit papano.

*Phone ringing*

Anjan nanaman siya, minsan ayoko na siyang sagutin kapag tumitino ang utak ko on random days, pero madalas talaga hindi ko siya matiis, kaya eto sasagutin ko nanaman ang phone.

"Hello, napatawag ka?"

"Ye!"

"Ano? Makasigaw naman Yeol."

"Ay sorry madaam, may dalawang tukmol kasi sa likod ko."

"Yeran! Punta tayong amusement park!"

"Huy, akala ko ba iinom tayo sa bahay niya?"

Your Beggar Fangurl (Ang Pulube Mong Fan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon