ABKMEP 25※

91 6 24
                                    


*^▁^*

Dec 30, 2017

My birthday today. 

Tama si Jungkook. Tumanda na naman ako ng 1 year na single. 

Narito kami ngayon sa isang private videoke Booth. Si Jungkook ang may idea nito to celebrate my birthday. Kasama ko si Kuya Jimin. Inimbitahan din nila si Namjoon, narito rin si Taehyung at tahimik lang siyang umiinom ng beer.

Sina Mama at Papa. Tinawagan nila ako kanina at binati dahil kaarawan ko nga. Nagpa-plano akong kumuha ng leave next year para makauwi sa province at mabisita sila kahit ilang days lang.

"Huy! Kanta ko yan!"

Napalingon ako kay Jungkook. Kumakanta kasi si Kuya Jimin kanina ng We Don't Talk Anymore. Well, mahilig kumanta si kuya at magaling din naman siyang kumanta.

I look at the flat t.v screen and read the title of song Jungkook will be going to sing.

Nothing like us.

Parang kumirot yung puso ko. Patama yung title sa akin eh. Wala kaming US ni Taehyung.

Nagsimulang kumanta si Jungkook at masasabi kong napakaganda ng boses niya. Lalo pa't feel na feel niya ito. Daig pa niya ang totoong in love.

"Hoooo! Magaling ka pala kumanta, Jungkook! Akalain mo 'yon."

Sigaw ni Kuya Jimin at nagpalakpakan naman sila. Dapat ay masaya ako dahil birthday ko. Kasama ko si Kuya at si Taehyung na pinakamamahal ko.

"Ikaw naman, Taehyung! Di ba mahilig ka din kumanta noon?"

Sigaw ni Jin tapos ay tumungga siya ng beer. Ako din naman ay nag-iinom.Nakakadalawang bote na nga ako ng beer. Tyaka kasama ko naman si Kuya kaya panatag ako.

Tinitigan ko ng maigi si Taehyung at umiling lamang siya at tumungga ulit ng alak.

Katabi ko nga pala si Jin. Ewan ko ba, pero dito siya naupo. Si Jungkook naman ay nasa tapat ko katabi niya si Kuya Jimin at Taehyung. Nasa kabilang side ko si Namjoon. Wala namang malisya, talaga lang na ako ang naiilang sa sitwasyon.

"Ikaw, Yhaly? Gusto mong kumanta?"

Tanong sa akin ni Jin. Nilingon ko siya at ang nagisnan ko ay ang malamlam niyang mga mata ang mapula-pulang mga pisngi ng dahil sa alak. Nakangiti rin siya sa akin.

"Nako! Baka bumagyo pa kapag kakanta ako."

Tapos tumungga ulit ako. Nate-tense kasi ako sa sitwasyon. Medyo nararamdamn ko na rin na nag-iinit ang aking pisngi at medyo nawawalan na ng pakiramdam ang aking mga kamay. Ngunit damang-dama ko ang malakas na tibok ng aking puso.

"Oo nga! Kapag narinig mo yang kumanta si Yhaly, total turn off ang mangyayari."

Sabi ni Kuya Jimin tapos tawa pa siya ng tawa. I pouted my lips. Totoo naman kasing di kagandahan ang boses ko pero nakakainis lang na inaasar ako ni Kuya tapos sa harap pa nila.

"Nako! Hindi ah! Kahit ano pa man ang boses ni Yhaly, I am sure maganda iyon sa pandinig ko."

I cringe. Dapat kiligin ako, right? Pero hindi iyon ang nangyari. Imposible na nga yata talagang maibalik ang feelings na nawala na. Katulad ng kay Taehyung. Hindi na makakabalik kahit mag-feeling close pa ako sa kanya.

"Ewan ko sa inyo. Kayo na lang kasi kumanta! Wag niyo na akong idamay!"

Pabirong sabi ko at tumungga ulit. Malapit ko ng maubos ang ikalawang bote kaya medyo nahihilo na ako. Hindi naman kasi talaga ako nag-iinom. Bihira lang, tuwing may okasyon.

My Ghost Lover || K.TH Ft SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon