CHAPTER 2
Dahil nga sa huling pangyayari sa piksyon kong buhay, dinala ako ng kalandian ko sa isang restaurant na tinext niya kinabukasan after ng concert.
Alam mo yung bangag-bangagan ka pa dahil sa isang napakagandang hang-over, tapos hindi mo naman na rin iniisip kung totoo ngang mag-me-message siya kasi sapat naman na, na nakamit mo na ang goal mo.
Syempre sino ba ko? Isang magiting na ma paper na fan lang naman na walang ibubuga kumpara sa nakararaming yayamanin na mga babaeng belong din sa planeta nating mga fangurl. Pero syempre di ko ide-deny na umasa pa rin ako.
At di nga ako binigo ng tadhanang nakalaan sakin sa kwentong to. ^^
Yan lang ata ang lamang ko sa ibang di na kailangang umefort magpapampam kasi kapansin pansin na sila sa ganda nila.
Kakaisip ko sa mga bagay na di naman ata dapat iniisip eh di ko namalayan na oras na pala!
ORAS NA PARA MAGKITA KAMMMMEEE!
Aww, lande. 😧
Pero totoo talaga na biglang bumilis yung tibok ng puso ko nung marinig kong bumukas ung pinto.
Taragis.
Ganto pala talaga ang pakiramdam ng ma-star struck. Guyths di ako nagbibiro, alam niyo yung scene na unang nakita ni Bella si Edward????
Yung parang may ray of sunlight na nakapalibot sakanya habang papalapit sayo yung presensya niya? Tapos kahit wala namang hangin, e talagang may pasadyang imaginary electric fan sa tapat niya na no. 1 lang at sa 'kin na naka-no. 3 sa lakas ng datingan niya.
"Hi!" Bati niya sakin habang inaabot ang kamay para makipag-shakehands.
"He-hello, oppa." Ang awkward ko nanaman putik.
"Name?"
"Uhhm..." Hindi ko alam kung talagang nakalimutan ko ang katangi-tanging salitang itinatak na sa pagkatao ko simula pa lang ng iluwal ako sa mundo, o sadyang hanggang ngayon ba ay wala pa ring naiisip na pangalan si nim para sa akin?
Anlaki ng magagandang mga mata ni Yeol, nakatingin lang sakin, naghihintay sa susunod kong babanggitin.
"Ye-ran."
"Yeran?"
"Ye."
"Woah, ikaw ang kauna-unahang Yeran na nakilala ko. Ganda naman ng pangalan mo!" Pangalan ko lang ba oppa? 😢
Dito na niya binitawan ang kamay ko at umupo na kami ng maayos sa tapat ng table. Di naman na siguro bago sa inyo yung room by room na restaurant?
Parang ganito oh.
Ayan ha! Pinakitaan ko na kayo ng picture para di na kayo mahirapang mag-imagine, kahit na para akong grade 1 na gumagawa ng report.
So eto na nga, sa umpisa sobrang awkward! Kasi syempre parehas naming hindi alam kung anong pag-uusapan. Kahit naman kasi sabihin nating fan service to, hindi namin maikakaila pareho na stranghero kami sa bawat isa.
BINABASA MO ANG
Your Beggar Fangurl (Ang Pulube Mong Fan)
FanfictionWala eh, nagmahal lang ako at swinerteng maging bida sa malanding piksyon na buhay ng isa nanamang fangurl na umahon sa kahirapan.