ABKMEP 20※

89 8 33
                                    


*^▁^*

Bakit sa dinami-rami ng pwedeng paraan kung paano kami magtatagpo ay sa ganito pa? Bakit kailangan ko pang maalala ang lahat ng nakaraan at mga kasalanan para makatawid ako sa itaas o ibaba.

Nagsinungaling kami kay Yhaly. Ang purgatoryo ay ang mismong lupa.

Dito kami pinaparusahan. Magigising kaming walang maalala. Maswerte ka kung naging mabuti ka noong nabubuhay ka pa dahil hindi mo makakalimutan ang buhay mo noong nasa lupa ka pa.

Bakit walang bumalik na alaala noong nagkita kami? Nakapanhik pa ako sa bahay kung saan sinubukan kong patayin sila. Si Taehyung at ang kanyang Ama.

Nasa peligro si Yhaly at Taehyung!

Nag-teleport ako pabalik sa bahay ni Yhaly. Pabagsak akong naupo sa couch at naihilamos ng marahas ang aking mga palad sa aking mukha.

"Tang ina talaga!"

Naisigaw ko dahil sa sobra kong inis. Nakakamangha talaga ang nasa itaas. Nagawa niya kaming pagtagpuin lahat, nais siguro niyang maitama ko ang malaki kong kasalanan.

Nasilaw ako sa pera. Sino bang ayaw nito? Kailangan ko lang pumatay ng isa o dalawang tao at magiging milyonaryo na ako. Maibibigay ko na din lahat-lahat ng nais ng aking  asawa. Hindi na niya ako iiwanan para sa iba.

Oo! Naalala ko na din ngayon na yung walang hiyang bago niyang asawa ay kabit niya noon pa man. Dahil, mahal daw siya nito at naibibigay lahat ng gusto niya. Iyon nga lamang ay kasal kami kaya wala siyang magawa kundi ang manatili sa piling ko.

Isang beses ay nabanggit ko sa aking isang barkada na kailangan ko ng raket. Yung bigtime ang kita. Okay lang kahit ilegal ang importante ay malaki ang bayad.

May ipinakilala siya sa aking hired killer. Noong una ay nagdalawang isip ko, akala ko kasi ay magbebenta lang ako ng droga o ano pang mga illegal na pwedeng ibenta. Mas malala pa pala ang napasukan ko. 

Ngunit nang masabi sa amin kung magkano ang bawat presyo ng matutumba namin ay naakit na ako.  Tatlo lang kaming gagawa at babayaran niya kami ng 2 million at bahala na raw kaming magparte-parte ang mahalaga ay matapos namin ang misyon.

Napatay namin ang ama. Nguni't hindi si Taehyung.

"Uy! Bakit mo kami biglang iniwanan? Kj mo men! Cute pala ni Taehyung kapag buhay."

Sinundan pala ako ni Hoseok. Tiningala ko siya at pilit winaksi sa aking mukha ang galit. Siguro ay mapagkakatiwalaan ko siya, mahal niya si Yhaly at alam kong gagawin niya lahat upang hindi ito mapahamak.

"Pinatay ko sila."

Tinawanan lang niya ako ng malakas.

"Lakas ng tama mo, Gummy bear! Sinong pinatay mo? Huh? Huh?"

"Ako ang pumatay kay Taehyung at sa Tatay niya!"

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Hindi talaga siya makapaniwala ngunit di nagtagal ay naintindihan din niya.

"What the fuck! What the shit! Tang-ina mo, Yoongi! May kasama pala kaming kriminal! Paano mo nagawang pakisamahan si Taeh---"

"Wala kong maalala! Hindi ko alam na pinatay ko siya! Kanina lang! Kanina lang nung nakita ko yung tumawag na Bro kay Taehyung!"

Napaupo si Hoseok sa aking tabi at pilit na pinapakalma ang sarili.

"I-ibig sa sabihin. In danger si Yhaly at Taehyung sa kamay ni Jin?"

Tumango-tango lamang ako.

"Hindi ko alam kung paanong sasabihin lahat ng ito kay, Yhaly. Napaka-bait niya sa akin. Paano ko sasabihin sa kanya na ako ang may gawa ng lahat ng iyon kay Taehyung?"

Dumikit lalo sa akin si Hoseok at nagtitigan kaming dalawa. Buti na lang at understanding itong multo na ito. Kung iba ito baka nag-teleport na agad ito kay Yhaly para mag-report.

"Kakasabi mo lang, mabait si Yhaly. Siguradong maiintidihan niya. At isa pa, kung hindi mo pinatay si Taehyung edi hindi sila nagkita? Kaya nga siguro sabi nila lahat ng bagay may dahilan. Tiwala lang Yoongi. Manalig ka!"

Natawa ako ng bahagya. "Salamat, Hoseok."

Tumayo si Hoseok sa harap ko at pabalik-balik na naglakad. Natuwa ako sa kanya kaya bigla kong tinapakan yung laylayan ng white bestida niya. Bakit ba kasi magco-costume na lang, white lady pa?

"Tangina mo talaga , Yoongi! May iniisip lang ako."

"Nakakahilo ka kasi! Maupo ka nalang sa tabi ko. Makakatulong ba yang palakad-lakad mo?"

Tinitigan niya ako ng masama tapos ay naupo na siya sa couch sa tabi ko.

"May napansin kasi ako kay Taehyung eh."

"Ano 'yon?" Inayos niya muna yung palda niya bago nagsalita.

"Nung bigla kang naglaho. Tapos kumarengkeng itong feeling close na Jin kay Yhaly. I mean Yhandrei, kasi yun ang sabi niya kay Taehyung. Nakita kong sumimangot si Taehyung. Di ko alam kung imagination ko lang iyon."

Nagtaka nga ako. Paano kung, hindi naman talaga siya nakalimot?

"At eto pa! Tiningnan niya ako Gummy bear! Tagos men! Nag-smile pa. Lumingon pa ako to see what's behind me. Puno lang nandun! Di kaya nakita niya ako?"

Agad akong tumayo nguni't pinigilan ako ni Hoseok.  "San ka pupunta?"

"Wag mo'kong susundan. Aalamin ko kung tama ang hinala ko. At, please--"

Nilingon ko muna siya at tinitigan ng mataman.

"Please, tell Yhaly about everything. No details left. I'll be back later."

Biglang ngumisi si Hoseok at nagkamot ng wig niya sa ulo.

"Gusto mo tagalugin ko?"

"Gago ka! Lumayas ka na! Na-gets ko ulol!"

At naglaho na ako ng parang bula. Tama lang ang desisyon ko. Isumpa man ako ni Yhaly at Taehyung, magalit man sila ay wala na akong paki-alam. Titiisin ko na lang ang lahat at hihintaying mapatawad ako, lalo na ni Taehyung. Dahil ako ang kasabwat sa pagpatay sa kanila.

"Itatama ko ang lahat, pangako."

*^▁^*

Ayan na! Malapit na ako sa ending!

Mami-miss ko si Yhaly !.


My Ghost Lover || K.TH Ft SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon