CHAPTER 34

25.6K 313 8
                                    

Nang makauwi si Daniella sa bahay, halos magkasabay silang dumating ni Paloma, at kasama ng kanyang stepmother ang anak nitong babae, na sa tingin niya ay halos magkaedad lang silang dalawa. Ngunit ang higit na nakaagaw ng kanyang pansin ay ang sanggol na kinarga ni Paloma.

"Ma, kaninong sanggol 'yan?" Nauna pa niyang itanong ang tungkol sa sanggol.

"Anak ni Lilian," sumagot si Paloma. At first, she got angry when she learned that Lilian was pregnant and the father was unknown. Pero may magagawa pa ba siya? Wala. At parang sabay pang nabuntis sina Daniella at Lilian. Between the two women, she chose to stay with Lilian. Hindi sa mas pinili niya ang kanyang tunay na anak, kundi, alam niyang maraming makakasama sa bahay si Daniella, habang mag-isa lang si Lilian.

Tumango si Daniella at hinayaan si Paloma na i-welcome sa bahay ang tunay nitong anak. Pagod siya at gusto niyang magpahinga. "Feel at home, Lilian." Nakangiting sabi ni Daniella sa babae ngunit hindi siya sinagot nito. "Ma, doon na muna ako sa aking silid." Nagpaalam siya kay Paloma.

Tumango si Paloma at hinayaan si Daniella na umakyat sa silid nito. Sa loob ng ilang buwang nanatili siya sa Camotes kasama ang kanyang anak, nakilala niya si Lilian ng husto. Lilian was a good woman but her heart was full of hatred and envy. At kasalanan niya kung bakit naging ganito ang kanyang anak. Dalangin niyang sana ay magbabago rin ito at mawala ang galit at poot na naimbak sa puso nito. "Lil, kailan natin pabibinyagan si Vanessa?" The baby was a great help to Lilian's personality. Medyo, kalmado na ito simula nang dumating ang kanyang apo.

"Kapag one-month old na po," matipid na sumagot si Lilian.

"Ano kaya kung sabay nating pabinyagan sina Vanessa at si Ariana?"suhestiyon ni Paloma.

"Bakit kailangan pang isabay? Gusto ko na si Vanessa lang bibinyagan sa araw na iyon. Gusto ko na maramdaman niyang espesyal siya." Tila may hugot ang kanyang sagot sa sinabi ng ina. Pero totoo naman, ah. Ayaw niyang maranasan ng kanyang anak na makipag-agawan ng attention, kagaya niya.

"Bakit ka ba nagagalit? Suhestiyon lang naman iyon. Kung ayaw mo, eh di huwag. Hindi mo na kailangang sumigaw pa, hindi naman ako bingi." Nainis si Paloma sa inasal ng kanyang anak.

"Sorry, Mama. Ewan ko, pero naiinis talaga ako kay Daniella, Ma." Pag-amin ni Lilian.

"I know. Hindi mo pa kasi lubusang kilala si Daniella kaya ka ganyan. Common, Lil. Hindi ka naman ganyan. Mabait na tao si Daniella. Sigurado akong magkakasundo kayong dalawa." Naintindihan niya si Lilian kung bakit naiinis ito kay Daniella.

"Soon, Ma. Malay natin, baka sa susunod na buwan, maka-move on na ako." Matagal na rin niyang pinag-isipan na mag-move on na. Afterall, Daniella has no other family except her mother. Maybe soon, kaya na niyang lunukin ang galit na namumuo sa kanyang pagkatao at patawarin ang kanyang stepsister.

"Aasahan ko yan, Lil. Mas gusto kong sabay na lumaki sina Ariana at Vanessa para sila lang din ang maglalaro. Malungkot ang buhay kapag walang kalaro, alam mo yan." Ipinaalala ni Paloma kay Lilian ang nangyari sa kanilang buhay noon. Kung paano sila nagkakahiwalay.

"Kaya lang, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit mo ako iniwan." Matagal na niyang gustong tanungin si Paloma pero nahihiya lang siya.

"Patawarin mo ako, anak. Isa lang ako sa mga naging biktima ng pag-ibig. Kaya dapat may matutunan kang leksyon sa nangyari sa ating dalawa. At huwag mong hayaan na mangyari kay Vanessa ang nangyari sayo. Understand?"

"Opo." She said because she would never want a man's attention or love again! Tama na ang minsan na umibig siya at nagparaya sa isang tao na walang kaluluwa. It hurts her so much when she learned about his betrayal and deceit. Kung sakali na muling magtagpo ang kanilang mga landas ni Alexis Ortega, puputi na muna ang uwak, bago niya ito patatawarin. Hindi biro ang nagawa nitong kasalanan sa kanya. Napatiimbagang siya nang maalala ang huli nilang pag-uusap ni Alexis.

"Buntis? Hindi ka ba nagpi-pills? You tricked me!" dumadagundong ang malakas na boses ni Alexis sa loob ng bahay na nirerentahan sa Santiago. Lilian worked part-time in the homestay and they got along very well.

"I never said that I used pills. And I was a virgin on our first night. Anong alam ko tungkol sa mga pills na iyan?" Lilian reasoned out. Yes, makabago ang kanyang pananamit at sunod sa uso. But it doesn't mean na sunod din sa uso ang kanyang paniniwala tulad na lang pag tungkol sa premarital sex. But he promised! And she believed him for goodness sake!

"My God, Lilian. Did you expect me to marry you?"

"Pero sabi mo pananagutan mo ako."

"Yes, but not to the extent of getting married. You're not even my ideal type. You're just........available!"

Doon na nagpanting ang taynga ni Lilian sa sinabi ni Alexis na available lang siya. Sinampal niya ito ng paulit-ulit hanggang sa sumakit ang kanyang palad.

"Huwag na huwag kang magpapakita sa akin kahit kailan. At baka ikaw ang gagawin kong pamasahe papuntang bilibid!" She cursed him so bad that she wished he would die slowly in great pain. Bitter na kung bitter!

GENTLE DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon