EKSO-EKSO

18 1 0
                                    

CHAPTER 25

Sa wakas! Nakahinga rin ng walang Yeol. ^^

Charing!

Makapagsalita ako kala mo naman lagi kaming magkasama. Well, actually since malayo pa ulit yung next concert nila nama-manage niya pa ring sundo-sunduin ako sa opis almost everyday. Nakakatawa nga e, lagi niyang dala ung calendar checklist niya na para bang kapihan ako't may makukuha siyang reward kapag nakumpleto niya yung buong 30 days. 

Hindi ko naman siya pinipilit, kasi naiintindihan ko naman na hindi siya basta-bastang tao, tyka sa dami ng sched niya kailangan niya ring magpahinga. Pero ewan ko ba, AKO at ang bahay ko daw ang pahingahan niya. =_=

Tyka lately, lagi na niyang inaabangan luto ko for dinner. Hindi ko alam kung nambobola o ano pero pang-wife level na daw skills ko kaya lagi siyang na-e-excite. Isip-isip ko lang, ikaw kaya mabuhay mag-isa ng ilang taon, di ka matututong magluto? 

Nangyayari tuloy, siya sa breakfast, ako sa dinner, at sa mga snacks, well... Adik kami ni Yeol sa cuddle chips, and smooorchesssss. xD

Yakang-yaka din naman kasi niya talagang magbalikan sa bahay kasi 30mins drive lang ng scooter niya yung place ko sa place niya, tapos yung office ko naman, malapit lang din sobra. Galing noh, matagal na kong swerte sa daan. (On a personal note ni authornim: Totoo po to, address ko sa Pnas, address ko sa Dubai sobrang convenient and laging natataon na malapit mga pinagta-trabahuhan ko.^^)

Pangatlong sabado na ng buwan at sa susunod na biyernes na yung ball na sinasabi ni Yeol. Kinakabahan na nga akong, hindi ko maintindihan! Yung pakiramdam na na-iintimidate ka na, wala pa nga! xD 

Di pa naman pang-artista level yung beauty ko, ano na lang sasabihin nila kay Yeol diba? Jusq talaga! Naiinsecure ako!!!!!!!! Tapos di pa talaga ako mahilig sa mga ganung event, mas gusto ko yung lagi lang akong mag-isa sa gubat, pakape-kape ganung klaseng introvert party ang alam ko. 

Anyway, Yeran nuh ka ba! Opportunity na rin to para mabusog ng sobra-sobra ang katawang fangurl mo! Kaya kapit lang. 

So eto na nga! Chanyeol FREE ako today at off ko lang naman... 

.

.

.

.

Dami ko pang segue e ang puno't-dulo lang naman lahat ng kadaldalan ko ay ang pagkamiss ko sakanya. TT^TT

Ano ba to! Ang lungkot ko! Nagme-message naman siya, tumatawag din pero wala sinanay niya kong andyan siya ng weekend. Yan tuloy, I need to remind myself again, na bago pa sya dumating kayang-kaya kong mag-enjoy mag-isa! 

Haaygoo, nuh ka ba Yeran, photoshoot yun para sa nalalapit nilang come back, it's for the better para sa pusong fangurl mo na uhaw na uhaw na sa bagong content.

Okay le go!

...

So ang ending ng pagka-miss ko kay Yeol ay sa malapit na kapihan sa pinakamalapit rin na mall sa bahay. Nagdala ako ng libro para madivert din yung isip ko sa absence niya, pero nakakailang pahina pa lang ako, wala rin, di ko rin natiis na ilabas yung laptop ko. OO dala ko, at isa akong social parasite na makiki-wifi at tatagal dito ng mahigit sa isang oras na iisang slice lang ng cake at regular cup ng kape ang in-order. 

Pagbungad pa lang ni Chrome, insta at twitter agad ang binuksan ko para sa latest uds nila. Ni hindi ko na nga kailangang i-type pangalan ni Yeol sa search bar dahil matik na puro sya ang nalabas. 

Kakatingin ko ng mga tweets, gifs, di ko namalayan na napadpad na ko sa YouTube para lang din manood ng mga funny clips nila. Hindi ko mapigilang mapangiti sa boyfriend ko e, ang kyut magulat laging kasama mata, kilay, at yung tenga niya kahit walang ginagawa masyado pa ring outstanding. Dagdag mo pa yung height niya, parang anlayo masyado ng pagitan ng ulo at ng paa niya. Ang gwapo nakakainis!

Your Beggar Fangurl (Ang Pulube Mong Fan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon