*^▁^*
Hoseok's POV
Alam kong patay na ako. Nakita ko nga yung katawan kong iniiyakan ni Yhaly bago siya nahimatay dahil sa dugo ko.
Pagkatapos niyon ay palagi ko na siyang sinusundan. Tinatabihan ko siya at pinapanuod kung pa'nong umiyak at magdalamhati sa pagkamatay ko.
Naiinis akong isipin na sinisisi niya ang sarili niya kung bakit ako namatay, dahil ako naman talaga ang pasimuno ng ghost hunting namin.
Pero kahit na sobrang lapit ko sa kanya o minsan sinusubukan ko siyang hawakan ay hindi naman niya ako makita o maramdaman. Kapag iyak siya nang iyak sa gabi kinakantahan ko siya ng favorite namin na theme song na "Tonight" kahit alam kong hindi kagandahan ang boses ko at hindi niya ako naririnig ay sige lang ako.
Hanggang sa isang gabi, yung araw na inilibing ako, pinagmamasdan ko siyang umiiyak at nakayupyop sa study table sa kwarto niya. Napa-iling nalang ako.
Medyo nagsisisi na rin ako na nag ala white lady ako. Kung alam ko lang na mamamatay ako sana nag cowboy costume nalang ako para medyo pogi pa rin kahit multo na ako.
Nakatayo ako sa likod niya, gusto kong himasin ang likod nya upang mapagaan ang pakiramdam niya pero naalala ko nga pala na multo na ako at hindi nya yun mararamdaman. Kaya kakantahan ko nalang siya.
"Because tonight will be night that I will fall for you! Over again! Don't make me change my mind! I won't leave *piyok* to see the other day, I swear it's true. Because a girl like you is impossible to find, you're impossible to find."
F na f ko ang pagbirit para sa Bff kong si Yhaly nang bigla siyang lalong umatungal! Aba'y baliw na ito!
Sitsit
Nagbakasakali ako na baka this time marinig na nya ako, At boom! Lumingon sa kaliwa, try ko ulit.
Sitsit
Lumingon sa kanan! Hay hanep! Naririnig na ako ni Bff! Saya-saya! One more time!
Sitsit
"Ano ba --- " Nilingon nya ako, nakita ko kung pano nanlaki yung mga mata nya, kasunod niyon ay pamumutla.
"Hi." At ngumiti ako nang bahagya,
Bigla siyang nahimatay.
Binantayan ko siya habang natutulog, sinusundot- sundot ko yung pisngi nya, Nahahawakan ko kasi siya. Narinig kong umingit siya. Inihanda ko ang napaka-ganda kong ngiti upang isalubong sa kanya. Unti-unti siyang dumilat.
"King-inang kabayong white lady!"
Napasigaw siya nang makita ako."Yhaly, si Hoseok to! Yung gwapo mong Bff!" I tried to communicate, nakatingin lang siya sa akin.
"I-Ikaw ba talaga yan, H-Hoseok?"
At humagulgol siya ng iyak."Oo ako to! Simula pa lang nung unang araw na mamatay ako ay sinusundan na kita, pero hindi mo naman ako nakikita at nararamdaman. Gabi-gabi ko ring kinakanta yung Tonight, miss na kita!" Sabi ko sa kanya at naiyak na din ako. Oo, may emotion din kaming multo.
"S-Sorry Hoseok! Ako ang may gawa nito, e. K-Kung sana lang, hindi ako natakot sa multo do---" Umiiyak na sabi nya pero pinutol ko ito agad at niyakap siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/113098912-288-k190315.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ghost Lover || K.TH Ft SANA
Fiksi Penggemar( completed) "Gusto ko lang naman maka-kuha ng justice at maka-akyat sa langit pero nakilala kita kaya HANDA akong kalimutan kung bakit nananatili ako sa LUPA basta lang MAKASAMA kita " KT.H