ABKMEP 28※

75 5 14
                                    


*^▁^*

"Now the real show will start."

Usal ko at ginulong lalo ang aking wig. Naupo akong muli sa bed side table kaharap ang salamin.

May naisip akong idea.

Mabilis along naghanap nang pwede kong gamitin hanggang sa mapansin ko ang isang lipstick na nakatumba sa mismong harapan ko. Napangisi ako. 

Nag-concentrate ako nang sobra hanggang sa finally ay mahawakan ko na ito. Tinanggal ko ang takip at nagpakita na ako sa kanya. Narinig ko siyang tumili kaya nilingon ko siya ng dahan-dahan at inilagay ang aking hintuturo sa aking labi sensyales na pinatatahimik ko siya.

Mukha siyang tanga na nanigas at pilit na idinikit ang kanyang sarili sa pinto. Hindi ako nakakaramdam ng kahit na konting guilt habang tinatakot ko siya. Dapat lang sa kanya ang mga ginagawa ko.

Nagsimula akong magsulat sa salamin gamit ang pulang lipstick. Malinaw niya akong nakikita. Dapat ay nakapikit siya, pero dahil sa takot ay mas pinili ng mata niyang manatiling nakadilat.

"You kill him"

Masaya ako sa sinulat ko. Kaso, parang mali, kasi dapat past tense. Ganito yata talaga ang epekto kapag hindi mo sineseryoso yung teacher mong englishera.

"Kulang ng ED!"

Nagulat ako, muntik ko pang mabitawan yung lipstick. Tapos, nakita ko sa likod ko si Yoongi na nakaupo sa kama. Ngunit hindi siya nakikita nung babae, ako lang.

"Fine! Feeling matalino!"

Bulong ko at nilagyan ko ito ng ED yung kill. Napangiti naman ako, dahil tama na yung grammar ko.

"No! I-I did not killed him! I swear, oh gosh! I... no, it's not me! We hired people to do it!"

Nauutal na sabi nung babae.  Humalukipkip si Yoongi sa likod ko. Isa kasi siya sa mga sinasabi nitong inutusan nila.

"Isulat mo confess."

Sigaw ni Yoongi, pero ako lang naman nakarinig sa kanya. Huminga ako ng malalim tapos ay akmang magsusulat nang mapahinto ako.

"Ano nga ulit? Compass?"

"Gago! Confess!"

"Gago ka din, magkatunog kasi sila."

"Sige na, isulat mo na! C O N F E S S."

Nag-spell pa talaga siya para maisulat ko na. Pagkatapos niyon ay nilingon ko ang babae at nakaismid ako. Para lalo siyang matakot. Marahas siyang umiling. Ayaw mag-comp... I mean confess.

Naglaho ako na parang bula mula sa upuan at nag-teleport ako papalapit sa kanya. Ilang inches na lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa.

"Gagawin mo ang tama o makikita mo ako araw-araw, mula pagdilat hanggang pagpikit. Patuloy hanggang kamatayan mo."

Narinig kong pumapalakpak si Yoongi sa likod ko. Gusto kong tumawa nguni't pinigilan ko. Nanatili akong nakipagtitigan sa babae tapos bigla siyang pumikit at dahan-dahan na natumba.

Nahimatay siya sa sobrang takot.

"Galing mo, Hoseok! Sabi ko na nga ba fitted sa'yo itong trabaho eh!"

Pumalakpak siyang muli. Nilapitan ko siya at naupo din ako sa malambot na kama.

"Feeling mo, aamin na siya?"

Nag-aalalang tanong ko. Natatakot kasi ako na  baka next time atakihin na siya sa puso, baka mas lalong wala kaming mapala.

"Edi, takutin mo ulit kapag nagising.  Muntik na siyang umamin kanina, 'di ba?"

Sabi ni Yoongi na kahit papaano ay nagpagaan ng aking loob.

"Sige, hintayin mo siyang magising. Matutulog muna ako."

Agad ko siyang sinuntok sa braso. Matutulog na naman ba siya?

"Bahala ka sa buhay mo, Gilagid!"

*^▁^*

Meanwhile

Sa isang private park. Magkasama si Taehyung and Aira.

"What? No! You can't do that to me!  I've waited for you to wake up! Ikaw lang ang minahal ko, tinutukan kita.  You can't leave me! Never!"

Hysterical  na sambit ni Aira matapos kong sabihin sa kanya na gusto kong makipag-break.

Agad kong sinunggaban ang mga kamay niya. Alam kong mahal niya ako, walang duda iyon ngunit mas pipiliin ko pang saktan siya ngayon kaysa sa patagalin pa ito. Di rin magtatagal ay mahahalata niyang nagbago na ako at nawala na ang dati kong pagtingin para sa kanya.

"Look, sorry. I did not meant to hurt you. Pero, naisip ko na mas maganda pang pakawalan kita kaysa ikulong kita sa relasyong ikaw lang ang nagmamahal. Maganda ka, mabait, matalino. Alam kong madaming nagkakagusto sa'yo."

"Pero ikaw ang gusto ko! Ikaw ang mahal ko!"

Naluluha niyang sabi kaya niyakap ko siya upang pakalmahin. Hinayaan ko siyang umiyak sa aking balikat at ilang sandali lang ay nagsalita siya.

"Bakit? May iba ka na ba?"

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanyang oo at nakilala ko siya noong mga panahong pagala-gala lang ang kaluluwa ko.

"I knew it!"

Bigla niyang sigaw at kumalas sa pagkakayakap sa akin. Pinahid niya ang kanyang mga luha at tinitigan ako ng matagal.

"Di mo ako pwedeng iwanan, Taehyung! Once na hiwalayan mo ako ng tuluyan, magpapakamatay ako!"

Nanlaki ang mga mata ko. Handa siyang saktan ang sarili niya?

"That's insane, Aira!

"I'm insane over you! So, don't ever dare to leave me! Or else, you'll see me dead at konsensya mo iyon hanggang sa mamatay ka!"

I never thought na ganito siya. Ang alam ko ay mabait siya at understanding kaya nga nagustuhan ko siya noon. Tumayo siya mula sa bench at padabog na naglakad palayo sa akin. Napa-iling nalang ako.

"Mukhang nadagdagan ang problema ko."

*^▁^*

Update again!





My Ghost Lover || K.TH Ft SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon