ABKMEP 33

74 4 9
                                    

*^▁^*

Third person.

"Pakawalan nyo ang anak ko! "

Sigaw ng mama ni Jin matapos niyang paputukan yung lalaking may baril subali't sa kamalas-malasan ay hindi niya ito natamaan. Ang balang kanyang pinawalan ay tumama lang kung saang di nilA alam.

Dahil sa pagkagulat nung lalake ay natulala siya ng bahagya at sinamantala ni Taehyung ang pagkakataong iyon. Mabilis na binitawan niya si Aira kaya ito natumbang muli sa lupa na naliligiran ng bermuda grass. Si Taehyung sa isang banda ay malakas na inundayan niya ng suntok ang lalaki at sinipa. Napasandal ito ng malakas sa kotse at tila dinamdam ang pananakit nito sa kanya.

Si Jin naman sa loob ay  sinamantala din ang pagkabigla ng dalawa at agad siyang lumabas ng kotse at isinara ito upang pansamantalang maikulong ang dalawa, subali't sila'y hindi isa kaya mabilis din silang nakalabas at muling nilabanan ni Jin ng mag-isa ang dalawa.

Si Yhaly, ay mabilis na kumilos at tinulungan naman si Aira upang makatayo at nagpunta sila sa may gilid. Wala naman silang maitutulong sa mga ito.

Si Hoseok sa kabilang banda at Yoongi ay wala ring magawa. Isa lamang silang multo at limitado lang ang kanilang kayang hawakan o pagalawin nguni't sinubukan pa rin nila sa pamamagitan ng pagbato sa mga kalaban. Nagtataka nga sila kung saan galing yung mga batong lumilipad.

"Boss! May multo yata dito!"

Sigaw nung isa habang hawak ang kanyang panga na bahagyang napuruhan na ng sapak ni Jin.

"Gago! "

Sigaw lang nung lalaking may Baril. 

Ang Mama naman ni Jin ay nanatiling nakatayo sa di kalayuan at nakatutok pa din ang baril sa mga nakakagulong lalake.

Laking tuwa ni Yhaly noong nabitawan nung lalake yung baril niya kaya mabils niya  itong hinabol.  Hindi niya alam kung saan nagmula ang lakas ng loob , ang importante ay may magawa siya upang makatulong.

Nguni't hindi yata sumasang-ayon ang tandhana sa plano ni Yhaly. Nung akmang maaabot na niya ito ay  hinablot siya nang isang lalake kaya siya natapilok at napadapa sa lupa . Konti nalang ang layo niya sa Baril at pilit itong inabot ng kanyang mga kamay.

"Yhaly!"

Sabay na sigaw ni Jin at Taehyung. Tila, napansin ng mga lalake na sobra ang pag-iingat nila sa dalaga. Ang sandaling nawala sila sa konsentrasyon upang labanan ang mga masasamang loob ay naging daan upang matibag sila nito.

Agad na sinuntok nung lalakeng kaninang may baril si Taehyung nang mapabagsak niya ito mabilis niyang nilapitan ang baril na malapit lamang kay Yhaly at agad din niya itong hinila upang makatayo.

Si Yhaly na ngayon ang hostage nila. Itinutok nito ang bunganga ng baril sa sentido ng dalaga, bantang papatayin niya ito kahit kailan niya naisin.

"Mas mabuti yata kung si miss. Ganda nalang ang kukunin natin mga brad."

At tumawa ito ng nakakaloko. Naikuyom na lamang ni Taehyung ang kanyang mga kamao sa sobrang poot. Poot sa sarili dahil wala siyang magawa upang iligtas si Yhaly.

"Okay lang! Basta ligtas sila !"

Sigaw ni Yhaly habang malamlam na nakatitig kay Taehyung. Ayaw na niya itong mapahamak. Paano kapag may nangyari sa kanya and this time ay matuluyan na siya? Hindi niya iyon kakayanin.

"Behave naman pala itong si Miss eh!"

Sabi pa nung lalaking may baril at itinutok na niya kina Jin at Taehyung ang kanyang armas.  Ang dalawang lalake ay hinarangan si Yhaly upang makasigurong maisasakay nila ito sa Van, nang biglang makarinig sila ng sigaw. 

"Nandito pa ako mga inutil! "

Nagpaputok siya ng ilang ulit na tila Hindi nag-iisip,  ang lahat ay napaupo upang Hindi matamaan. Nguni't ang Hindi nila inaasahan ay ang pagbitaw ng lalaking may baril Kay Yhaly dahil natamaan niya ito sa balikat , natamaan niya rin sa dibdib yung isang masamang loob at agad na bumagsak sa lupa.

Mabilis na kumawala si Yhaly at tatakbo sana papalayo mula sa kamay nang nang-hostage sa kanya kanina lamang nang biglang nakarinig siya ng sigaw.

"Yhalyyyy!!"

Nilingon niya ang sumigaw sa kanyang pangalan at Si Jin iyon.

"Dapa!"

Sigaw ulit nito. Nakahuma na pala ulit yung lalaking may baril at itinutok ito sa kanya. Tumakbo papalapit sa kanya si Jin at akmang susunod si Taehyung nguni't pinigilan siya ni Aira sa pamamagitan ng paghawak ng mahigpit sa kanyang braso. Mabilis na nakalapit ito sa kanya nguni't itinulak niya ito palayo at biglang nagpaputok ng baril yung lalake.

Nakita pa niyang humarang sa kanyang harapan si Hoseok. Pero dahil nga multo siya ay tumagos lang ang bala. Nakaramdam si Yhaly na parang may biglang sumundot sa kanyang tiyan. At nang tingnan niya ang kanyang sarili ay dugo ang una niyang natunghayan. At unti-unti ay natumba siya. Nagawa pa niyang ngumiti nang lingunin siya ni Hoseok at mabilis na sinubukang saluhin at katulad ng unang nangyari ay tumagos lang siya.

"Sa---"

Sinubukan niyang magsalita nguni't naramdaman na niya ang sakit. Ang huling narinig ng dalaga ay mga putok muli ng baril at nakarinig din siya ng wangwang. May dumating na awtoridad. Bago siya nawalan ng malay ay nakita pa niya ang nag-aalalang mukha ni Taehyung, Hoseok at Yoongi.

Kasunod niyon ay kadiliman.

*^▁^*

Huhuhuhu.

I am so sad !

Upadte :)

My Ghost Lover || K.TH Ft SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon