Marcus was famished and he needed the nutrition. Iyon ang dahilan kung bakit nagpaubaya siya sa babae na subuan siya. Naubos niya ang dala nitong pagkain. After eating, pinainum din siya nito ng tubig.
Ngunit ilang minuto lang pagkatapos niyang kumain ay bigla siyang nakaramdam ng antok. Pilit niyang nilabanan ang antok dahil kailangan niyang makausap ang babae. Subali't unti-unti ay nilamon siya ng sobrang kaantukan hanggang sa magdilim na ang kanyang paligid.
Nang magising si Marcus ay nag-iisa na lang siya sa hotel room. Hindi na rin siya nakatali at may mga damit panglalaki sa gilid ng kama. Mabilis siyang tumayo at isinuot ang mga damit. He checked the closet. At tama nga ang hinala niya. She's gone!
Paglapag ng eroplanong sinakyan ni Marcus galing Hong Kong ay agad niyang tinawagan si Alexander Ortega upang alamin kung saan niya makikita ang babaeng naging assignment niya.
"Marcus, mabuti at tumawag ka. Actually, tatawagan na sana kita para ipaalam sayo na nadeposit ko na sa bank account mo ang iyong talent fee. Go and check-"
"Hindi iyon ang pakay ko Ortega. Gusto ko lang malaman ang address ni Daniella Reyes."
"Oh! Confidential, pare. Alam mo iyon," tumanggi si Ortega na ibigay kay Marcus ang address ni Daniella.
"Bullshit Ortega! Sasabihin mo ba o hindi?" tuluyan ng humulagpos ang galit ni Marcus.
"Final answer, NO!" pagmamatigas ni Alexander Ortega sa kabilang linya.
"Fine." he said before turning off his phone. Kung ayaw nitong ibigay sa kanya ang detalye tungkol sa babaeng iyon, kukunin niya ito ng sapilitan!
Ngunit kung may masamang balak si Marcus, mas tuso naman si Ortega.
Nagmadaling umalis ng opisina si Ortega bitbit ang files ni Daniella. Kilala niya si Marcus at sigurado siyang pupuntahan siya nito sa kanyang opisina upang sapilitang kunin ang gusto nito.Sinubukan niyang i-trace ang location ng kaibigan ngunit nakapatay ang cellphone nito.
Damn! Bakit ba gusto nitong makuha ang files ni Daniella? May nangyari bang kababalaghan sa Hong Kong?
He lived in a house with modern facilities and equipments. Mahihirapan ang kanyang kaibigan na basta-basta na lang pumasok sa kanyang bahay. Mag-isa lang siya at wala siyang katulong kaya kadalasan sa mga gamit niya ay automatic.
Pinindot ni Ortega ang control ng kanyang double-run sliding gate at mabilis na pinapasok ang sasakyan. Kampante siyang bumaba ng sasakyan at tumuloy sa loob ng bahay. Dumirecho siya sa kanyang kwarto kung saan may connecting door patungo sa kanyang vault na mayroong sophisticated voice recognition system.
"Magandang araw, Ortega."
Nagulat si Alexander nang marinig ang pamilyar na boses na nasa loob ng kanyang kwarto. How did he get in? Na scam ba siya ng mga taong nag-install ng mga safety devices sa kanyang bahay? "Marcus Madrigal," tinawag niya ang pangalan ng lalaki na halatang pagod pa galing sa biyahe.
"Give it to me, buddy. Kung ayaw mong masaktan," binalaan ni Marcus si Ortega.
Magmatigas pa sana si Ortega ngunit nakita niya sa mata ni Marcus na hindi ito nagbibiro. "Bakit ba?" Habang tinanong niya ang lalaki ay inabot niya rito ang dalang envelope.
"Good boy," sabi ni Marcus nang mahawakan ang envelope na naglalaman ng files ni Daniella Reyes.
"Ano ba ang kailangan mo sa kanya? As far as I'm concerned, tapos na ang trabaho. May nagawa ba siyang mali sayo at ganun na lang ang pagka-obsessed mo na kunin ang kanyang file?" Naguluhan si Ortega sa inasal ni Marcus dahil simula nang mawala si Veronica ay hindi ito nagkaroon ng interes sa ibang babae.
Nagdalawang-isip si Marcus kung nararapat ba niyang ipaalam sa kanyang kaibigan ang sinapit niya sa kamay ni Daniella doon sa HK. "She...she raped me!" Marcus exclaimed.
Hindi makapaniwala si Alexander Ortega sa kanyang narinig. Kailan pa natutong magbiro ni Marcus Madrigal? "You're joking, right?" Tinanong niya ito.
"Ano sa tingin mo?" Nainis si Marcus sa reaksyon ni Ortega na para bang ayaw nitong maniwala sa kanyang sinabi.
"Di nga! Teka, paano niya nagawa iyon? She was petite and you're too big. Common pare, tigilan mo na ang panggugudtym sa akin. Or kung totoo man iyang sinasabi mong pinagsamantalahan ang iyong pagkalalaki ni Daniella, napakaswerte mo naman pare. She's young and innocent and-"
"She could become pregnant!" Sumigaw si Marcus.
Natameme si Alexander Ortega nang marinig ang huling katagang binigkas ni Marcus. Alam niya ang buong kwento ni Marcus. Ngayon pa lang ay nakaramdam na siya ng awa para kay Daniella Reyes. "I'm sorry," humingi ng dispensa si Ortega at inimbitahan ang lalaki na mag-inuman na lang silang dalawa upang pag-usapan ang buong pangyayari.
BINABASA MO ANG
GENTLE DESIRE
RomanceDaniella was desperate to have a child and the bodyguard assigned to her was perfect to become her child's father. She believed that desperate times called for desperate measures but Marcus wasn't a fan of her irresponsible behavior. He wanted her a...