Deep Story Mode

21 3 0
                                    

CHAPTER 9

Tumahimik din ang buhay ko ng umalis na sila sa bahay after 2 days. Opo mga kapatid, TWO DAYS!

Kung di pa nga nila kailangang mag-practice e di pa talaga sila aalis. Sabi pa ni Hun, sa susunod daw aayain niya pa yung ibang mem para mas masaya. And take note nilagyan niya ng date, yun ay after lang naman ng comeback nila, bago daw pumalo yung concert tour nila. Buti na lang talaga malakas sila sa 'kin, pero kung ibang boy group yun? Aba baka-baka mas tanggapin ko pa sila. XD

Antaray diba? Magiging private bakasyunan ata itong bahay ko. Napaka-galante naman kasi nila mama't papa para ipaayos ng ganito kaganda. Tapos ang ending pala, ang unica ija lang nila ang matitirang mag-isa. Tsk, classic. Buhay nga naman, pag-tyinambahan ka ng pagsubok matindi talaga. Wag na nga muna nating pag-usapan ang family background ko!

At tyka, wag din kayong ma-confuse ha, pambayad lang talaga ng kuryente yung inuutang ko kay Yeol, siya lang nag-a-assume na binabayaran ko pa tong bahay, pero na-explain ko naman na rin sakanya, kaya maliit lang po ang utang ko.^^

Kami ni Yeol casual naman, sanay na sanay talaga siyang umiwas sa mga malulupit na issuing dapat na talagang harapin. 

Syempre bilang ako yung unang nagtapat, hindi ko mapigilang isipin ang lahat kada segundo, kada minuto, at kada oras, hanggang sa di ko namalayan na sa kaiipon ko ng lakas ng loob para kumprontahin siyang muli sa mga nangyari, ay lumipas na pala ang tatlong araw.

Yung anxiety ko sobrang taas na at maski ang makipag-usap kila Hun at Baek ay hindi ko na magawa. Kasi alam ko naman, alam na alam ko, ramdam na ramdam ko na kahit anong pilit ko, wala talaga.

Simula palang naman din kasi noong unang nilandi-landi ko sya sa paraang pabiro, mahal ko naman na siya talaga.

Basta aware naman kayo dun! At syempre ako din, ako nga itong fan na pampam diba? Susundan-sundan ko ba sila kung hindi ko gusto si Yeol? Kahit ba sabihin nating si Kyung naman ang pinaka-bias ko. Tapos ito nga, yung matagal ko ng hinihiling biglang binigay sakin. Alam ko naman na sa umpisa malabo pa sa tubig alat na may mapapatunguhan tong landian namin, kasi parang ang labas hindi rin naman gusto ni Yeol na may mamagitan samin.

Kung baga, ang intensyon niya lang talaga ay i-friendzone ako. At ako naman tong si tanga dahil nga mahal ko, mas lalo ko pang minamahal habang lumilipas ang mga panahong dumadami ang moments namin.

Aminado ako na hinahayaan ko lang kasi nga gusto ko, kahit na alam kong ginagamit niya lang akong pampalipas oras, kahit na para akong asong laging andyan pag-tinawag niya. KASI NGA GUSTO KO!

Ending...

Ako lang din ang natalo, at gustuhin ko mang umiwas at panindigan ang pride ko bilang taong nareject, ay hindi ko magawa. Sabihin niyo ng martyr pero parang di ko na kayang mawala pa si Yeol sa buhay ko kahit ba ang papel ko lang sakanya ay isang magiting na fan na isa daw sa pinaka-paborito niyang tao sa mundo.

....

Lumipas pa ulit ang ilang mga araw at parang si Yeol na nga ang dumistansya sa aming dalawa, siguro na-realize niya rin na hindi lang dahil sa kalasingan ko ang nangyari, at mas maigi na wag na muna siyang lumapit sa akin.

Buti na lang talaga, mejo surrounded na yung utak ko sa bagong trabahong papasukan ko. Kahit na nasasaktan pa ko sa current na sitwasyon, at least mas kinakabahan ako sa darating na first day of work ko makalipas ng halos ilang buwan din na pagtambay.

*It's You - By Henry Lau*

Inabot ko ang phone ko na asa tabi ko lang at sinagot ang tawag ng di na tinitignan kung sino ba ang tumatawag.

"Yeran!"

Mejo nailayo ko pa ang phone, dahil sa lakas ng boses ng babaeng ngayon ko na lang ulit narinig after ng ilang taon.

"Ano, andito ka nanaman ba ulit sa Pinas?"

"Yes! Alam na alam! Pasundo sa-

"Ayoko."

"Grabe ka! Hindi mo talaga ako mahal!"

"Hindi talaga."

"Yeran naman eh! Minsan na nga lang tayo magkita! Hindi mo ba ko namiss?"

"Hindi."

"Yeran please... Alam mo naman na ikaw na lang ang kaibigan ko dyan, at alam ko rin naman na ako na lang din ang kaibigan mo!"

"Tsk."

"Ako na nga lang nakakatiis sayo, ganyan ka pa."

At talagang nanunumbat pa sya.

"Pwes wag mo na kong tiisin."

"Oy! Grabe, joke lang eh. Sige na loves, sunduin mo na ko dito huh? Dadating ka dito diba after 30 minutes? Tas dyan ako ulit mag-iistay sayo ng ilang buwan. ^^"

"Ayoko."

"Yeran naman!"

"No."

...

Tumahimik siya saglit at alam kong nag-iisip to ng pangre-rebut niya para mapa-oo ako.

"Kahit anong sabihin mo Ji, a-

"Dala ko si shushu!"

"Huh?"

"Su-surprise ka sana namin, kaso parang andami nilang binago sa daanan."

"Buhay pa siya?"

"Oo naman noh! Nilakad ko na lahat ng papeles niya para sayo."

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang namuo ang mga luha ko, ng maalala ko si Shushu.

"Alam ko naman kasi na hindi mo naman siya gustong iwan, nawalan ka lang ng choice lalo na't sya lang ang kasama mo noong tatlong buwan kang na-rehab."

Hindi pa rin ako makasagot kay Ji, lalo na't bigla kong na-alala yung aksidente na nangyari samin nila mama noong asa Japan kami na naging dahilan ng lahat ng kalungkutan ko.

Kakagraduate ko lang noon ng college, at bilang regalo nila mama sakin at para na rin sakanila dahil sa napatapos nila ako, napag-pasyahan nila na magbakasyon kami sa Japan ng isang buwan kasama ang iba naming kamag-anak doon.

And cliche man tulad ng sa ibang kwento, kasama ang pamilya namin sa libo-libong pamilya na nabiktima ng lindol at tsunami sa Japan noong 2011.

Marami akong kamag-anak na namatay, at nagising na lang ako noon na nakaratay na ko sa ospital kasama si Shushu, ang aso ng lola ko na shiba inu. Inayos lang ng gobyerno nila ang mga papeles ko para makabalik ako dito after ng rehabilitation ko, at bilang ni-request ko na din kahit na luhaan ako.

Pinili ko ng iwan ang lahat, para hindi ko na maramdaman ang sakit ng mga pangyayari, kahit na kasama dun si Shushu, para makapagsimula ng bagong buhay.

"Oi. ano na, pati ba si Shushu titiisin mo pa rin?"

Nagbuntong hininga ako, at okay fine... Dahil tanggap ko na rin naman lahat ng nangyari, at alam ko na rin naman na walang kasalanan yung aso at si Ji, nagpasya na nga akong sunduin silang dalawa sa airport.

"Papunta na."

"Yes! SEE YOW!"

"Arf! Arf!"

At sa unang pagkakataon sa masalimuot kong nakaraan, ngayon na lang ako ulit napangiti sa kabila ng lungkot na asa likod nila.

"Antayin mo ko Shushu."

"Arf! Arf!"

Hashtag: Iyak! TT^TT

Your Beggar Fangurl (Ang Pulube Mong Fan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon