*^▁^*Natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng isang pamilyar na kwarto. Ang kwarto ko. Mabilis along lumabas ng silid at natagpuan ko ang bahay na walang buhay. Wala ni isa man ang naroon, kahit yung mga multong nakilala ko.
Kumulo ang aking tyan.
Namangha ako. May kakayahan pa rin palang magutom ang isang multo. Naglakad ako sa buong kabahayan hanggang sa matagpuan ko ang kusina. Natakam ako ng may nakita akon kornik, banana chips and biscuit na nakalagay sa lamesa. Subali't nag-alangan ako. Pwede bang mahawakan ko iyon ? Tumatagos nga lang ako sa mga bagay-bagay.
Pero, gutom na talaga ako kaya hinawakan ko na rin at halos mapalundag ako sa tuwa nang mahawakan ko ang isang piraso ng biscuit. Mabilis ko itong kinagat at para akong nakaramdam ng biglang ginhawa habang ninanamnam ko ang bawat nguya sa pagkain.
"Hmm! Sarap!"
Kumuha pa ako ng isa, dalawa hanggang naging lima. Gutom na talaga ako. Masaya akong, lumalantak sa pagkain nang halos mabilaukan ako sa gulat .
"Yhalyyyyyy! Gosh! Wheere have you been !! We keep hanap hanap you all over the place. Like, duh! You naglayas ?"
Si Hoseok iyon. Mabilis niya akong niyakap. Oo ng palam bigla akong nag-teleport sa ibang lugar kanina lang.
"What do you mean ??? Ohhhhh, what do you mean! Conyo, puta !"
Si Yoongi, iyon. Parang alam ko yung kantang kinanta niya kanina lamang.
"Pakyu! La kam pake ! "
Pinanuod ko sila habang patuloy akong ngumunguya. Siguro ay masaya akong kasama sila noon. Pero, nakikita ko ba sila dati ?
"Tara na Yhaly! Kailangan nating umalis ! Delikado na ang lagay ng katawan mo! Kailangan mo ng makabalik!"
Bigla akong hinatak ni Hoseok pero pinigilan ko siya. Para, kumuha ng maraming biscuit at dinala ko iyon. Ilang sandali ay nag-teleport kami.
Narito kami ngayon sa isang malaking building. Maraming tao doon, marami ding multo.
"Nasa'n tayo ?"
Tanong ko habang hila-hila pa rin ako ni Hoseok at sa likod naman namin ay si Yoongi.
"Narito tayo kung nasaan ang katawan mo. Hospital ang tawag sa ganitong lugar."
Napatango na lang ako at nagpatianod na lang sa kanya. Matapos ang ilang saglit naming pagkatakbo, lakad ay huminto kami sa tapat ng isang pintuan. Doon ay may nakita akong isang gwapong lalake, may maliit na mata, matangos na ilong, maputing balat.
Nakilala ko agad siya
"Kuya Jimin ?"
Tawag ko sa ngalan niya nguni't tila hindi niya ako nakita. Nakaramdam ako ng lungkot, pero, ano bang magagawa ko ? Isa nga pala akong multo.
"Pasok na."
Turan ni Yoongi kaya napalingon ako sa kanya. Nagsimula akong humakbang kalakip ang kaba sa aking maaaring makita, masaksihan. Hindi ko alam kung handa na ba ako, o kung magiging handa pa ba ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/113098912-288-k190315.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ghost Lover || K.TH Ft SANA
Fiksi Penggemar( completed) "Gusto ko lang naman maka-kuha ng justice at maka-akyat sa langit pero nakilala kita kaya HANDA akong kalimutan kung bakit nananatili ako sa LUPA basta lang MAKASAMA kita " KT.H