ABKMEP 27※

91 6 22
                                    


*^▁^*

"I told you, I am not interested in Dad's Company. Besides, I can find my own job to live off myself. "

I scoffed as Jin tried to convinced me to go up higher position. We've been talking about this over the breakfast. 

Don't get me wrong. Hindi sa ayaw ko ang kompanya, kaya lang ako tumatanggi ay para mapaniwala ko siyang pipirmahan ko ang will na ipinapasa ko na sa kanya ang kompanya. Hangga't hindi pa ako nakakahanap ng solid evidence para maidiin siya at mapagbayad sa ginawa niya sa'min ni Daddy.

"Look, I know you've been doing your best to raise the company. Kaya wala namang masama kung iiwanan ko na lamang ito sa'yo. Masaya na akong makita na lumalaki ang company ni Dad."

Dagdag ko pa. Matapos niyon ay pinahiran ko ang aking labi ng puting tela. Tumayo na ako at marahang inayos ang aking polo. Sinulyapan kong muli si Jin pagkatapos.

"I need to go somewhere. Happy new year, Bro."

Nilapitan ko siya at tinapik ang kanyang balikat. After niyon ay lumabas na ako ng kusina. Nadaanan ko pa ang Mom ni Jin sa sala. Prente siyang nakaupo at ngitian niya ako.

Ngumiti din ako ng pilit. Kung ako lang ang masusunod kahit sulyap ay hindi ko siya bibigyan. Dahil, kinamumuhian ko siya, silang mag-ina.

"Good morning and Happy new year! I need to go somehwere, I'll be back later in the afternoon."

Matapos kong sabihin iyon ay deretso akong naglakad palabas ng bahay. Tinungo ko ang aking kotse at agad akong napangiti nang makita kong nasa loob ng kotse ko si Yoongi at Hoseok na naghihintay sa akin.

Sumakay ako sa driver's seat. Si Yoongi ay nasa Passenger at matalim na nakatitig sa bahay namin at si Hoseok naman ay nakahiga sa backseat at nakakalat ang buhok niya sa kanyang mukha.

"Everything is settle. After few minutes ay siguradong lalabas din si Jin. Pag nakita niyo siyang umalis. Pwede niyo nang umpisahan ang plano."

Tumango-tango lamang si Yoongi. Matapos niyon ay lumingon siya kay Hoseok tapos pilit itong inabot at hinampas ng malakas sa hita upang magising.

"Ay Fafa Jimin!"

Sigaw ni Hoseok kasabay nang biglang pagbangon niya. Muntik na akong matawa ng malakas sa narinig ko. Hanggang ngayon ba naman ay Jimin pa rin ang bukambibig niya.

Inayos niya ang kanyang wig at tyaka niya tinitigan ng masama si Yoongi.

"Tangina mo, Yoongi! Okay na yung panaginip ko eh! Makakadekwat na ako ng hotdog ni Jimin! Punyeta ka talaga! Pag ba ikaw tulog iniistorbo kita?"

"Gago ba you? Malamang di mo ko gigisingin kasi ayaw mong ma-double dead di'ba?"

Natawa na ako ng tuluyan. Lagi pa rin silang nag-aaway. Ano nalang kayang mangyayari kapag nasa langit na sila? Siguro ganito pa rin kaso hindi sila nagmumura.

"Stop it guys. You came here to do mission, right? Please, save that fight later. Besides, I need to go. I'll be back later in the afternoon."

Sabay silang nag-iwas ng tingin. Nguni't mukhang trip na trip talagang mang-inis ni Yoongi kaya hinarap niyang muli si Hoseok.

"Gusto mo pa bang tagalugin ko? Mukhang di mo na-gets eh!"

"Ulol mo!"

Sagot ni Hoseok tapos bigla siyang naglaho mula backseat. Bigla na lang siyang nandun na sa second floor at dumungaw sa bintana matapos ay kumaway sa amin.

Kinilabutan ako. Nakakatakot pala talaga si Hoseok. Kung hindi ko siya kilala ay baka aatakihin ako sa puso nang dahil sa takot. Kasunod na naglaho ay si Yoongi. Malamang ay sumunod din siya doon.

Nakahinga ako bigla ng maluwag tapos napangiti. Excited na akong finally, makuha ang justice para kay Dad. Lalo na sa naiiisip ko na kapag nakakulong na si Jin ay maaari ko ng ituloy ang relasyon ko kay Yhaly.  About naman kay Aira, sa totoo lang ay siya ang pupuntahan ko ngayon. 

Upang tapusin na ang lahat sa amin.

I liven the engine after I threw my last glance to that hellish house, then drove away.

*^▁^*

"Huy! Umalis na yung Jin! Kilos na!"

Sabi ko kay Yoongi. Tama ba namang matulog? Duh! Sinamahan niya ako para tapusin yung misyon at mapa-amin yung nanay ni Jin tapos siya patulog-tulog lang? I cannot!

"Kaya mo na yan! Wake me up pag tapos ka na."

Bulong niya tapos yumakap pa sa unan. Kung di ba naman talaga masarap patayin tong patay na to eh!

"Lul mo! Di kita tatawagin pag tapos na ako. Iiwanan kitang gummy ghost dito!"

Hindi na sumagot si Yoongi kaya naglakad na ako palabas ng kwarto ni Jin. Naglakad-lakad ako at inisa-isang pasukin ang mga kwarto, syempre hindi ako nahirapan kasi tumatagos lang naman ako sa mga pinto.

Hanggang sa nakapasok ako sa isang malawak na kwarto.

"Bingo!"

Natagpuan ko na rin sa wakas ang kwarto ng nanay ni Jin. Sigurado akong sa kanya ito dahil may nakita akong naka frame na picture niya sa pader at may nakalagay ding mamahaling mga perfume, lotions at kung ano-ano pang mga pampa-ganda ng mga babae. 

"Dito ko na lang siya hihintayin."

Bulong ko sa sarili ko. Naupo ako sa upuan sa harap ng bed side table at tinitigan ang aking sarili sa salamin.

"Gosh! Lalo akong pumangit through out the years. The uling messed on my face. Tsk!"

sinubukan kong dumampot ng kahit anong pampaganda ngunit hindi ako nagtagumpay. Medyo nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto.

Well, kahit mumo ay nagugulat din ako minsan.

May isang magandang babae ang pumasok. I wonder kung lahat nang ito ay ipinapahid niya sa balat niya para lang 'wag tumanda.

Lumapit siya sa akin. Agad akong tumayo at binuksan niya ang maliit na cabinet sa ilalim ng bed side table at kumuha ng isang kaha ng sigarilyo at isang maliit na golden plated na lighter.

Kumuha siya ng isang piraso at sinindihan. Hinithit niya ito at bumuga sa mismong harapan ko pa.

"Tang-disrespecting itong tao na ito ah! Humanda ka sa akin."

Tinitigan ko nang maigi yung mga gamit niya sa bed side table at walang sabing bigla ko itong hinawi nang malakas. Nagbagsakan ito sa sahig. Nabasag ang mga mamahaling pabango. Naghalo-halo ang amoy nila sa loob ng silid. Bigla niyang nabitawan ang kanyang sigarilyo sa sahig at kitang-kita ko sa kanyang mukha ang magkahalong gulat at takot.

Sinubukan niyang tumakbo palabas ng kwarto nang biglang humangin sa loob ng kanyang silid. Syempre, gawa ko iyon. Halos maiyak na siya nang marealize niya na hindi na niya mabuksan ang pinto.

Agad niya itong kinalampag at sumigaw ng "help". Natawa naman ako sa kanya.

"Now! The real show will start".

Sabi ko tyaka ginulo lalo ang aking wig.

*^▁^*

Omg! Go Hoseok!

Sayang tinulugan ka ni Yoongi!

My Ghost Lover || K.TH Ft SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon