Authors note:
Ayo ladies and gentleman! Nandito na naman ang MisterOTOR para hingiin ang konti nyong panahon.
Medyo magkakaraoon dito ng madaming flashbacks. So para po maiwasan ang pakabaliw este pagkalito. Yung mga naka BOLD po is past tapos ung NORMAL font is. Present.
Yun lang po! Keep on supporting my work! I will truly appreciate. Vote and leave some comment when u want!
Saranghae!
--------------------------------------------------------
Matapos ko masigawan si BF ko kanina sa Cafeteria ay hindi na siya nagparamdam sa akin. Baka nagtampo na naman ang elyen.
Dumaan ako sa kanto sa punerarya para kunin yung order kong isang bag ng kornik. Pasalubong ko sa kanya. Kaya siguro ang KORNI nya kasi ito lagi ang kinakain! Hehe.
"Oh! Nandito ka na naman Yhaly! Sabi ko naman kasi sayo sa grocery kana bumili ng kornik para mas matipid. May tubo na dito si boss e. "
Sabi sakin ng isang tauhan ng punerarya.
"Tsk! Basta! Order lang ako dito! Gusto ko kasi ung amoy formaline na kornik nyo! " Tawa ako ng tawa at umalis na ako agad.
Habang naglalakad ako ay may sumabay sa akin na maputing lalake na gwapo! Oh may gash! Ang ganda ko talaga! Bakit ba lapitin ako ng pogi---
Ng poging multo!
"Ano nanaman yon?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad, naglagay ako ng earphone para kunwari may kausap lang ako sa phone ko. Mahirap ng maparatangan na naman akong baliw! Buti nalang maganda ako kaya keribels lang.
"Nakita kong kumuha ka ng kornik! Pahingi ako!" Tapos nakita kong ipinasok niya ung daliri sa butas ng puso nya.
"Yew! Kadiri ka talaga! Tigilan mo nga yan Yoongi!" Iniiwas ko ang tingin ko, kahit medyo sanay na ako sa dugo ay nandidiri padin ako.
"Tina-try ko lang i-pump ung puso ko baka may chance pa." Sige parin ang sundot niya.
"Patay kana men! Wala ka ng pag-asa! Ilang linggo mo na akong sinasabayan at hinihingian ng pagkain." Tinigilan na niya yung ginagawa at lumungkot ang mukha nya.
"Sumama ka nalang muna sa bahay! Kain tayo ng kornik!" Ngumiti siya ng sobra kitang kita yung gums.
Nakilala ko si yoongi ng dahil sa BF ko. Masyado kasi syang friendly.
Flashback
naglakakad ako pauwi galing trabaho at kasama si BF ko. Nang biglang huminto sya upang hingan ako ng barya.
"Anong gagawin mo sa barya? Wala akong dala na pwede Mong mahawakan BF ko eh." Patuloy akong naglakad pero naramdaman kong hindi na nIya ako sinusundan. Nilingon ko sya.
Muntik na akong matawa ng pagkalakas-lakas nang makita ko siyang nakahiga sa kalsada at yakap yakap ang kalahi nya. Nilapitan ko sila.
"Uy! Anong ginagawa mo diyan kilala mo ba yan? Tayo ka nga diyan."
Sabi ko sa kanya at naramdaman ko na naman na bumubulong ang mga tao sa paligid ko dahil nagsasalita akong mag-isa.
Bumangon nga siya pero niyugyog nya yung katabi nya. Hindi ko Makita ang itsura nito dahil naka patong ang isang braso niya sa mukha nya. Ang alam ko lang ay sobrang puti niya at may tama sya sa puso. Puro dugo ang damit niya.
"Uy! Gummy bear! Gising diyan papakilala ko sayo Gf ko!"
No response.
"Hoy! Lalakeng pumapak ng gluta nung buhay pa siya! Pag tumayo ka diyan isasama ka namin ni GF ko sa lugar kung saan maraming pagkain !"
BINABASA MO ANG
My Ghost Lover || K.TH Ft SANA
Fanfiction( completed) "Gusto ko lang naman maka-kuha ng justice at maka-akyat sa langit pero nakilala kita kaya HANDA akong kalimutan kung bakit nananatili ako sa LUPA basta lang MAKASAMA kita " KT.H