CHAPTER 1
Sa tanan ng buhay fangurl ko, eto na siguro ang pinakamahal at pinakamalapit na binili kong ticket para sa pinakamamahal nating EXO.
Opo, EXO, yung grupong di na nawalan ng fanfic dito? Kaya dapat kilala niyo na sila bago mo pa basahin to, kasi parehas kaming cyberspace lover ni author nim, ayaw naming maging magastos sa virtual ink and paper.^^
Mabalik tayo sakin, di na rin naman lingid sa kaalaman niyo na team pulubs talaga ang natural na uri ko sa mundo ng fangurl.
Kahit na sabihing tayo talaga ang nagpapayaman at bumubuhay kila oppa, kahit isang sincong duling di niyo ko maasahang bumunot sa bulsa ko.Kasi isa lang naman ako, hindi naman ako malaking kawalan sa kabuuan, kaya ibigay na lang natin ang responsibilidad na yun sa mga nasobrahan sa biyayang pinansyal.
Pero ngayon kasi, nataong araw ng kapanganakan ko ang concert day nila! Oo, pang 21st birthday ko po, at ibigsabihin nyan, debut age ng isa ko pang x-chromosome bilang nilalang kaya eto, nanghingi ako ng donasyon galing sa isang buwan kong sweldo sa trabaho.Hindi lang yan, tinaon ko talagang ngayong buwan mag-leave para masundan ko sila sa mga fan meeting nila lalo na't comback date din nila.
Brad, planadong maigi to uuy!
Kelangang umiscore keh Yeol ng malala eh.
At syempre paid leave po ang in-avail ng lola niyo. Tiniis ko talagang wag mag-absent ng halos dalawang taon para lang dito, kaya wala na talagang makakapigil sakin sa pag-gawa ng pampam na placard na to. Dugo't dry skin na ang binigay ko sa karatolang to.
Oy, since wattpad to. Alam niyo na! Korya ang setting at lahat ng pag-uusap ng dalawa o higit pang karakter ay sinub na sa tagalog para sa ikagiginhawa ng mambabasa.
Isipin niyo na lang na isa itong korya novela na napapanood niyo gabi-gabi sa telebisyon.
Di na rin siguro lingid sa kaalaman niyo na ang aking karakter ay isang foreigner tipikal na wattpad lead, maganda, sexy, walang brain, ganun. Basta hindi pinoy...
Ahmmm, teka..
Ano na lang ako,
Mongolian!
Ayun! Tama isa akong mongoloids na nanggaling sa bansang Mongolia. Parte pa rin naman yun ng East Asia kaya pasok pa rin sa kategorya ng mga shingkit-shingkitan na yan.
...
So eto na nga, gabi ng concert at hawak ko ang placard na magiging tulay patungo sa malanding direksyon ng kwentong ito.
Sa placard, simple lang naman ang hinirit ko, ang sinulat ko lang ay, "IT'S MY BIRTHDAY YEOL OPPA! PLEASE DATE ME, CHECK MY NUMBER BELOW."
Tapos may sub-tittle pa sa baba na, "JEBAL! I'VE SPENT THOUSAND YEARS FOR THIS, JUST FOR YOU TO NOTICE MEEHHH!"
Syempre kahit na mga tatlong oras ko lang naman talaga ginawa yan eh, inexagerrate ko na. Magpapapansin nga ako di ba? Kaya todo na to.
Boi, hindi lang yan. Nailaw tong mga letters ko, dahil sa nginata kong glow in the dark stick na nireref para mas effective.
Wag na kayong magtanong kung anong lasa, at kung panong di ako nalagutan ng hininga dahil maski ako hindi ko alam. Basta nung nakita ko ng maganda ang resulta eh viola! Nagdiwang na ko. 😂
"Uy open gate na!" Sigaw nung botete sa harapan ko, syempre ang lola mo attention agad bitbit ang placard na iniingat-ingatan ko pang wag ma-expose sa hangin kaya pinasadyaan ko pa to ng box na pang painting. Aba dito ata nakasalalay ang love life ko.
...
Oh eto na, eto na! Nausad na ang pila hanggang sa nakapasok na rin kami matapos ang matinding vakvakan sa mga bouncer na parang kahit batuhin mo ng literal na bato ay di patitinag.
Syempre bilang ako ang bida, nakahanap din talaga ako ng magandang pwesto malapit sa stage. Aba di ata biro yung pagtakbo ko ng 200 kilometer per second!
So eto na nga, di na kami makapagintay hanggang sa bumilis ang tibok ng puso ko sa pagdilim ng paligid kasabay ng pagtutok ng ilaw sa malaking tanghalan.
Nagsigawan ang lahat, itinaas ang kanya-kanya nilang mga light sticks, tumugtog ang intro ng una nilang kanta, lalong lumakas ang tilian, isa-isa silang lumabas na para bang may nakakabit na dyamante sa balat nila na di namin mapigilang mamangha sa kanilang wangis, nagsimula na silang kumanta sa dumadagundong na tunog, at sa pag-indak nila kasabay ng musika....
Wala na.
Nayanig na po ang buong sangkatauhan.
...
Kinabukasan,
Lutang ang lola mo.
😐
Paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko ang buong oras ng concert, lalo na sa mga segundong sinagot ni Yeol ang pampam kong karatola.
OO! SINAGOT NIYA!
Sabi naman kasi senyo, ako ang bida! Kaya eto na talaga ang pinaka-highlight ng piksyon kong buhay. 😭
Flashback,
(Him reading something... Rinig sa mic bruh! Mejo ang tanga ko pa nga na hindi ko agad na-realize na yung pampam kong karatola na pala yung binabasa niya! Tas boi, natawa siya! Totoo po, napatawa ko si Yeol. Nakakaiyak.😢)
"Haha, okay! I'll make your wish come true!"
(Him getting something from his pocket... Sabay biglang labas nung S8. Walastik brad, talagang ako pa ata ang masasampolan ng promotion ng cellphone na ini-endorse nila. Anyway, keber.)
Tapos may nag-vibrate sa bandang pwetan ko. Napatalon pa ko ng bahagya, tapos ang baklang lola mo nanginig sa kaba!!! Kasi boi, di pa rin talaga ako makapaniwala nun! T#ng^ na kung t#ng^ basta hindi ko talaga akalain na ako ang maswerteng nilalang ng Earth sa mundo ng fangurl na biniyayaang matawagan ni Yeol!
Syempre sinagot ko naman!
"He-hellew?" Di ko ba alam kung bakit napaka-pabehbeh ko nung gabing to! Parang t*ng#!
"Yes, hello?" Fck. Boses niya telege!!!
"Oh-oppah?" Nakakainis ako! Bakit ganun? Wag na nga tayong mag-flashback! Nakakairita! 😂
"Hahaha!"
Hmp badtrip yung inasal ko, pero ewan ko ba totoo rin naman kasi talaga na speechless si akoh nung moms na yan lalo na't sakin talaga siya nakatingin habang may malantod siyang ngiti sakin.
"Save this number, I'll text you the details later." Sabay kindat.
Boi!
Dito na natin tapusin tong mala-dream come true kong flash back!!!!
Ay dito na rin pala magtatapos ang Chapter 1. Wala na palang ita-type si nim.^^
BINABASA MO ANG
Your Beggar Fangurl (Ang Pulube Mong Fan)
FanfictionWala eh, nagmahal lang ako at swinerteng maging bida sa malanding piksyon na buhay ng isa nanamang fangurl na umahon sa kahirapan.