ABKMEP 5※

152 18 11
                                    


*^▁^*

BF KO'S pov

Ang huling naaalala ko ay nawalan ako ng malay sa bahay ni Yhaly. Napapadalas na itong nangyayari sa akin na bigla nalang akong nawawalan ng ulirat. Pero ang nakakapag-taka ay sa tuwing magigising ako ay napupunta ako sa isang abandonadong bahay.

Pero iba ang pakiramdam ko, parang nakapunta na ako rito sa lugar na ito. Pa'no kung konektado pala ang bahay na ito sa totoong pagkatao ko? Kung sino ako at kung paano ako namatay.

Ngunit may parte ng utak ko ang nagsasabi sa'kin na 'wag ko nalang alamin kung sino ako. Dahil natatakot ako at ayokong iwanan si Yhaly. Mahal na mahal ko siya at handa akong maging multo at magpagala-gala dito sa lupa hanggang sa dumating ang panahon na hindi na n'ya ako kailangan.

Tao siya, multo ako. Wala siyang mapapala sa isang katulad ko. Habang buhay siyang mabubuhay mag-isa kung patuloy n'ya akong mamahalin. Hindi ko siya mabibigyan ng masaya at buong pamilya.

Dahil MULTO lang ako.

Pero di ko pa siya kayang mawala sa piling ko. Hindi man ako buhay, pero siya ang dahilan kung bakit masaya at makulay ang pananatili ko sa lupa.
Tumayo ako habang hawak ang ulo kong kumikirot sa sakit.

Madilim ang paligid, magulo at madumi pero payapa ang pakiramdam ko. Naglakad ako upang lumabas sa bahay na ito nang may napansin akong litrato na naka sabit sa pader ng bahay. Ayoko sanang lapitan pero pamilyar sa akin ang nasa litrato.

"A-Ako ba 'to?"

----------------------------------------------------------

Yhaly's pov

Iyak ako ng iyak dahil hindi ko alam kung anong nangyari sa Bg ko. Kasama ko ngayon si Hoseok upang i-comfort ako. Nandito din si Yoongi para daluhan ako o bwisitin ako in right term.

"Tama na bespren! Pumapangit ka oh! Maawa ka naman sa mata ko! Damage na damage na!" Si hoseok habang hinihimas ang likod ko.

"Gago ba you! Anong gusto mo mag party-party ako eh nawawala nga yung BF ko?" Tuloy pa rin ako sa pag atungal.

"Pwede din naman Yhaly! Kasi wala namang ginawa yang boypren mo kundi magpabebe! Alam mo ba ang struggle ko sa kakataboy ng mga mumung girls na patay na patay sa BF mo!"

Lalo akong umiyak ng marinig ko yun.

"Ay baliw na 'tong si Yhaly! Ang mabuti pa matulog ka dahil may pasok ka bukas sa trabaho. Naku naku! Pag na-late ka lagot ka kay boss Jin mo." Tinabihan ni Hoseok si Yoongi at pinapak yung natirang kornik.

"Eh pano nga si BF ko? Pa'no kung inagaw na yun ng ibang girls na may talent like me! O kaya ni-rape ng mga fans niyang mumu? Or worst--"
Patuloy sa pagdaloy ang luha ko.

"Pa'no kung tumawid na pala siya? Pa'no kung di ko na pala siya makikita forever?"

Naramdaman kong nilapitan ako ng dalawa at niyakap.

"Hahanapin namin siya, okay. Magpahinga kana." Narinig kong sabi ni Yoongi.

"Salamat."

Pagkatapos noon ay bigla silang nawala ng parang bula. Buti nalang nandito sila, at least hindi ako nag-iisa. Nahiga ako sa kama habang hilam parin ng luha ang mukha ako. Komportable talaga para sa'kin ang kwarto ko.

Ring! Ring! Ring!

Sinagot ko agad ang tawag sa cellphone ko.

"Hello? Kuya? Bakit napatawag ka?"

"Na-miss ko lang ang little sister ko! Kumusta na dyan sa bahay? "

"Sus! Kunwari ka pa! Gusto mo lang ng jams eh! Dito ka nalang kasi tumira sa bahay ko Kuya. May work naman tayo pareho. Para hindi na ako malulungkot dito."

My Ghost Lover || K.TH Ft SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon