*^▁^*Alas-onse na ng gabi pero hindi pa rin sya nagpapa-ramdam sa akin. May pasok pa ako bukas sa trabaho pero hindi ako makaka-tulog hangga't hindi ko siya nakikita at nakaka-usap.
Kailangan kong mag-SORRY sa nagawa ko kanina sa kanya.
Si HOSEOK AT YOONGI. Umalis muna, mag-ghost hunting daw muna ang mga tukmol. Ghost na nga sila edi hindi na masaya yun. Pero, go pa rin. Malalakas tama nila eh!
Nakaka-lungkot ang mag-isa, sana kasi pwede nalang na magka-sama kami ni Kuya Jimin dito sa bahay ko. Kasya naman kaming dalawa kasi maliit lang naman siya, Hays!
Nag-desisyon akong lumabas para maglakad-lakad kaunti. Baka sakaling nandyan lang sa tabi-tabi ang Bf ko. Nagsuot lang ako ng jacket para hindi ako ginawin. Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako nung nandoon sya at nakatayo.
Hindi ko alam kung kung s'an nagmula, pero ang saya-saya ko. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit! Na parang ang tagal na nung huli ko siyang makita.
"Bakit ngayon ka lang Bf ko? Alam mo bang nag -aalala ako? Sorry na! Wag ka na magtampo sakin."
"Huh? Tampo?"
Kinalas ko ang yakap ko sa kanya.
"Kanina, nasigawan kita sa trabaho ko eh!" Pumatak ang luha ko at naramdaman kong pinahid nya iyon ng daliri nya.
Nakatitig ako sa mga mata nyang nangungusap, mahal ko talaga ang lakake'ng ito. Pa'no nalang ang gagawin ko kapag dumating yung panahon na kailangan na niya akong iwanan. Kapag kailangan na niyang tumawid sa kabilang buhay.
"Kahit kailan hindi ako magta-tampo sayo Gf ko, ikaw nalang ang meron ako. I love you!" Para akong matutunaw ng marinig ko yun at ngumiti sya ng maluwag.
"Mas mahal kita Bf ko."
Hinawakan ko ang kamay n'ya at hinatak ko siya papasok ng bahay.
Nakita niya agad yung kornik na dala-dala ko na nakapatong sa lamesa."Wow! Kornik! Sabi na at di mo ako matitiis at kukuha ka pa rin ng pagkain ko!" tumatalon -talon pa siya sa tuwa.
"Shempre naman! Ikaw pa! Love kita eh!" Nilagyan ko yung platito ng kornik, naupo kami sa lamesa.
Nung maka-upo na kami akala ko kakain na agad siya pero nagulat ako nang isinubo nya ito sa akin. Kaya sinubo ko na. Magpa-pabebe pa ba ako? Eh ang gwapo gwapo kaya ng BF KO!
"Gf ko, pag kumakain tayo ng kornik naaalala ko lagi kung pano tayo unang nagkakilala." Biglang nasabi nya.
Flashback 6 months ago
"Bakit naman kasi night-shift ka! Dapat morning para di ka nagla-lakad ng ganitong oras sa daan ! Diyos ko!"
Kasama ko si Hoseok na naglalakad, kahit ganito kasi 'tong BABA na to ay hatid sundo niya ako sa trabaho. Babantayan daw nya ako para kay Kuya Jimin.
"Mas malaki kasi bayad sa gabi! Tyaka matagal na tayong ganito now kapa nag-reklamo! Patabas ko BABA mo eh!"
"Ano ? Papatabas mo BABA KO? Salbahe ka talaga eh! Di na nga ako nakatikim bago namatay tatabasin mo pa! Very rude!"
Kinonyatan ko. Green minded ang pupu eh. "King-ina mong bastos ka! Edi maghanap ka ng mumu na matataypan mo!"
"Yuck ka Yhaly! Puro dugo mga kalahi ko! Never! Okay na kong virgin forever!"
At tumawa na naman siya na parang nakalasan ng turnilyo sa utak.
BINABASA MO ANG
My Ghost Lover || K.TH Ft SANA
Fanfiction( completed) "Gusto ko lang naman maka-kuha ng justice at maka-akyat sa langit pero nakilala kita kaya HANDA akong kalimutan kung bakit nananatili ako sa LUPA basta lang MAKASAMA kita " KT.H