*^▁^*Yhaly's POV
Narito ako ngayon nakatayo sa harap ng maliit na pulang gate ng bahay ng asawa ni Yoongi.
Nakatitig ako ng maigi sa bahay at nag-iisip kung kakatok ba ako? Kung itutuloy ko pa ba? Kaso nandito na ako eh, ano pa't naghirap akong magpunta kung hindi din naman ako tutuloy? Tyaka, magkano rin yung nagamit kong pamasahe papunta dito.
"Tao po."
Sa wakas ay nasabi ko din. Nagumpisang kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Biglang bumukas ang pinto at lalake ang nagbukas. Nakasuot lamang ito ng short, topless kumbaga.
"Sinong hanap mo, Miss?"
Tanong niya sa akin, nag-iwas ako ng tangin kasi feeling ko ay maiiyak na ako. Nalulungkot ako para kay Yoongi. Magli-limang buwan pa lang siyang patay.
"Sino 'yang tao diyan maha--"
Nagkatitigan kami. Siguro ay namumukhaan niya ako dahil palagi nga akong nasa punerarya para sa pagkain.
"Sino ka? Anong kailangan mo? Parang nakita na kita."
Humugot ako ng malalim na hininga at kinusot ang mata ko upang mapigilan ang pag-patak ng aking luha.
"Lagi akong nasa punerarya kung saan ibinurol si Yoongi. Oo nga pala, Yhaly ang pangalan ko. Kaibigan ako ni Yoongi."
Nanlaki ang mata niya. Bakit naman hindi? Ubod ng kalandian niya, ang bilis lang niyang pinalitan si Yoongi. Pumasok sa loob yung topless at akmang bubuksan niya yung gate nang pigilan ko siya.
"Hindi na kailangan, hindi ako papasok. Tiningnan ko lang naman kung malungkot ka o kung may kailangan ka. Naalala ko kasing nabanggit ni Yoongi noon na wala pa kayong anak, naisip ko na baka mag-isa ka lang."
Nakita kong nag-iwas siya ng tingin. Kinakain na siya siguro ng konsensya niya. Nguni't tingin ko ay wala siya niyon.
"Matagal nang patay si Yoongi, siguro naman pwede na akong mag-asawa ng iba."
Para akong sinaksak. Pa'no nalang kung kasama ko si Yoongi at naririnig niya tong mga bagay na ito mula sa kanya? Excited pa naman siya nang makita ito sa punerarya.
"Hindi pa siya umaabot ng one year anniversary, 'di ba? Wala pa ngang kalahating taon."
Nakita kong kinagat niya ang kanyang ibabang labi. Kung kanina ay nalulungkot ako, ngayon naman ay galit ako. Masarap siyang sabunutan, kalbuhin,balatan tapos pagulungin sa asin. Hindi siya nakasagot sa sinabi ko dahil totoo naman kasi. Di muna pinaabot ng taon bago naglandi. Kung alam lang niyang pagala-gala lang si Yoongi sa lupa habang siya ay nagpapasarap na sa piling ng ibang lalaki.
"May sasabihin ka pa ba? Kung wala na ay makaka-alis ka na."
Tinalikuran niya akong bigla at akmang papasok siya sa bahay nang magsalita ako.
"Sa totoo lang, hindi ko siya kaibigan. Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal ka niya. Na sobrang gusto ka niyang makita. Oo't patay na siya nguni't nandito pa rin siya. Sana lang ay hindi siya palihim na dumadalaw sa iyo dito. Hindi ko ma-imagine kung paanong mawasak ang puso niya ng dahil sa'yo. Mas masarap siyang makitang naka-gummy smile!"
Mahabang sabi ko at tinalikuran ko na siya. Narinig ko pang sumigaw siya ng ATE para makuha ang atensyon ko pero wala na akong planong pagbuhusan siya ng oras ko.
Malandi, makati, taksil! Sorry kung tinatawag ko siyang ganyan, pero iyon ang nakita ko.
*^▁^*
Nakarating ako sa bahay na may bitbit na kornik at biscuit. Bumili na rin ako ng banana chips since meron sila kanina. Inilapag ko ang lahat ng iyon sa lamesa at naglagay sa mangkok. Pinaghalo ko yung kornik at banana chips. Itinago ko ang natira sa kitchen cabinet at pumunta sa sala dala-dala ang mangkok. Binuksan ko ang t.v
Nanunuod ako ng teledrama. Ang eksena ay yung nahuli nang bidang babae na may kabit ang asawa niya. Napikon agad ako.
"Taksil! Tangina mo! Makati! Di makuntento! Sarap ikaskas sa pader yang ANO mo!"
Sigaw ko at naluha ako. Pa'no kasi naalala ko yung ex-misis ni Yoongi. Sumubo ako ng kornik at nasamid ako nang may nagsalita sa tabi ko.
"Grabe yung hugot Yhaly, bakit nagtataksil ba si Taehyung? Sabihin mo lang, akong bahala sa weirdo mong syota!"
Nakalimutan ko yung samid ko nang mapagmasdan ko ang gummy smile ni Yoongi. Pa'no ko ba sasabihin sa kanya yung nalaman ko?
"Yoongi"
"Hmmm?"
Yun lang ang sagot niya at lumantak na ng kornik. Tumutok din siya sa t.v at nanuod.
"Pa'no kapag nalaman mong may asawa na pala yung misis mo?"
Nilingon niya ako bigla at nakangiti pa rin.
"Tinatanong mo ba ako o binibigyan mo akong clue?"
Hindi ako nakasagot. Ano nga ba? Sabihin ko na lang kaya, kahit naman itago ko ay malalaman niya pa rin dahil pwede siyang pumunta doon anytime.
"Alam ko na lahat, Yhaly. Pero salamat pa rin. Salamat dahil kahit malaking abala sa iyo ay pumunta ka pa rin doon para alamin ang totoo. At ngayon ay gusto mo pang wag akong biglain tungkol doon. Nakita ko na lahat."
"Hindi ka galit?"
"Ipokrito ako kung sasabihin kong hindi. Syempre nagalit ako, nasaktan at nalungkot. Gusto ko nga silang multuhin para nakaganti man lang ako. Kaso Yhaly, patay na ako. Wala akong panalo sa buhay, sa lalakeng nahahawakan siya, napapatawa, nabibigyan ng kabuhayan. Hindi ko maibibigay lahat sa kanya yun Yhaly. Simula noong namatay ako ay natapos na rin kami."
Nalungkot ako, napaka-understanding naman niya. Sobrang kabaliktaran ng Yoongi na nakikita ko araw-araw ang Yoongi na kausap ko ngayon.
"Ang tanging nais ko na lang ay matahimik. Pagod na rin akong magpagala-gala at sawa na ako sa kornik."
Bigla akong natawa kahit sobrang malungkot ako. Sana malaman na namin kung anong kailangan niyang matapos sa lupa para makatawid na siya sa langit.Nagulat ako nang hawakan niya ang ulo ko at himasin. Nginitian ko siya, napakalamig ng palad niya pero warm sa pakiramdam ko. Para kasing nadagdagan ang kuya ko nang makilala ko siya.
"Pero Yhaly. Di ka ba nag-aalala? I mean, tungkol kay taehyung. Pa'no kapag nawala na siya? Alam naman nating pareho na hindi siya magtatagal katulad ko."
Pinilit kong ngumiti kahit lalo akong nalungkot ng dahil sa katanungan niya.
"Okay lang, basta kasama ko siya hanggang dumating yung time na kailangan ko na siyang pakawalan."
"Ganun mo siya kamahal?"
Tinanggal na niya ang kamay sa ulo ko at kumuha ng kornik at kinain.
"Oo, ganun ko siya sobrang kamahal."
✘✘✘✘✘
Nakapag update din sa wakas !!!
Yeyyy.
BINABASA MO ANG
My Ghost Lover || K.TH Ft SANA
Fanfic( completed) "Gusto ko lang naman maka-kuha ng justice at maka-akyat sa langit pero nakilala kita kaya HANDA akong kalimutan kung bakit nananatili ako sa LUPA basta lang MAKASAMA kita " KT.H