ABKMEP 19※

90 7 19
                                    


*^▁^*

Nakatalukbong ako ng kumot habang yakap ang aking malambot na unan.  Walang tigil sa paglandas ang aking mga luha.

"Bf Ko"

Usal ko at lalong hinigpitan ang yakap sa aking unan. Masakit talaga sa tuwing naaalala ko kung paanong ngumiti si Taehyung doon sa Aira. Punong-puno ng kasabikan at pagmamahal. Ganoon na ganoon kung titigan niya ako, noong multo pa siya at ako pa ang girlfriend nya. Ngunit, may magagawa ba ako? Hindi na niya ako maaalala.

Nagulat ako ng bahagya nang may yumakap sa akin. Malamig ito, gayun pa man ay alam kong kailangan na kailangan ko ng karamay. 

"Bespren, kanina ka pa umiiyak. Sabi ko sa'yo wag kang iiyak dahil lalo kang papangit di'ba?"

Tinanggal ko ang nakatalukbong na kumot sa akin at agad na bumangon. Pinahid ko ang aking mga luha ngunit wala din pala itong kwenta dahil naiyak lang ulit ako nang yakapin niya ako.

"Joke lang, maganda kong bespren. Sige, iyak lang. Nandito lang ako para damayan ka. Alam ko, wala akong maitutulong para mabawasan yung nararamdaman mong sakit. Ang lagi mo lang tatandaan ay nandito lang ako para sa'yo."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang sakit talaga. Tama siya, hindi mababasawan ang sakit pero masaya akong may dumadamay sa akin.

Napakalas ako sa pagyakap nang may dumating na isa pang multo.

Si Yoongi lang naman.

"Hoy! Bakit ang drama nyo? Nagtaksil na Jowa mo?"

Bungad niya. Hindi pa kasi niya alam. Si Hoseok pa lang kasi ang nasasabihan ko ng nangyari. Pinahid ko ang aking mga luha at hinarap siya.

"Oo, nagtaksil si Taehyung sa totoo niyang Jowa. Naging Kabit si Bestie natin! Kakaloka!"

Natawa ako ng kaunti. Magaling talaga si Hoseok sa pagpapagaan ng malalim na usapan.

"Ano? Si Yhaly Kabit? Pa'no? May Jowa siyang multo? Hinarass ka ba Yhaly? Sabihin mo! Susugurin ko 'yon!"

"Hindi! Mali ka! Comatose lang yung weirdong 'yon, nagising na kanina. Yun nga lang di na niya maalala si Yhaly. Ang masakit pa don, may Jowa in real life."

Nalungkot bigla ang mukha ni Yoongi matapos marinig ang sinabi ni Hoseok. Mabilis siyang naupo sa kama at hinawakan ang aking mga kamay.

"Sorry, hindi ko alam. Anong plano mo?"

Tinitigan ko siya at nagbabadya na naman ang aking mga luha. Ano nga bang gagawin ko? May karapatan pa ba akong makita siya? Kapag ba sinubukan ko maaalala niya ako? Handa ba akong agawin siya sa totoong nobya niya?

"Hindi ko alam." Malungkot kong tugon.

"Gusto ko siyang makita." Sabi ni Yoongi at ngumiti lang ako.

"Naroon siya naka-confine sa hospital na pinagta-trabahuan ko. Kung gusto mo sumama ka bukas."

"Uy! Sama din ako! Kahit naman lagi kaming nagtatalo, mami-miss ko siya. Lalo na't hindi na niya ako makikita."

Sigaw ni Hoseok at tinitigan ko sila.

*^▁^*

8:00 ang pasok ko nguni't 7:00 pa lamang ay nandito na ako sa trabaho.

Kasama ko si Hoseok at Yoongi dahil gusto nilang makita si Taehyung.
Muntik pa akong magmukang baliw kakatawa nang halos lahat yata ng multong nakakasalubong namin ay binabati ni Hoseok ng MABUHAY. Kundi ba naman talaga baliw eh.

Agad akong tumungo sa Opisina ni Namjoon. Gusto kong humingi ulit ng permiso upang makita si Taehyung kahit saglit lang.

Agad akong kumatok nang marating ko ang opsina. As usual yung dalawa tumagos lang papasok sa loob. Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at tila hindi manlang nabigla si Namjoon nang makita ako.

My Ghost Lover || K.TH Ft SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon