*^▁^*Jimin's POV
Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis dahil nawalan siya ng trabaho. Wala kasi syang ginawa kundi magtrabaho eh sarili lang namna nya binubuhay nya. Gusto kong umuwi na siya sa amin pero ayaw naman niya, ang tigas lang ng mukha.
Kasama ko ngayon ang tropa kong si Namjoon, hindi siya Badjao. Pogi to medyo tamad lang maghilod. Ay teka! Ano kaya kung ipakilala ko to kay kapatid para maka-move on na sa crush niyang boss na hindi ko mawari kung maganda ba o pogi?
"Pre, daan tayo samin! Broken hearted kapatid ko. Nawalan ng work." Sabi ko kay Namjoon.
"Sige, tutal out ko narin naman sa work."
Pumayag naman agad kaya pumunta na kami sa bahay.
Nasa labas palang kami dinig na dinig ko na yung tawa ng kapatid ko. Napatingin sa'kin si Namjoon, kasi naman dapat umiiyak siya at hindi tumawa kasi nga jobless na siya diba?
"Sisilipin ko lang pre, baka na sobrahan sa kalungkutan kaya nabaliw."
Pagpasok ko sa bahay, nakaramdam ako ng kakaibang lamig. Baka nandito nanaman si Hoseok! My gad!
"Uy! Kapatid! baliw ka na naman? Tawa ka ng tawa mag-isa diyan!" Nakita ko siyang napabalikwas sa upuan nya at automatic na nagpigil ng tawa.
"Kuya Jimin?"
Pilit nyang pinalaki yung singkit nyang mata. Ang cute talaga ng kapatid ko! Kamukha ko, Hehe.
"Yes! The one and only! At may kasama ako."
Nilingon ko si Namjoon at sinenyasan na pumasok sa bahay huminto siya sa tabi ko at nginitian ang kapatid ko. Di ki alam kung na startruck siya o na-engkanto. Basta nagulat siya ganun!
"Kaibigan ko nga pala si Namjoon."
Lumapit si Namjoon sa kapatid ko at inilahad ang kamay at nag-atubili man pero tinaggap niya pa rin ito at nakipag-kamay.
Naupo ako sa upuan sa harap ng kapatid ko. Umupo naman si Namjoon sa tabi nya.
Naks! Type agad ni Namjoon si Yhaly! Iba talaga kamandag ng Aljas!
"Bakit ka nga pala nawalan ng TRABAHO?"
-----------------------------------------------------------
Yhaly's POV
Di ko alam kung kikiligin ako o matatakot dahil lalong humigpit yung yakap ni Bf ko sakin nang lumapit yung matangkad na mama na Namjoon daw ang pangalan!
Kaso july na so dapat NAMJULY! HAHA KORNI sige na.
Nakita ko'ng naupo sa harap ko si Kuya at si Namjoon sa tabi ko naman. Si YOONGI ayun di manlang natinag sige lang ang kain ng kornik. Ginawa kaming movie.
"Bakit ka nga pala nawalan ng TRABAHO?" Tanong ni Kuya Jimin sa akin.
"Si Boss Jin kasi binigyan ako ng Force Resignation, nagsawa na yata sa mukha ko. 3 years din akong nag-trabaho sa kompanya nya!"
Narinig ko ang tunog ng pag-ngisi ni Taehyung at yung dahan-dahan na pagkalas niya sa yakap sa'kin. Kaya nilingon ko siya, kaso natauhan naman ako ng tawagin ako ni Kuya, nakalimutan kong may kasama pala akong tao ngayon.
"Bakit ka naman bibigyan ng gano'n?"
Tanong pa ulit ni Kuya."Aba, malay ko. Tanungin mo siya! Punta ka dun."
Biglang nanlaki yung maliit na mata niya. "Aba't disrespecting ka ah! Saktan kita diyan kita mo!"
Hindi ko nalang siya pinansin nang biglang sumulpot si Hoseok, dali dali nyang tinapon yung libro kaya nung marinig yung kalabog nataranta agad si Kuya. Tumawa naman ako ng malakas.
BINABASA MO ANG
My Ghost Lover || K.TH Ft SANA
Fanfiction( completed) "Gusto ko lang naman maka-kuha ng justice at maka-akyat sa langit pero nakilala kita kaya HANDA akong kalimutan kung bakit nananatili ako sa LUPA basta lang MAKASAMA kita " KT.H