I Gave Up

19 3 0
                                    

CHAPTER 8

Tulad ng asa plano, umuwi nga kaming lahat sa bahay ko ng 5 PM, at by 5:30, nagsimula na kaming mag-inuman. Napansin nila Baek na wala akong aso o pusa man lang, at ewan ko ba parang big deal sakanila na walang hayop sa bahay.

"Ano ba, wag niyo siyang piliting mag-alaga ng hayop sa ngayon."

"Anong wag, kailangan niya ng aso noh!" -Hun

"Oo nga para may pagkaabalahan din siyang iba, hindi yung puro ikaw yung nakikita niya." -Baek

"Tsk, hindi niyo kasi alam." Kita ko na parang banas na si Yeol sa dalawa, and I actually find that cute. Hangggang ngayon pala concern pa rin siya sa nangyari.

"Anong hindi alam, kelangan niya ng pet!" -Hun

Pagmamatigas ni Hun, at hopya, mani pop-corn, biglang sumabog si Yeol.

"Ano ba! Wala pang tatlong buwan nung namatay si Tootless tyka si Hedwig! Tingin niyo kaya niya agad palitan yung kambal!"

Gulat sila eh.

"Chill ka lang bro." -Hun

"Tsk, minsan kasi makinig din kayo." Buti naman huminahon na rin siya.

"Ah! Sila ba yung dalawang Chinchilla na buhat mo sa wallpaper mo date? Tapos ang tindi nung selos ni Li nun, kasi pag-swinipe mo pala pa-kaliwa yung screen, may babae kang kasama!"

Tumingin sakin si Baek, at parang kinikilala ang mukha ko.

"Ikaw ba yun??? Chinchilla ba yung mga alaga mo dati?"

Well, dahil mabait ako, hindi ko naman dineny at nag-nod na lang.

"Uh-wow, tsk-tsk. Matagal ka na palang nangangaliwa talaga." Sabi ni Baek kay Yeol sarcastically.

Kumunot ang noo ni Yeol, at parang hindi ko na gusto ang mga paparating na mga mangyayari kaya naman sumingit na ko.

Tyka buti na lang magkatabi kami kaya sa baba ng table, pinisil ko yung arm niya para pigilan na siyang sumagot pa.

"Ay naku tama na nga yang usapang pet, nalulungkot lang ako pag-naalala ko yung dalawa, sa susunod dalhin niyo na lang yung mga alaga niyo. Malay niyo uhmmm, maka-move on din ako after some time hanggang sa kaya ko na ulit mag-adopt ng panibago." Then I smiled, an awkward smile para matapos na talaga to.

"Better nga, sa susunod dadalhin ko si vivi."

Suggest ni Hun, at buti naman dito na talaga nagtapos ang usapang hayop na yan.

*********

Lumalim pa ang gabi, at lumalim din ang inuman naming apat na tulad ng dati hindi ko na maintindihan kung ano pa ba yung pinagtatawanan naming tatlo.

Oo tatlo lang kami, kasi napansin kong hindi masyadong uminom si Yeol para siguro may matirang alalay sa amin.

Malabo na ang lahat pero parang bumagsak na rin sa sofa yung dalawa, tapos naramdaman ko na para akong lumulutang.

Alam kong sa bisig nanaman ako ni Yeol nakalagak ngayon and it felt so comfortable, nakakalimot ng kahit anong sakit yung ganito.

Then maya-maya lang din, naramdaman ko na ang pagbagsak ng katawan ko sa malambot na kama.

Gusto ko na sanang pumikit kaso nakikita ko ang mga mata ni Yeol na pinagmamasdan ako, at tulad nanaman ng dati di napigilan ng palad ko na dumampi sa pisngi niya.

"Tsk, ba't kasi ang gwapo mo?"

Nakita ko siyang ngumiti at tumawa ng bahagya habang ako nararamdaman ko ng sisinukin ako.

Your Beggar Fangurl (Ang Pulube Mong Fan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon