ABKMEP 22※

88 7 53
                                    


*^▁^*

Pinagmamasdan ko lang mula sa malayo si Taehyung habang ginagawa ang therapy niya upang makalakad muli. 

Kitang-kita ko sa kanya ang determinasyon kahit na bakas din sa kanya ang paghihirap. 7 months siyang Comatose at hindi naigagalaw ang parte ng kanyang katawan kaya parang bata ulit siyang nagaaral maglakad sa pamamagitan ng gabay.

Nangiti ako dahil kahit sa malayo ay napagmamasdan ko pa rin ang gwapo niyang mukha. Nakita kong nakangiti siya sa kanyang therapist at tila sila'y nag-uusap nang biglang umalis ito. Baka saglit lang siyang iiwanan. Ganun pa rin ang posisyon nya nakatayo at nakahawak sa railings sa magkabila niyang gilid.

Unti-unting kumilos ang aking mga binti at naglakad akong papalapit sa kanya. Hindi pa niya ako napapansin dahil nakatuon ang kanyang konsentrasyon sa paghakbang.

At, bigla akong napatakbo papalapit sa kanya nang makita kong muntik na siyang matumba dahil nanghina ang kanyang mga binti. Bakit ba kasi pinipilit niyang makalakad agad? Mabuti nalang at mabilis ko siyang nadaluhan kung hindi ay baka nasaktan pa siya.

Kaso.

Hindi ko alam kung paanong sasaluhin ang kanyang mga titig ngayon. Niyakap ko lang naman kasi siya at pinilit na buhatin upang hindi siya tuluyang matumba. Ako lang ang nakayakap sa kanya dahil nakahawak pa rin ang mga kamay niya sa railings.

Nagwawala ang puso ko. Sana lang ay hindi niya ito marinig dahil binging-bingi na ako sa malakas na ritmo nito.
Naramdaman ko ding nag-init ang aking pisngi.

Natauhan lang ako ng marinig ko siyang magsalita.

"Salamat. Yhandrei, right?"

Bigla akong bumitaw sa kanya at agad kong tinungo ang kanyang wheel chair. "Saglit lang huh. "

Pinaandar ko ito at ipinuwesto ko ito sa kanyang likuran. Nagdadalawang isip man ako ay agad kong ni-lock ang gulong nito at umikot akong muli papunta sa kanyang harapan.

"Magpahinga ka na muna. Maupo ka sa wheel chair mo."

Turan ko at nag-aalangan man ay niyakap ko siyang muli upang hindi siya mahirapan. Nang makaupo na siya sa wakas ay kumalas na ako at bahagyang umatras nguni't magkaharap pa rin kami.

"Salamat ulit, kung di ka dumating baka natumba na ako dito."

"Nako! Wala yun, napadaan lang ako tapos nakita kita. Nagtataka nga ako kung bakit nagmamadali kang makalakad. Dahan-dahan lang dapat. Baka mapano ka pa. Pa'no nalang kapag next time walang makasalo sa'yo?"

Mahaba kong sabi nang hindi tinatago ang concern ko para sa kanya. Wala namang masama doon di ba? Tutal naman ay nakilala na niya ako. Pwede na siguro kaming magsimulang muli kahit bilang magkaibigan. 

Sasagot na dapat siya nang dumating ang kanyang therapist. Biglang nag-init ang ulo ko. Tama ba naman iwanan ang pasyente niya? Okay sana kung may kapalit siya eh.

"Nurse, next time please, don't leave your patient unattended. Good thing I passed by earlier, he almost fell off the ground. You should've asked for a replacement if you're going to leave."

Sabi ko at pilit na ginawang  mahinahon ang aking tono. Ayoko namang makipag-away kaso kailangan niyang malaman yung pagkakamali niya.

"Sorry po."

Sabi niya at napabuntong hininga lang ako. Si Taehyung naman ay nakangiti lang sa akin. Malakas talaga topak nito. Siya pa rin yung Taehyung na kaluluwang nakilala ko.

"Nurse, pwede bang magpasama ako sa kanya at dumaan sa Garden? Nami-miss ko na kasi ang labas."

Tumango naman ang nurse at sinabihan lang akong ibalik siya sa loob in 30 minutes. Buti na lang at break time ko. Okay na rin to, carry kong magutom basta makasama ko lang siya.

My Ghost Lover || K.TH Ft SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon