ABKMEP 9※

121 11 17
                                        


Yhaly's POV

Mabilis naman akong naka-uwi at kaagad pumasok ng bahay. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nakaupo silang tatlo sa lamesa at kumakain ng kornik. Madami akong stock niyan para kay taehyung! Hihi.

Dinaluhan ko sila at naupo din ako.

"Buti naman nandito ka na Yhaly! Tingnan mo si Yoongi nababaliw na!"
Bungad sa'kin ni Hoseok.

"Anong sinasabi mo? Okay naman s'ya !" Sabi ko at kumuha ng kornik at kinain.

"Tanga mo! Tingnan mo, gising siya at kumakain tapos kita mo yan!" Tinuro n'ya yung mukha ni Yoongi.

"Oh! Anong problema d'yan?" Tanong ko naman tapos sabay hawak sa kamay ni BF ko. Ay ang landi! Hahaha

"Labas na labas na yung gums kaka-ngiti.  Akala ko ako lang ang SUNSHINE! Aagawan pa yata ako ng title. Dapat natutulog lang yan eh! Kasi ganun yung normal state nya, right?"

Natawa naman ako, kasi totoo namang palaging tulog tong mumu na ito, tapos magpaparamdam lang pag kakain. Pero at least nakikita ko siyang naka-ngiti.

"Naka naman ng nyeta Hoseok! English yun ah!"

Inirapan niya ako at nag flip wig hair!
Oo nga! Flip wig hair, kasi wig nga lang diba? Hinarap ko na si Yoongi at tinanong, di pa rin talaga nawawala ang ngiti nya.

"Yoongi!" Kinalabit ko, no response.

"Yoongi!" Niyugyog ko na at mas nilakasan ko yung boses ko kaso dedma pa rin!

"Hoy Yoongi! Aba, yung gilagid mo tuyot na! Baka gusto mong tumikom kahit one second lang."

Narinig kong tumawa yung isang white lady at isang poging jowa ko. Hahaha maka segway lang talaga ako ng kalandian ko eh!

Marahan siyang lumingon sa akin at naka gummy smile parin. Muntik na akong mapa sign of the cross dahil sa kanya.

"King-ina! May something wrong nga sa kanya!" Naibulalas ko.

"Sabi sayo eh! Yoongi is crazy going and me scary! Oh my heart is! My heart is--"

Kinonyatan ko na. Sorry na po, mahal ko si Hoseok kaso ganyan kasi siya kaya madalas masaktan! Hehe.

"Tigilan mo'ko Hoseok! Kakatapos ko lang, baka reglahin naman ako sa ilong! Galing ng english mo, perpek na kaya wag mo nang i-try!"

Inirapan na naman niya ako, naku, konti nalang dudukutin ko na mata nun eh!

"Ano bang meron Yoongi?"

Tanong ko ng biglang nawala yung ngiti nya at ilang segundo lang nakalipas ay biglang umatungal siya ng malakas, nataranta naman ako.

"Ayan na bespren! Na po-possess na si Yoongi! Taehyung kuha ka ng CROSS, ROSARy, HOLY WATER, at libro ng EL FILI!"

Kasabay nang pagka-wala ni Taehyung sa tabi ko ang pagkawala din ng taranta ko.

"Anong gagawin mo sa EL FILIBUSTERISMO HOSEOK!" Sigaw ko sa kanya.

"Bakit? Kung magpapakuha ba ako ng pang-exorcist na libro mababasa mo ba? Ang tanga mo Yhaly! Buti pa ako matalino!" Sigaw na sagot niya sa'kin.

"Ay! Oo nga noh! Ay, Leche ka! Baka sumugod dito si Pambansang Bayani dahil sa kagagawan mo!"

Sige pa rin ang iyak ni Yoongi habang ngumangata ng kornik nang biglang sumulpot si Taehyung. Nilapag niya sa lamesa ung---

CROSS

ROSARY

BOTE ng MINERAL NA MAY NAKASULAT NA HOLY WATER

My Ghost Lover || K.TH Ft SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon