ABKMEP 36

98 6 22
                                    


*^▁^*

Halos paliparin ko ang aking  kotse makarating lang agad sa hospital na kinaroroonan ni Yhaly.

Hindi ko na nga nai-park ang aking kotse at basta na lang ito iniwanan sa harapan ng hospital. Halos mapatid ang aking hininga sa pinaghalong hingal at kaba, hindi ako nagsayang ni isa mang segundo at tumakbo ako papunta sa ICU.

Nakita kong nakatayo si Jimin sa pintuan ng ICU at hilam ng luha ang kanyang mga mata. Lalong lumakas ang pagtibok ng aking puso. Hindi ko na siya nagawang batiin at deretso akong pumasok sa loob ng ICU. Hindi ko na alintana kung hindi ako nakapag-suot ng Lab gown o kung ano pa mang safety precaution nila.

Naabutan kong pinalilibutan ng tatlong nurse at isang Doktor na humahawak sa kalagayan ni Yhaly. Nabato ako sa aking kinatatayuan.

Halos mabingi ako sa matinis na tunog nang makina, gusto kong umiyak, pero walang luhang kumawala sa aking mga mata. Nakatitig lamang ako sa kanila habang ang doktor ay pinipilit pabalikin si Yhaly. . .

Parang nagunaw ang mundo ko nang makita kong patuloy na tuwid ang linya na nakikita ko sa maliit na aparato sa may ulunan ni Yhaly, indikasyon na WALA NA SIYA.

"Sir, labas po muna kayo, kami na pong bahala sa pasyente. Please."

Doon lang ako natauhan at nagkaroon ng lakas. Nagmatigas ako. Hinawi ko yung nurse at pinilit na makalapit sa kanya nguni't may lumapit pang dalawang lalakeng nurse at hinawakan ako sa magkabilang braso.

Sa wakas ay naluha na ako.

Ngayon ko bigla naramdaman ang sakit.

"Please, Yhaly! Lumaban ka !"

Sigaw ko habang pilit akong hinihila palabas ng mga nurse. Napapailing na ang doktor, parang gusto na niyang sumuko.

Deretso pa rin ang linya.

matinis pa rin ang tunog.

Nawala na ba talaga siya ?

Isa pang pagkakataon, may sinabing numero ang doktor sa alalay niyang nurse at pinihit nito ang isang makina. May ipinahid din silang kung ano sa aparatong hawak ng doktor, hindi ko alam kung anong tawag doon pero ang alam ko ay makakatulong iyon upang mabuhay pa siya.

"Yhaly! Lumaban ka! Bitawan niyo ko!"

Sigaw ko at pilit kumawala. Inilapat na nung doktor sa dibdib ni Yhaly ang aparatong hawak niya at tila siyang nagulat, o nakuryente kaya napaliyad ang kanyang katawa .

Wala pa rin.

Ibinalik na ng doktor ang aparato sa dapat nitong kalagyan at kasunod na tiningnan ang kanyang relo.

Unti-unti akong nanghina.

Lalong dumami ang luhang kumawala sa aking mga mata.

Lalong sumakit.

Iniwan na niya ako.

Ilang minutong nakatayo lang ang doktor habang nakatingin sa kanyang relos. Tila may hinihintay. Ako naman ay sige pa rin ang palag nguni't ayaw nila akong bitawan.

"Time of death, 10:15 pm, Janua---"

Biglang tumunog ang aparato.

Binalikan niya ako.

At sa wakas ay binitawan na nila ako.

Marahan akong lumapit kay Yhaly. Tila pagod na pagod na siya, lalo siyang pumutla at nag-uumpisa palang mula sa pagiging maitim ay nagiging kulay maputlang Rosas muli  ang kanyang mga labi. Hinawakan ko ang kanyang kamay at marahan itong pinisil.

My Ghost Lover || K.TH Ft SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon