*^▁^*
YHALY'S POV
"Yhaly! Yhaly! "
Dinig ko agad yung sigaw ni Hoseok pagkapasok ko palang ng bahay ko. Talaga palang naghintay siya sa akin.
Malungkot akong naupo sa lamesa at naglagay ng kornik sa platito."Oh, bakit mukha kang nalugi? Wala ka namang business ha!"
Kung di ba naman talaga pang-asar si Hoseok eh! Mukha talagang needed na siya sa taas.
"Ewan ko sa'yo Hoseok! Kita mo nang depressed eh! Ina-ano mo pa!"
"Hala! Ang bastos! Ina-ano kita?"
"Wag kang kakain ng kornik!"
Hinila ko yung platito palapit sa akin tapos nagpa-cute naman si Hoseok.
"Sorry na kasi Bes! Oo nga pala. Nakita ko si Gummy Bear kanina right here waiting for you. Kaso, umalis din agad nung makita ako. Sabi ko nasa Makati ka kaso tinatamad daw siya magteleport, baka nandyan lang iyon sa tabi-tabi."
Oo nga pala, si Yoongi. Mababaliw na ako! I need a break! Daming gumugulo sa sexy brain ko my goodness!
"Hayaan mo muna yang si Yoongi. May usapan kasi kami, medyo nakakaligtaan ko lang. Sige Hoseok, kumain ka muna dito sa sala. Kailangan ko ng tulog. Stress much!"
"Sige goodnight sa'yo!"
*^▁^*Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong parang mabigat na nakadagan sa tiyan at legs ko. Pinilit kong dumilat at nang makita ko kung ano ito ay si Taehyung lang pala.
Mahimbing na natutulog sa tabi ko habang nakayakap sa akin. Parang may humaplos sa puso ko at may kirot din ng maalala ko ang nangyari kanina sa restaurant kasama si Jin. Wala man akong ginagawa ay na-guilty ako.
Na-guilty ako na narinig niya yung mga bagay na gusto kong marinig mula sa kanya na sinabi ito sa akin ng ibang lalake at buhay.
Naramdaman niya yata na tinititigan ko siya nang bigla niyang isiniksik and ulo niya sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko yung malamig na hininga niya.
"Matutunaw na ako Gf ko."
Sabi niya gamit ang paos ngunit malalim niyang tinig. Napaka-sexy in short.
"Sorry."
Hindi ko alam kung bakit iyon ang sinabi ko pero iyon kasi ang nararamdaman ko. Naramdaman kong gumalaw siya at tinanggal ang pagkakadantay sa akin. Nakatihaya ako sa kasalukuyan at inangkla niya ang kamay niya sa magkabilang gilid ng balikat ko at umangat siya. Nagtitigan kami.
"Sorry para saan?"
"Para kanina, sorry hindi ko naramdaman na nandun ka, sorry na nakita mo akong nakikipag-date sa iba. Sorry kung nari--"
Taehyung shush me.
"Wht are you sorry? I know, you didn't intended to go out of a date with him. I know you are mine and mine only."
Paunti-unti niyang nilapit and mukha niya sa akin hanggang sa naramdaman ko ang malamig ngunit malambot niyang labi sa labi ko. Naramdaman kong tumulo ang luha ko, sobra-sobra ang pagmamahal ko sa kanya. Sobra pa sa pagmamahal ko sa sarili ko.
Naramdaman kong iginalaw niya ang kanyang labi kaya sinabayan ko ito. Our lips move in sync. I felt like I was in heaven. Heaven with him. Kung sana pwede lang na hindi na matapos ito, kung sana pwedeng pang-habang buha na ganito. Kung sana--
Naramdaman kong iniangat na ni Taehyung ang labi niya mula sa akin ang pinahid ang luha sa gilid ng aking mata.
"Mahal na mahal kita, Yhaly. Salamat sa pag-stay sa piling ko though I knew I am not capable of giving you a happy life, a family in the future, I may be gone anytime but you chose to be with me and love me."
Natawa ako, pa'no kasi ang straight ng english nya. So ibig sabihin ba no'n ay sinadya niyang maliin yung translation nya kay Hoseok?
"Bakit ka natatawa? "
Nag-pout siya, napaka-cute talaga ng lalakeng minahal ko.
"Naalala ko lang si Hoseok. At wag kang magpasalamat. Kusa kang minahal ng puso ko, puso ko ang pumili sa'yo at wala akong planong bitawan ka hangga't hindi ang langit and bumabawi sa'yo."
Hinaplos ko ang malamig niyang pisngi at akmang hahalikan na naman niya ako ng may natumbang mga multo papasok sa kwarto ko.
"Dapak! Ang hirap palang magbalance ng matagal! Susme! Bakit ba kasi tayo tumatagos sa mga bagay-bagay?"
Anas ni Hosoek. Agad-agad namang umayos ng upo si Taehyung sa kama ko at tinitigan ng masama yung dalawa.
"Pinilit lang ako ni Hoseok makinig sa inyo aba!"
Nag-peace sign siya kay Taehyung ako naman ay kumuha ng unan at binato silang dalawa.
"Aray! Aray! Napaka-brutal bes! Mapupunta ka sa impyerno pag namatay ka niyan!"
Natawa naman bigla si Taehyung sa tabi ko. Maka-react kasi si Hoseok eh tumagos lang naman yung unan sa kanila.
"Aba'y sweet ka pala Taehyung, kaso medyo korni buti kinaya ni Yhaly yung kakesohan mo kanina?"
Si Yoongi naman 'yon at ako naman ang natawa. Kasi ang cheesy naman talaga ni Bf ko kanina.
"Kapatid! Kapatid!"
Bigla naming narinig na sumisigaw mula sa labas si Kuya Jimin. Kaya nagmadali akong tumayo at tinungo ang pinto upang pagbuksan siya. Nakabuntot naman sa akin si Hoseok, syempre nandito yung crush niya eh!
Nagulat ako nang makita ko siyang may dalang malaking bag. Pinapasok ko siya agad ng bahay.
"Ano yan kuya Jimin? Bakit may dala kang malaking bag? Anong nangyari?"
Umupo muna siya sa upuan with matching stroke ng hair niya bago sumagot. Naramdaman ko pang napa-kapit si Hoseok sa braso ko.
"Ang fafabol talaga si fafa Jimin!"
Bulong ni Hoseok sa akin. Nakita ko namang naupo si Yoongi sa tabi ni kuya.
"Dito na ako titira, napilit ko na sina mama at papa na samahan ka."
Natuwa naman ako sa announcement niya at naupo ako sa tabi nya, sa kabilang side.
"Wow kuya! Gusto ko yan! Eh sino kasama nila mama at papa sa bahay?"
"Yung pinsan natin nasa bahay, tutal malapit ang bahay natin sa pinapasukan niyang school."
Nakita kong hinaplos ni Kuya yung braso niya. Ikaw ba naman may katabing momo ewan ko nalang kung di ka mangatog.
"Oo nga pala, i-briefing mo yang BFF mo na habang nandito ako. Bawal niya akong hawakan!"
Natawa ako kasi sa totoo lang kanina pa siya hinahawakan ni Hoseok, pino-poke pa yung pisngi nya.
"Pangalawa, bawal niya ako silipan lalo na pag naliligo."
Napangisi naman si Hoseok, well. Multo siya makakatagos siya sa mga pader anytime.
"At huli! Bawal nya akong dekwatan ng hotdog!"
Natawa na ako! Hahaha. Lalo lang kasi niya binibigyan ng idea si Hoseok sa mga gagawin sa kanya. Nakita ko namang napa-ngiwi si Yoongi dahil sa kalandian ni Hoseok, naka-kalong na kasi siya ngayon kay kuya.
"Wag ka mag-alala kay Hoseok, Kuya! Akong bahala sa kanya."
Tumayo naman ako at akmang pupunta sa kusina para ipagluto si kuya ng makakain ng bigla niya akong pigilan.
"Oo nga pala, kila Namjoon na ako nagta-trabaho. Gusto kong mag-apply ka din."
Nilingon ko siya at tumango naman ako. 1 week nadin ang pahinga at kailangan ko na ng trabaho. Tapos ay dumeretso na ako sa kusina at sinundan pala ako ni Taehyung.
"Mukang bet na bet ni Kuya Jimin si Namjoon ah. Naiintindihan kong kailangan mo ng trabaho pero--"
Naramdaman kong niyakap ako ni Taehyung mula sa likod.
"Araw-araw kitang babantayan doon, Yhaly!"
*^▁^*
Nakapag-update din sa wakas !
BINABASA MO ANG
My Ghost Lover || K.TH Ft SANA
Фанфик( completed) "Gusto ko lang naman maka-kuha ng justice at maka-akyat sa langit pero nakilala kita kaya HANDA akong kalimutan kung bakit nananatili ako sa LUPA basta lang MAKASAMA kita " KT.H