*^▁^*
Agad kong tiningnan ang oras sa aking cellphone.
12:45 pm
I still have 25 minutes left before time in. Agad akong tumakbo palapit kay Ezra at hindi ko itinago sa kanya ang aking mga luha.
"Gosh! Why are you cryi--"
"Ezra, please. Dalhin mo ako kung nasa'n si Taehyung."
Nabigla naman si Ezra at purong pagtataka ang nabasa ko sa kanyang mukha. Tila naguguluhan siya kung bakit gusto kong makita yung pasyente ng hospital na ito na 7 months ng comatose.
"Please."
Tyaka lamang siya natauhan kaya napilitan na siyang tumayo. Mabilis kaming lumabas ng Canteen at naglakad kami sa pasilyo. Wala na akong paki-alam sa mga multong nakakabungguan ko, ang importante ay makita ko si Taehyung, ang buhay na Taehyung.
Ilang saglit lang ay nakarating kami sa ICU. Nakasalubong pa namin si Namjoon sa waiting area. Agad naman nangunot ang kanyang noo nang makita niya kami.
"What are you doing here? May paseyente ka bang dadalawin dito?"
Nanginginig ako. Naiiyak din, excited, masaya, malungkot, in short nababaliw na ako sa mga oras na ito.
"May pasyente ba ditong Taehyung?"
Tumayo ng matuwid si Namjoon. Napakatangkad niya kaya wala akong magawa kundi ang tumingala at pilit na sinalubong ang kanyang mga mata.
"We have. But, he is a VIP patient. Di mo siya pwedeng makita unless may authority ka."
Bigla akong nanlumo. Pero hindi! Kailangan ko siyang makita. Kailangan kong malaman kung siya ba yung Taehyung na Boyfriend ko. Kailangan ko makasiguro bago ko ibalita sa kanya ang nalaman ko.
"Please, kahit saglit lang. Nagmamakaawa ako sa'yo."
Lalong naguluhan si Namjoon dahil sa akin. Nakita kong nilingon niya si Ezra na tahimik na nakatayo sa tabi ko.
"Can you leave us alone for a moment? Please."
Agad naman kumilos si Ezra at lumabas. Naiwanan kami sa loob. Magkahinang na muli ang aming mga paningin.
"Nasabi ko na kanina na VIP namin si Mr.Kim, bakit naman kita papayaga----"
"Please! May kilala akong multo na ang pangalan ay Taeyhung at 7 months na siyang pagala-gala!"
Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga. Matapos niyon ay bigla niya akong hinila papasok sa isang maliit na silid. Binitawan niya ako at may binuksan siyang maliit na kabinet. May iniabot siya sa aking white Laboratory gown at bagong face mask at hair net.
"Isuot mo iyan. I'll give you five minutes. Natawagan ko na kasi ang pamilya ni Mr. Kim. In time ay darating na sila dito."
Parang iiyak na naman ako ulit nang dahil sa sinabi niya. Ngunit pinigilan ko at agad na isinuot ang mga ibinigay niya. Nang matapos ako ay nauna siya sa loob at binuksan ang pinto. Pumasok ako kasunod niya at tila sumabog ang puso ko nang makita ko ang pasyenteng nakahiga sa hospital bed. May nakakonekta sa kanyang 3 dextrose at oxygen sa ilong. May mga aparatus din na hindi ko alam kung ano ngunit sigurado akong makakatulong iyon upang gumaling siya.
"Maiwan na muna kita. Five minutes, and if ever na magising siya wag mo siyang bigyan ng stress. Ngiti lang, okay?"
Naramdaman kong tinapik ni Namjoon ang balikat ko at narinig ko ang marahan na pagsara ng pintuan sa likod ko. Pinahid ko ang aking luha gamit ang aking panyo, buti nalang ay bitbit ko ang bag ko kanina.
Sobrang lakas ng kabog ng aking puso. Naglakad akong palapit sa kanya at parang pinapatay ako nang mapagmasdan ko ang gwapo nguni't maputla niyang mukha. Ang mahaba niyang pilikmata, matangos na ilong at ang kanyang labi. Na ilang beses ko ng nahalikan.
"Bf ko, Taehyung."
Pumatak muli ang aking luha at agad ko itong pinunasan at nang matitigan ko siyang muli ay nakita kong unti-unti siyang dumilat. Agad akong ngumiti kagaya ng sinabi ni Namjoon.
"Taehyung."
Magiliw kong tawag sa pangalan niya. Marahan niya akong nilingon at blangko ang kanyang tingin. Kaya siguro parang bula siyang naglaho kanina. Naramdaman yata ng kanyang katawan na nasa malapit lang ang kanyang kaluluwa.
Nakadama ako ng matinding takot at kalungkutan.
Takot dahil mukhang hindi na ako kilala ni Taehyung. Sigurado ako, dahil nakakalimutan nila ang mga nangyari noong kaluluwa sila kapag sakaling nabuhay sila. Kagaya ng sitwasyon nito. Kalungkutan dahil, sa isang iglap ay nawala siya sa akin at hindi ako handa. Sa katunayan ay kahit kailan hindi ako naging handa.
Tinitigan ko lang siya at nakangiti pa rin ako nang naglakbay pababa ang aking paningin sa kanyang namamayat na mga braso. Malayong malayo sa Taehyung na lagi kong kasama. Nguni't alam kong makakabawi din siya.
Bumaba pa ang aking paningin sa kanyang mga kamay at tila huminto ang tibok ng aking puso nang makita kong may suot siyang singsing na kulay Silver. Wala naman siyang suot na ganun noong kaluluwa pa lamang siya.
Di kaya may asawa na siya sa totoong buhay? Pero imposible, kung may asawa siya ay dapat na dindalaw niya ito ngunit ang sabi ni Ezra ay isang binata lang ang nakita niyang dumadalaw dito.
"S-sino ka?"
Ganun pa rin ang boses niya, malalim, very masculine. Na-miss ko tuloy pag tinawag niya ang pangalan ko. Kapag sinasabihan niya ako ng I love you.
Ibinalik ko ang tingin sa kanyang gwapong mukha at halata rito ang pagtataka. Hindi na niya ako maalala.
"A-ako nga pala si Yha--"
"Babe!"
Biglang may narinig kaming boses ng isang babae at walang sabi-sabing lumapit kay Taehyung at hinawakan ang mga kamay nito.
Parang sasabog ang puso ko sa sakit lalo na nang makita kong nakasuot din ng singsing ang babae. Tila hindi na nila ako napapansin. Nakita ko pa kung paano ngumiti si Taehyung sa napakagandang dalaga.
"Sobrang nag-alala ako sa'yo, Babe. Sorry. Minsan lang kita madalaw. Na-miss kita ng sobra! I love you!"
Sunod-sunod ba litanya ng babae at lalong ngumiti si Taehyung sa kanya. Hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan ko.
Sobrang sakit!
Nakita kong iniangat ni Taehyung ang kamay niya at agad itong sinunggaban nung dalaga at hinalikan niya ito.
"I love you too, Aira."
Hindi ko na kinaya at tila babagsak na ako mula sa aking kinatatayuan kaya nag-ipon ako ng lakas at agad na tumalikod. Mabilis na naglandas ang aking mga luha sa pisngi. Lumabas ako ng ICU at agad ba hinubad ang aking Gown, hairnet at face mask. Ibinalik ko lahat iyon sa cabinet ng hindi manlang inaayos.
Lumabas ako sa maliit na silid at natagpuan ko doon sa waiting area si Jin at Namjoon na nag-uusap.
Oo nga pala't bestfriend sila. Nabanggit niya iyon nang maitanong ko nung huli. Yumuko ako dahil ayokong makita nilang umiiyak ako. At isa pa, siguradong magtataka si Jin kung bakit naroon ako.
Pinahid ko ang aking mga luha at nag-umpisang maglakad upang maka-alis na nang maramdaman kong may yumakap sa akin. Naamoy ko ang pamilyar niyang pabango.
Tiningala ko siya at tuluyan ng pumatak muli ang aking mga luha.
Sobrang malungkot ako at nasasaktan. Kaya hinayaan kong yakapin niya ako, at hinayaan ko din ang sarili kong umiyak sa kanyang dibdib. After all, gusto niya akong damayan, ni Jin."Shhhh, tahan na. Everything will be fine, Yhaly."
*^▁^*
Nakakalungkot!
Salamat po sa mga nagbabasa !
BINABASA MO ANG
My Ghost Lover || K.TH Ft SANA
Fanfiction( completed) "Gusto ko lang naman maka-kuha ng justice at maka-akyat sa langit pero nakilala kita kaya HANDA akong kalimutan kung bakit nananatili ako sa LUPA basta lang MAKASAMA kita " KT.H