*^▁^*Nakaramdam ako ng tila may sumusunog sa aking pisngi. Mahapdi at naramdaman ko na rin na tila magaspang ang aking hinihigaan.
Marahan akong dumilat nguni't napapikit din ako agad nang salubungin ng maiinit sa sinag ng araw ang aking paningin.
Nakapikit akong bumangon mula sa aking pagkakahiga. Dahan-dahan muli akong dumilat at ang una kong nasilayan ay isang malaking bahay sa aking harapan. Hindi ito pamilyar sa akin. Sinubukan kong tumayo matapos mapagmasdan ang magandang itsura ng malaking bahay nang mapansin ko ang dugo sa aking tyan.
Mabilis akong napatayo at pumikit ng mariin. Pilit inaalala kung anong nangyari nguni't wala akong maalala. Nag-iinit na rin ang aking mga mata, ang daming tanong ang sumalakay sa aking isipan.
Bakit wala akong maalala ?
Bakit nandito ako ?
Bakit may dugo ?
Patay na ba ako ?
Naihilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha at umiyak. Nangatog ako nang biglang may yumakap sa akin.
"Yhaly."
Yhaly ang pangalan ko ? Marahan kong tinanggal ang aking mga palad mula sa aking mukha at tumingala. Ang una kong napansin ay ang maputla niyang balat, tapos sobrang puti niya. May dugo din siya sa kanyang dibdib at isang butas sa kanyang puso.
"S-sino ka ? B-bakit ganyan ang itsura mo ? P-patay na ba tayo ?"
Ngumiti lang siya sa akin at inilahad ang kanyang kamay.
"Ako nga pala si Yoongi. Tara, sumama ka sa akin."
Nag-aalangan man ako ay tinaggap ko ang kanyang kamay. Inisip ko nalang na baka may maitulong siya sa akin. O baka, ituturo niya ang daan papuntang langit o sa impyerno. Bahala na.
Nang mahawakan ko ang kanyang kamay ay nilingon ko ulit ang malaking bahay at mula sa pinto ay may lumabas na matangkad na lalake, mayroon siyang perpektong matangos na ilong.
Dug dug dug dug
At tila usok kaming naglaho ni Yoongi na parang bula.
*^▁^*
Nakarating kami sa isang parang pamilyar na bahay. Hindi ito kalakihan nguni't nakaramdam ako ng ginhawa. Pumasok kami sa loob sa pamamagitan ng pagtagos sa pinto at nang makarating kami sa salas ng bahay ay may naghihintay na taong nakasuot ng mahabang puting damit. Puro din ito dugo at magulo ang kanyang buhok, kaso mukang peke yung buhok niya.
"Yhalyyyyyy !!!!"
Sigaw niya. Siguro nga ay Yhaly nga talaga ang pangalan ko. Agad akong niyakap nung whitelady. Dapat ay mailang ako nguni't parang nagustuhan ko pa ang ang yakap niya.
"Bespren! I miss you! 2 days ka din naming hinanap! Natatandaan mo ba ako ?"
Umiling ako ng marahan. Totoo naman kasing hindi ko maalala ang lahat. Sarili ko ngang pangalan ay hindi ko matandaan. Pero may bahagi ng puso ko ang nagsasabi sa aking pagkatiwalaan ko sila.
"Tara! Gutom ka na ba?"
Tanong niya sa akin at umiling muli ako.
"Inaantok ako."
Yan ang kumawala sa bibig ko. Gusto ko pa talagang matulog at isa pa, napakaraming tanong sa isip ko at gusto ko munang ipahinga ang utak ko.
"Sige, matulog ka muna. Ay, oo nga pala! Bahay mo ito, Yhaly."
Napatingala ako sa kanya. Matangkad kasi siya eh. Nauna siyang naglakad kaya sinundan ko siya. Hanggang sa pumasok siya isang silid at sumunod lang ako. Pagpasok namin ay may nakita akong picture frame sa ibabaw ng bed side table. Nilapitan ko ito at nakita ko doon ang sarili ko pero mukhang bata pa ako doon. Nagulat ako nang biglang nasa tabi ko na siya at nagsalita.
"Ikaw yan, yung nasa gitna. Ako yung nasa kanan, at sa kaliwa si Fafa Jimin ang Kuya at nag-iisa mong kapatid."
Masayang paliwanag niya sa akin. May kuya pala ako. Nakakapang-init ng puso. Siguro ay hinahanap niya rin ako. Matapos kong kabisaduhin ang mukha ng Kuya Jimin ko ay tuloy akong lumapit sa kama at naupo. Si Hoseok ay naupo rin sa aking tabi.
" Patay na ba tayo?"
Tanong ko at nilingon ko siya. Ngumiti din siya sa akin.
"Ako at si Yoongi, Oo. Pero ikaw, hindi pa."
*^▁^*
Dalawang araw ng nasa ICU si Yhaly. Critical ang cindition at in Comatose. Nahuli nang mga pulis ang mga lalake na nanloob sa amin.
Nguni't ang mas hindi namin inaasahan ay ang pagkakakulong ng mama ni Jin.
Sinabi niyang pakana niya lahat ng nangyari noong gabing iyon.
Nagalit ako. Natural iyon. At nanggigigil akong maikulong na rin si Jin. Lahat nalang ng mahal ko ay nawala ng dahil sa kanila.
Si Hoseok at Yoongi ay dalawang araw na ding hinahanap si Yhaly. Dahil, malamang na pagala-gala ang kaluluwa nito. Kailangan namin siyang mahanap bago siya lumala, or worst ay mamatay.
Kanina ko pa pinagmamasdan ang maputlang balat ni Yhaly habang may tubong nakakabit sa kanyang bibig at ilong. May apat ding dextrose ang naka-kabit sa kanya. Sobrang awang-awa ako sa kalagayan niya nguni't wala akong magawa. Marahan kong hinawakan ang kanyang bahagyang malamig na kamay.
"Lumaban ka, please, di ko kaya kapag pati ikaw mawawala din sa akin."
Gusto kong umiyak nguni't walang maitutulong iyon sa akin. Ilang saglit lang ay may tumapik sa balikat ko.
"Tapos na po ang dalaw Mr.Kim. bumalik nalang po kayo mamayang 5:OO pm."
Ganoon kasi sa ICU. Four times a day ka lang pwedeng dumalaw at 1 hour lang ang visiting hours. 8:OO am, 12:00 nn, 5:00 pm at 8:OO pm. Wala akong nagawa, kailangan ko siyang iwanan pansamantala. Isa pa, nandito naman si Jimin at nababantayan siya. Nag-leave muna si Jimin sa trabaho upang matutukan si Yhaly. Ang parents naman nila ay susunod nalang.
"I need to go, Gf ko. Babalik ako mamaya."
Nasabi ko at lumabas na ako ng ICU.
*^▁^*
Update !
Salamat sa mga magbabasa !
![](https://img.wattpad.com/cover/113098912-288-k190315.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ghost Lover || K.TH Ft SANA
Fanfiction( completed) "Gusto ko lang naman maka-kuha ng justice at maka-akyat sa langit pero nakilala kita kaya HANDA akong kalimutan kung bakit nananatili ako sa LUPA basta lang MAKASAMA kita " KT.H