*^▁^*
Halos mapatalon ako mula sa aking pagkakahiga nang magising ako na una kong nasilayan ay ang langit na pinuno ng nagkikislapang bituin.
Paano ako nakarating dito ?
Nang tuluyan na akong makatayo ay pinagpag ko ang aking suot pantalon sa aking bandang pang-upo, kinamot ko na rin ang mga braso kong nairita sa matulis na dahon ng damong Bermuda.
Dito ako unang nagising kanina.
Bulong ko. Tinitigan kong muli ang malaking bahay o mas tamang sabihing mansyon sa aking harapan at tila may nag-uudyok sa aking pumasok nguni't pinigil ko ang aking sarili. Iniiwas ko nalang ang aking atensyon mula doon upang hindi na ako muling maakit pa.
Tumingala na lang ako sa langit. Napakaganda nito. Mapayapa at malungkot sa parehong panahon. Ganito rin kaya ang pakiramdam ko noon kapag tinitingala ko ang langit noong nasa katawang tao pa ako ?
Naagaw ang atensyon ko nang makarinig ako ng busina mula sa malaking entrada ng mansyon at doon ay may nakita akong isang itim na kotse. Parang katulad nito yung sasakyang nakita ko kanina nung may lumabas na gwapong lalaki mula sa bahay nitong umaga lang.
Dug dug dug dug
Simulang dumagundong ang aking puso habang papasok ang kotse. Alam kong mamahalin iyon subali't imposible namang magbabago ang ritmo ng aking puso ng dahil lamang doon. Hindi ko maialis ang aking titig sa marahang umaandar na kotse hanggang sa huminto ito sa isang tabi.
Mula doon sa driver's seat ay may umibis na isang matangkad na lalake. Lalong humagibis ang tibok ng aking puso. Siya yung gwapo na nakita ko kaninang umaga.May lumapit sa kanyang lalake na may kaedaran at may iniabot siya rito. Ilang saglit lang ay pumasok naman ang lalakeng nakauniporme sa driver's seat at mabilis na binuhay ang makina ng kotse.
Napahawak ako sa aking dibdib nang makita ko siyang naglakad, naglakad papalapit sa akin. Gusto kong magtago, tumakbo o matunaw na lang mula sa kinatatayuan ko. Nguni't, hindi ako makahuma, wala akong lakas kahit ang ialis ang aking malagkit na titig sa kanya.
Pakiramdam ko ay huminto sa pag-inog ang aking mundo. Tila nakarinig ako ng mga ibong humuhuni ng himig ng pag-ibig. Tila nagrambulan ang kung ano mang nilalang sa loob ng aking sikmura.
Bakit ganito ang epekto niya sa akin?
Patuloy siyang naglakad papalapit sa akin hanggang sa nasa mismo ko na siyang harapan. Sa oras na ito, ay ninais ko na sana ay nakikita niya ako, na sana ay hihinto siya sa aking harapan nguni't, halos magunaw ang aking mundo nang deretso siyang tumagos sa aking katawan. Tila may pumiga sa aking puso at dagling may tumakas na luha mula sa aking mga mata.
Agad akong umikot at nakita ko siyang nakatayo hindi kalayuan sa akin. Nakatingala siya habang mapayapang pinagmamasdan ang kalangitan. Nag-umpisa akong humakbang palapit sa kanya, habang ang puso ko'y patuloy pa rin sa pagwawala.
Huminto ako sa kanyang tagiliran at pinagmasdan ko ang perpekto niyang mukha, ang kanyag matangos na ilong, ang mahahabang pilikmata. Napaka-gwapo. Tila hindi siya totoong tao kung pagmamasadan.
"Nasa'n ka na ba ? GF KO ?"
Narinig kong sabi niya. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba nguni't hindi ko malaman kung ano. Pero, naiwaglit ko lahat ng aking agam-agam nang makita kong naglandas ang luha sa kanyang makinis na pisngi mula sa kanyang magandang mga mata. Naakit na ako ng tuluyan,
Marahan
Dahan-dahan
Maingat
Na inabot ko ang kanyang pisngi at pinahid ng aking hinlalaki ang luha sa kanyang pisngi nguni't mabilis ko ring binawi ang aking kamay ng bigla siyang nataranta at tila may hinahanap sa kanyang paligid.
"GF KO ! NANDYAN KA BA ? MAGPAKITA KA!"
Nagtaka ako sa kanyang ikinilos lalo't isa siyang estranghero para sa akin. Paunti-unti ay umusok ang aking katawan at marahan, ako'y naglalaho . Alam ko ng mawawala na ako at hindi ko alam kung saan na ako mapapadpad muli, kaya bago pa man ako tuluyang mawala ay tinitigan ko nalang siya.
"Please."
Huli kong narinig mula sa kanya at siya'y naglaho na sa aking paningin.
*^▁^*
Hindi ako nagkakamali. May naramdaman akong malamig na bagay na humaplos sa aking pisngi, dito mismo sa pwesto kung saan siya nabaril. Sigurado akong si Yhaly iyon! Ang GF ko.
Nguni't saglit ko lang iyon naramdaman, mabilis din itong nawala. Kung nagpanggap ba ako na hindi ko siya naramdaman ay maaari bang nagtagal din ang malamig niyang haplos sa akin ?
Patuloy na naglandas ang luha sa aking pisngi pagkatapos kong magmakaawa na sana'y, magpakita siya sa akin, kahit saglit lang, kahit isang segundo ay sapat na. Subali't nabigo ako, binigo niya ako. Hindi niya ako pinagbigayan.
Naabala ang aking pagdadalamhati nang tumunog ang aking cellphone na nakatago sa bulsa ng aking pantalon. Matulin ko iyong kinuha, nag-umpisa akong kabahan nang pangalan ni Jimin ang nakita kong caller.
"Hel---"
"Taehyung! Pumunta ka na dito, si Yhaly, may nangyari!"
"Anong nangyari ! Sabihin mo! Sige papunta na ako dyan, hintayin mo ako."
"Si Yhaly kasi, nag seizure at, i'm sorry, please! Basta bilisan no na lang! "
Kaagad akong tumakbo papalapit sa kung saan naka-parke ang aking sasakyan, mabuti na lamang at nakatambay lang sa tabi ang aming driver kaya hindi ko na siya kinailangang hanapin upang makuha ang susi. Mabilis kong binuhay ang makina ng sasakyan at nagmaneho palabas.
"Please, Yhaly. Kumapit ka , wait for me."
*^▁^*
Update
BINABASA MO ANG
My Ghost Lover || K.TH Ft SANA
Fanfic( completed) "Gusto ko lang naman maka-kuha ng justice at maka-akyat sa langit pero nakilala kita kaya HANDA akong kalimutan kung bakit nananatili ako sa LUPA basta lang MAKASAMA kita " KT.H