Special chapter - HOSEOK

119 7 47
                                    

"Yhalyyyyyyyy!!!!!!!!"

Muntik ko ng mabitawan yung basong hawak ko at nasamid pa ako sa aking ini-inom na Juice. Napakapit pa ako sa aking tiyan na parang may malalaglag mula roon.

Yes, I am pregnant. Magkakaroon na ako ng mini Taehyung! Nagpakasal din kami agad after one month lang matapos niya mag propose. I'm 3 months pregnant to be exact. Mabilis akong nag-marcha patungo sa sala at doon ay nakita ko si Hoseok na nakahalukipkip sa sofa. Di ko mawari kung takot ba siya o nananakot siya. Baka, pareho.

"Ano ba yun Hoseok!!! Muntik na akong mapamura! Alam mo namang bawal ako magmura dahil buntis ako!"

Malakas na sigaw ko at napunta ang aking atensyon sa T.V.  Bigla akong napakamot ng ulo.

"Tangina naman kasi Yhaly! Bakit horror pinalilihian mo? Tangina talaga eh! Pang-sampung beses mo na yatang pinapanuod yang Anabelle 2 simula nung nagkaroon ng pirata!"

"Paki-alam mo ba! Tyaka ilang beses mo nading napanood yan! Bakit takot ka pa rin?"

Oo, ewan ko ba pero nahilig ako sa horror movie lalo na sa Anabelle! Ilang beses ko nga pinanuod yung part 1 tapos nung nagkaroon ng part 2 ay pinanuod ko iyon sa sine kasama si Taehyung at Hoseok. Nangangamba nga sila na baka makunan ako kasi bawal daw sa buntis ang mga nakakatakot, nakakagulat at nakaka-stress na mga bagay. Pero ang ending is tuwang tuwa ako, as in smiling face throughout the film showing.

"Wag ka kasing manood! Ikaw din nagpapahirap sa sarili mo! Nakakaloka ka! Multo natatakot sa effects lang na multo? Unbelievable!"

"Patayin mo na kasi yan! O kaya hanap ka ng ibang movie! O kaya manuod nalang tayo mg BTS VIDEOS! GOD! may kamukha si fafa Jimin doon!"

Pinatay ko na yung T.V sa pamamagitan ng remote.

"Sino? Yung Rude na pogi? Yung sige ang lip bite and stroke ng hair? Yung kung makabali ng leeg sa BST eh parang walang buto? Yung magaling mag Hip thrust? Tapos hanep tumama sa high notes??"

Sabi ko habang nakangiti sa kanya.

"Yes! Yes! Yes! My chimchim! Gosh!"

I rolled my eyes dramatically.

"Ewan ko sa'yo! Di mo nga makuha si Kuya ko mag-aasam ka pa sa BTS, ilusyon mo uy. Tigilan mo yan! Ang gawin mo. Humanap ka ng way para maka-akyat ka na sa langit!"

Ngumuso si Hoseok at nagkamot. Sa totoo lang gusto ko siyang mag-stay lalo pa't manganganak ako. Para makita niya ang baby ko. Kaso, gusto ko na rin siya matahimik. Deserve ni Hoseok ang happy forever.

"Ewan ko din sa'yo. Pinapalayas mo na naman ako eh! Ayyy. Oo nga pala. Dumalaw ako doon sa lumang mansyon kung saan ako namatay."

Bigla akong kinilabutan. Naalala ko kasing bigla yung yung kahindik-hindik na gabi kung kailan ako first time nakakakita ng multo at kung kailan namatay si Hoseok.

"Ano naman?"

"Nakita ko yung babaeng mumu na dahilan kung bakit ako namatay. Nagkatinginan kami bes! Ay ang gara ang ganda niya pero mukha siyang makalumang dalaga."

Bahagyang nawala ang takot ko. Bigla akong napatayo at nagulat siya. Matatakutin talaga itong Hoseok.

"Bespren! Baka siya ang kailangan mo para makatawid ka na? Yayain mo kaya siyang umakyat sa langit? O tulungan mo siyang makaalis sa mansyon na iyon!"

Malakas na sabi ko. Na-excite ko bigla sa idea na magkakaroon na ng way para makatawid siya. Syempre lahat susubukan namin. Yun lang naman ang maitutulong ko sa kanya.

"Sige! Pero. Samahan mo ako!"

*^▁^*

Narito na kami ngayon sa mansyon. Pinilit kong wag sumama sa kanya kaso narito kami ngayon. Sana lang talaga ay walang mangyaring masama. Isa pa, hapon pa lang naman. Maliwanag pa sa labas, mataas pa ang sikat ng araw.

My Ghost Lover || K.TH Ft SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon