Filling Gaps

21 3 0
                                    

CHAPTER 18

Aaminin kong mejo naging awkward ang mga sumunod na araw ko sa office. Di ko kasi mapigilang mailang kay Eunjoong na all out na ang pagpaparamdam. Lagi niya kong minimessage, at kahit ba paulit-ulit ko siyang binabara, walang nangyayare kasi ang galing niyang mag-rebut! Lalo na sa matinding pag-gamit niya ng mga lintek na emoji. 

Regular niya rin akong dinadalhan ng breakfast na di ko matanggihan dahil asa gilid ko rin si Ate Min na laging sinasabi sakin na, "Masamang tanggihan ang grasya." 

Minsan nga inasar ko, nagdala ako ng sarili kong pagkain, pero futa imbis na matuwa ako, mas naguilty pa ko kasi sobrang na-down siya ng buong araw. Simula noon, hinayaan ko na lang, kesa naman masaktan ko pa siya lalo. 

Minsan nga halos nagkakatugma na ang advices nila Ate Min at Ji, bakit daw di ko pagbigyan, masyado daw akong sarado. Sa point of view ni Ate Min, dahil hindi niya alam yung amin ni Yeol, pero alam niyang fangurl ako, lagi niya lang sinasabi na wala naman daw akong mapapala sa pantasya ko, at etong si Eunjoong daw ang nasa realidad ko. Then sa point of view naman ni Ji, gusto niya rin na pagbigyan ko si Eunjoong, kesa naman daw umasa ako kay Yeol na hanggang ngayon walang paramdam sa sobrang ka-busihan. Ikanga niya, "Grab what's there.' Baliw.

Kami naman ni Yeol di naman kami nawalan ng communication, natawag pa rin siya, nagme-message, hindi nga lang nadalaw dito. Minsan nga nag-vi-video call pa kami, lagi niyang tinataon kapag asa hotel siya somewhere. Maski si Baek at Hun, di na rin nadalaw, so hindi ko na lang din masyadong dinadamdam kasi nga dapat maintindihan ko na mas busy talaga sila sa akin. At least ako nakakauwi ako ng bahay araw-araw at nakakapag-pahinga, e sila, minsan ultimo pahinga nila shooting pa rin. 

Pero kahit ganito kasi ang set-up ko, hindi naman ako atat mag-ka-joah, kaya hindi ko rin ba alam bakit pinupush ako ni Ji at ni Ate Min kay Eunjoong. 

Buti pa si Hun, tyka si Baek, wala silang pakialam. Plano lang sila ng plano kung kelan kami lalabas daw at maglalamyerda. Matapos lang daw talaga promotion nila, gusto nila akong isama somewhere, yung tatlo lang daw kami! 

Pinipilit ako ni Hun, kasi alam niya rin na mahirap ayain ilabas ng bahay si Baek. Sa gc nga namin, ang lagi niya lang sina-suggest bahay ko, kaya todo ang effort ni hunny sakin para lang mahila yung isa. 

So ganyan ang halos naging routine ng buhay ko this past few weeks, hanggang sa hindi ko namamalayan na last day na pala ni Bes ngayon. 

"Hoy, wag ngang ganyan mukha mo." She said, while packing her things.

"Maghiwalay na nga kayo ng joah mo, para dito ka na lang."

"Hahaha, desperate much?"

"Oo."

"Ano ka ba, magbilang ka lang ulit ng 6 months, andito na ko ulit."

"Pwede bang next time, mag-1 to 2 years ka na dito? Ikukuha kita student visa, tapos pag-aaralin kita. Kumuha ka ng french lesson."

"Hahahaha, gagu. French lesson sa Korya?"

"Ano ba gusto mo? Latin?" I said topping up my lame joke.

"Nakakatawa ka talaga. Andyan naman si Shushu!" 

"Hmp, aanuhin ko si Shushu, di naman nag-sasalita yan."

"Turuan mo kasi."

"Arf! Arf!" Ay lanya biglang tumahol sa gilid ko!

"Hahahaha, wag mo daw siyang ina-ano!"

"Hindi na po Shu, sorry na." Then I pat his head to pet him. Ang lande. Harot-harot ng asong to!

"Okay, done!" She exclaimed, clapping her hands after zipping her luggage and putting a code  to securely locked it. 

*Buzzzz*

Napatingin kaming pareho ni Ji sa labas dahil sa buzzer ng gate ko. 

"Oh, may bisita ka?"

"Pano? Wala naman akong pinag-sabihan na aalis ka na."

"Eh sino yan?"

Tumayo na ko para tignan kung sino yung tao sa labas, at aaminin ko na-disappoint ako ng makita ko si Eunjoong dahil ang ini-expect ko talaga ay si Yeol.

"Napadpad ka dito?"

"Wala lang aayain sana kitang lumabas."

"Busy ako." Pagkasabi ko palang nun, bigla namang labas netong ni Ji, bitbit ang luggage niya.

"Naku Ye! Male-late na pala ako!"

"HA?"

"DI KO NAMALAYAN! 1 AND A HALF HOUR NA LANG!" 

"WHAT?" Nataranta din ako sa sinabi niya, at buti na lang nakabihis na ko.

"Ah Ye, mukhang nagmamadali ata kaibigan mo, hatid ko na kayo."

Wala na kong panahong tumanggi pa, kaya agad na kong sumenyas kay Ji na sumakay na sa sasakyan ni Eunjoong.

"Sige-sige, pakitulungan na nga lang to sa luggage niya! Magsa-sara lang ako ng mga pinto!"

Tapos takbo ako agad sa bahay para i-settle si Shushu, at ilock lahat ng kailangang i-lock! Jusmeyo talaga tong si Ji! Di na nagbago!


********


Sa awa naman ng may kapal naka-abot siya, kahit na siya na lang ang huling taong nag-check in. Dahil sa urgency ng pagkakataon, di na tuloy kami nakapag-paalaman ng maigi, pero buti na rin yun, at least di na ko naiyak. 

"Salamat pala."

"Basta ikaw."

"Tsk."

Kahit na sinungitan ko siya sa dulo, nakangiti pa rin siya. 

"Sige na, dahil hindi na late si Ji, pwede mo kong i-treat kahit saan mo gusto."

"Wow! Magde-date tayo?"

"I-TREAT! Hindi ko sinabing date."

"Hahaha, okay sige sabi mo eh."

Buset talaga to, masyadong oportunista sa ganda ko, pero teka nga, kanina ko pa napapansin ba't parang andaming tao sa kabila? I mean sa arrival? 

Hmm... Baka may artist na darating? 

"Uy, may mga nababasa akong EXO sa banner nung iba."

"Huh?" Bigla akong kinabahan, parang gusto ko tuloy maki-isyoso. Tyka grabe si Nim, pwede namang ibang grupo ang banggitin ni Eunjoong, exo pa din? For once nim! Please, di ba pwedeng suju naman?^^

"Gusto mong pumunta?" Tinignan ko siya, and wala lang ino-obserbahan ko kung may inis ba sa expression niya kasi alam niyang baka magkita kami ni Baek na mali nga siya ng akala, or baka si Yeol? 

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng maisip ko palang siya, yung mga paa ko atat ng maglakad papunta dun pero....

"Wag na. Next time na lang, makikita ko rin sila sa ibang araw." Yes, for the first time and forever, tinanggihan ko ang EXO at ang chance na magkita kami ni Yeol....

Pero hindi ito dahil sa ayaw ko, gusto ko lang subukang baguhin yung takbo ng realidad ko. Baka kasi kaya naman palang ibigay ni Eunjoong kung ano yung saya na hinahanap ko kay Yeol. Oo na! Aaminin ko na, gusto ko ng sundin ang advice ni Ji at ni Ate Min. 

Hindi naman agad-agad e, pero yung pagbigyan lang siya at bigyan siya ng pagkakataon na matagal na niyang hinihingi, I think deserve na niya dahil na rin sa mga effort na naipakita niya sakin. 

"Tara, may alam akong restaurant na malapit dito." 

"Ya! Please Eunjoong, kung ite-treat mo ko, pwede sa iba naman? Hindi yung na-search mo lang base sa preference ko bilang fangurl."

"Yes, boss."

Baliw.

Dahil dito unti-unti na ngang nagbago ang lahat ng sa min ni Eunjoong...



Your Beggar Fangurl (Ang Pulube Mong Fan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon