CHAPTER 16
Dahil wala namang masyadong nangyari sa buhay ko kinabukasan, palipasin na natin ang oras at gawing dalawang araw na ang nakaraan.
Gabi na at nasa loob na ko ng venue ng concert opening ng EXO. Lakas ko, talagang nag-absent pa ko para lang pumila ng maaga dahil vip standing lang naman ang ticket ko. Pinilit ako ni Yeol na mag-seated na lang pero hello! Diba nga gusto niya ng malapitan? So eto na yun, sinakripisyo ko na ang isang araw kong bayad para lang sakanya.
Hindi ako nagbihis ng bonga, basta may light stick lang ako, naka-cap at naka-mask, ayoko kasing makita ako ni Yeol, mamaya ma-disappoint siya kapag nakita niya yung natural form ng pagiging fangurl ko. Lol
Ayoko ng i-describe lahat ng hype kasi futa baka wala na kayong mabasa kundi puro, "AAAHHHHH!!!", "KYAAAA!", "OOPPPAAAHH!"
Which is ito lang din naman talaga ang nalabas sa bibig ng bawat isa. Lahat excited, lahat atat tumili, at lahat gusto na talagang makita sila.
Ang lola niyo asa barrier, at sigurado ako neto na malaki ang chance na mahagip ako ng kamera. Well, wala namang makikita sakin dahil balot na balot nga ako.
Etong trademark lang namin ni Yeol ang dala ko. Tenenentenen, syempre! Makakalimutan ko rin bang mag-dala ng banner.
Ngayon na lang din ako na-excite ng ganito. Andami kong iniisip habang ginagawa ko yung banner. I mean, sa dami ng may dala, hindi ko alam kung mano-notice pa ni Yeol 'tong akin.
Naku, ayokong mag-expect pero siguro magtatampo rin ako pag-di niya ko na kilala, lol kahit na ako rin yung may pakana neto.
Eh kasi! Yung nilagay ko sa banner masyadong loud. 😊 Well, e sa eto naman talaga ang tinitibok ng pusong fangurl ko.
Kaka-moment ng POV ko, di ko napigilang mapatalon ng dumilim bigla ang paligid! SHOCKS! ETO NA-ETO NA! KYAAAAA!!!!
"OPPAPA!!!!!!!!!" Kahit naka-mask ako todo pa rin ang sigaw ko, at wala na finish na nanaman. Sobrang hype ko at ng crowd wala na kong ibang naramdaman kundi puro adrenaline rush.
Maya-maya malapit ng mag-encore, at purong fan service na ang ganap ng bawat members, at sa inaasahang pagkakataon, tumapat sakin si Yeol na ubod ng gwapo ngayon dahil sa kumpletos rekados ang make-up at ang gayak bilang artist.
Yumuko ako para maiwasan ang eye contact namin at matago nga ang identity ko, pero putik, naramdaman ko na lang na may humila sa banner at nagtanggal ng cap ko.
Pag-angat ko ng ulo ko para makita siya, parang tumigil nanaman ang mundo at nag-slowmo ang paligid. Ang ganda ng ngiti niya, at sa paningin ko parang naging dahan-dahan din ang pag-gulo niya sa buhok ko.
Nakita kong in-adjust niya yung cap ko para magkasya sakanya, sabay senyas niya gamit ang hintuturo niya na ibaba yung mask ko. Ewan ko rin ba, bilang hibang nga ako sa gabing eto, sinunod ko naman siya tapos nag-bigay siya sakin ng puso!
BINABASA MO ANG
Your Beggar Fangurl (Ang Pulube Mong Fan)
FanfictionWala eh, nagmahal lang ako at swinerteng maging bida sa malanding piksyon na buhay ng isa nanamang fangurl na umahon sa kahirapan.