ABKMEP 31

77 5 34
                                    


*^▁^*

New years Eve. 

Narito ako sa bathroom ng Guest room ng mansyon nila bang makarinig ako ng kalabog sa loob.

Kinilabutan ako.  Ang naaalala ko ay ni-lock ko ng mabuti ang pinto bago  ako pumasok dito sa bathroom. Mabilis akong nagbanlaw ang nag-suot ng pinahiram sa aking bathrobe ni Jin at ipinulupot ko ang isang puting towel sa ulo ko upang hindi ako magkalat ng basa sa loob ng kwarto.

Dahan-dahan akong lumabas ng may nakita akong Tao, i mean multo na nakaupo sa aking kama at buong tuwang kumaway sa akin. Tapos, nakita ko mula sa tabi ng bed  side tabel na may nalaglag na picture frame.

"Anong ginagawa mo dito, Hoseok?"

Tanong ko sa kanya, naupo ako sa kama at nagsimulang tanggalin ang towel sa ulo ko at kinusot ang basa kong buhok.

"Malungkot sa bahay eh! Si Jimin pupunta rin dito mamaya, malungkot kung dalawa lang kami ni Yoongi mamayang new year."

Malungkot na sabi niya. Sabagay, yearly kami magkasamang mag-celebrate.

"Dinalaw mo na ba yung family mo?"

Tanong ko at tumigil sa pagkusot ng aking buhok. I rested my hand that held towel over my lap. Tapos ay pinulot ko yung frame na nalaglag sa sahig.

"Oo naman. At, mukhang masaya na sila. At least, kung sakali mang makakatawid ako ay alam kong tanggap na nilang wala na ako at ipinagpapatuloy nila ang buhay."

Humuni at tumango lamang ako bilang sagot sa kanya. Nakatitig pa rin ako sa picture frame na hawak ko. Ilang saglit lang ay muling nagsalita si Hoseok.

"Kasama ko din si Yoongi dito. Kaso, baka tulog pa yun kung saan. Gigisingin ko na lang mamaya."

Nag-angat na ako ng ulo at nilingon ko siya. Nagtataka lang kasi ako.

"Normal ba na may picture ng may-ari ng bahay ang Guest room ?"

Tinitigan muna niya yung picture frame na hawak ko bago sumagot.

"Ang alam ko wala. Pero, malay mo kakaiba ang trip ng mga tao dito. Tyaka, wag ka ngang ano! Alam ko namang kanina ka pa kinikilig dyan sa picture ni Ex-jowa mo!"

Tama, picture kasi ni Taehyung itong nasa frame. May kasama siyang lalakeng medyo may edad na nguni't unang kita palang ay napansin ko ng marami silang pagkakahalintulad ng itsura. Di kaya, ito ang tatay niya ?

"Sige, bespren. Hahanapin ko lang si Gummy bear."

Tapos biglang naglaho si Hoseok. Sila na talaga narunong mag-teleport. Inilpag ko na ang frame sa bed side table at nag-umpisang magsuot ng damit. Mabilis kong naisuot ang under garments ko nang biglang may pumasok.

"Aaaaahhhhhhhh!"

Tili ko ng malakas. Hindi ko alam kung paanong itatago ang katawan ko. Nakasuot na ako ng undergarments, pero kahit na! Hindi pwedeng may makakitang iba ng katawan ko bukod kay . . .

"Taehyung ?"

Si Taehyung pala ang pumasok. Teka ? Akala ko ba guestroom ito? Di kaya nagkamali ako ng pinuntahan? Kaya ba may picture frame siya dito?

"A-anong ginagawa mo dito sa Kwarto ko Yhaly ?"

Utal na tanong niya kasabay ng mabilis na pagtalikod. Agad kong hinila ang aking blouse at isinuot. Kasunod niyon ang jeans.

"S-sorry, sabi kasi ni Jin, pwede kong gamitin ang guestroom para maligo at magpalit. K-kaso mukang mali yung kwartong napasok ko."

Paliwanag ko at nakatalikod pa rin siya sa akin.

"Nakapag-bihis ka na ba ?"

Tanong niyang bigla.

"O-oo , tapos na! Pwede ka ng humarap sa akin."

Nakita kong tinungo niya ang pinto at isinara, nakarinig pa ako ng pag-click na parang ini-lock niya ito. Matapos niyon ay humarap na siya sa akin. Biglang kumabog ang puso ko. Ano kayang gagawin niya sa akin? Well, kung gagahasain niya ako, willing ako magpagahasa. Joke lang! He he

"Well,  sadly speaking this room you entered mistakenly is obviously not a guest room.  "

Mabagal siyang naglakad papalapit sa akin at palakas ng palakas ang pagwawala ng puso ko. Tumigil siya sa mismo kong harapan at hinawi ang basang hibla ng buhok ko na humarang sa aking pisngi at inilagay niya ito sa likod ng aking kaliwang tainga.

"This room is mine ."

He said in a husky voice enticingly.  Parang pakiramdam ko ay biglang nanghina ang mga tuhod ko kasabay ng pag-iinit ng aking pisngi. Yumukod siya ng kaunti hanggang sa magka-pantay na ang aming mga mukha. Nalanghap ko pa ang mabango niyang hininga at mainit ito. Hindi katulad noong multo pa siya, nguni't hot man o cold, pareho ang epekto niyon sa akin. Nakakabaliw.

"Ah-eh, tapos na ako, sorry kung nagamit ko yung kwarto mo. Sorry talaga sige, lalaba---"

Hindi ko natapos yung sanang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan sa labi. A quick peck on my lips pero bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa kalamnan ko. Lalo akong nanghina. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nangangapal na rin ang pakiramdam ko sa aking pisngi, pulang-pula na siguro ito ngayon.

"You're cute."

Sabi niya at pinisil ng magaan ang aking ilong. Umayos na siya ng tayo at mabilis na tinungo ang isang malaking closet cabinet at naghanap ng maisusuot nang sa wakas ay nakahinga ako ng maluwag at nakapagsalita.

"Why are you doing this to me Taehyung ? Alam mo bang pinapahirapan mo lang ako? Alam mo bang parang sasabog na ang puso ko sa kilig pero sasawayin ako ng utak ko na kumalma dahil hindi kita pwedeng mahalin? Na, wala na yung dating Taehyung na minahal ko ?"

Hinarap niya akong bigla at nakita kong bumuntong hininga siya.

"I thought you trust me?"

Nakatitig lang ako sa kanya. Sa mga mata niya. Hindi ko alam kung nililinlang lang ba ako ng aking paningin pero kitang-kita ko, na may nararamdaman siya para sa akin. Na siya pa rin ang BF ko.

"I trust you! Pero, bigyan mo naman ako ng panghahawakan. Nakakapagod ding masaktan alam mo ba iyon ?"

Walang sabing bigla niya akong nilapitan at sinapo niya ang aking batok at walang paalam na siniil ako ng halik sa aking mga labi. Agresibo noong una , na parang intinuon niya doon ang frustration niya nguni't kalaunan ay naging magaan ito at malambing, puno ng pagmamahal. Iniyakap ko ang aking mga braso sa kanyang batok  dahil pakiramdam ko ay nanghihina na talaga ako. Lalo na ngayon.

Ilang saglit lang ay bumitaw na siya sa aming matamis na halikan at pareho kaming hinihingal.

"Mahal kita Yhaly, yan ang panghawakan mo."

*^▁^*

Update ! Ang sweet !

My Ghost Lover || K.TH Ft SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon