CHAPTER 24

28.5K 386 9
                                    

While Marcus was in the outdoor garden with Sky, he couldn't help but laugh at his situation. Ano'ng nangyari at bigla na lamang na nagkaroon ng twist ang kanyang tahimik na buhay? Panahon na ba upang mag-move on siya sa kanyang nakaraan? Baka magdamdam si Veronica at Arianna?

No, hindi niya kayang pagtaksilan ang kanilang mga alaala ni Veronica. He felt guilty for the times he allowed Daniella to enter his head and heart. He vowed to keep his wife and child's memory intact and he wouldn't be distracted anymore. No matter what. Because he had too much to lose if he chose Daniella.

Kinausap niya si Sky at sinabi rito na babalik na sila sa loob. Ayaw pa sana nito kaya malakas niya itong hinila. Balak niyang makaalis mula sa property ni Daniella Reyes ngayong araw. Hindi na niya pwedeng ipagpaliban pa ng kahit isang araw lang ang pagpo-proceso ng kanilang annulment. Malaki na ang nagawa niyang kasalanan sa mga alaala ng yumaong asawa at anak.

Bago umalis, nagtungo muna siya sa greenhouse kung saan naroon si Daniella. Magpapaalam siya dito bago tuluyang umalis. Hindi napansin ng babae ang kanyang pagpasok sa greenhouse dahil nakatalikod ito at abala sa pag-trim ng mga bulaklak. At kahit nakatalikod, nakikita niyang masaya ito sa ginagawa. Aaminin niyang mami-miss niya ang babae ngunit kakayanin niya. Ilang araw lang naman. Masasanay din siyang wala ito at isang bangungot lang ang nangyari sa kanilang dalawa.

"Daniella," tinawag ni Marcus ang babae at humarap ito sa kanya na nakangiti. Maganda ang babae maski may attitude problem ito paminsan-minsan. Madali itong makahanap ng lalaking magmamahal nito ng lubusan.

"O Marcus, bakit ka bumalik? May kailangan ka ba?" masiglang bati ni Daniella sa nagbabalik na lalaki. Pero sa kaibuturan ng kanyang puso, siya ay nasaktan at nagdurusa. Kanina, nang maramdaman niya ang pagpasok nito sa greenhouse, alam na niya ang pakay ng lalaki. He's leaving. For good.

"I'm leaving," sabi ni Marcus.

"When?" Kahit papaano ay umaasa siyang mananatili pa ang lalaki kahit na ilang araw lang. Nasanay na kasi siya na kasama ito, na nakikita ito tuwing umaga. Oo nga at isang linggo lang silang magkasama sa bahay pero sapat na iyon upang mahulog ang kanyang loob para dito. Kahit na alam niyang napipilitan lang itong makipag-truce sa kanya, naramdaman niya pa rin kung gaano ka maalalahanin ang lalaki. At kahit hindi pa nito buong puso na tinanggap ang kanyang ipinagbubuntis, lagi siya nitong pinagsabihan ng mga bagay na bawal sa buntis. Na para bang may experience na ito.

"After lunch," maikli ang naging tugon ni Marcus sa itinanong ni Daniella. Ano pa ba ang sasabihin niya? Bigla na lang kasi siyang dinaga. Ni hindi siya makatingin ng direkta sa mga mata nito.

"Kung ganun, magpapa-despedida ako sa pag-alis mo." Eh, may magagawa pa ba siya? Wala na!

"You must be kidding! At bakit mo naman naisipang magpadespedida pa?" Hindi maintindihan ni Marcus ang sinabi ni Daniella na magpadespedida. What for? Para i-celebrate ang pag-alis niya? Napatiimbagang siya habang nakatingin sa babae na nagpatuloy sa pag-arrange ng mga bulaklak kahit aalis na siya.

"I'm serious. Wait, tatawagan ko lang si Patty." Nagpunta siya sa mga lagayan ng crates at seedling pots. The greenhouse had an intercom connecting to the mainhouse. "Patty, it's me. Gusto kong maghanda ka ng maraming pagkain. Despedida ni Marcus. He's leaving for the Marines.," nagsinungaling siya sa babae dahil wala siyang maisip na ibang paraan upang hindi naman siya masyadong dehado sa pag-alis nito.

"Common, Danni, hindi mo naman kailangang gawin iyon," sabi ni Marcus sa babae nang makabalik ito sa kanyang tabi.

"It's no big deal, really. And since you're leaving for good, why don't you help me with the flowers? Para matapos na ito kaagad at makabalik na tayo sa bahay." She planned to spend the few remaining hours with him before lunch. Today would be the last time that she's going to see him.

Pagkatapos i-arrange ng mga bulaklak, tinawagan ni Daniella ang isa pa nilang katulong upang dalhin ang mga ito sa malaking bahay. One of her staffs used to work in a 5-star hotel and it's her duty to keep the house in good order.

Mula sa greenhouse ay niyaya niya si Marcus sa samahan siya papuntang vineyard upang mamitas ng mga hinog na grapes. Malapit lang din sa vineyard ang pinagtaniman ng mga strawberries. They also have oranges, pomelo, and lemon in their orchard.

Sa huling pagkakataon gusto niyang maglambing kay Marcus. Papipitasin niya ito ng mga oranges para gawing juice. Eh, gusto niyang uminom ng fresh orange juice. At gusto din niyang kumain ng mga matatamis na grapes.

"Mga ilang piraso ba ang kailangan mo?" tinanong ni Marcus ang babae habang nasa gilid sila ng isang orange tree.

"Kung ilan ang kakasya dito sa basket," sagot ni Daniella sabay turo sa isang basket na dala.

"Okay." Sinimulan na ni Marcus ang pagpili ng mga hinog na orange. Kasing taas lang niya ang mga puno ng oranges kaya abot-kamay lang ang mga bunga nito. Mga dalawampung piraso ang kanyang napitas bago napuno ang dalang basket ni Daniella at tuwang-tuwa ito. Siya na ang nagpresentang magdala ng punong basket dahil may kabigatan din ito. At bawal sa buntis ang magbuhat ng mga mabibigat na bagay.

"Sa vineyard naman tayo." hinawakan ni Daniella ang isang kamay ni Marcus at hinila ito. Mga ilang minuto din ang kanilang lalakarin bago marating ang pupuntahan.

"At ano naman ang gagawin natin doon?" kanina pa siya nagtataka sa mga inasal ng babae. What's her game, anyway?

"Syempre, mamimitas ng grapes, ano ka ba. Killjoy mo," nagmamaktol nitong sabi, sabay hila sa kanyang kanang kamay.

"Slow down, will you?" sabi ni Marcus dahil masyadong mabilis maglakad ang babae na animo hinabahol ito.

"Bakit, mahina na ba ang tuhod mo? Tsk tsk, sign of aging."

"I'm not that old! I'm still in my prime!" reaksyon ni Marcus sa sinabi ni Daniella.

"Prime, my ass." She enjoyed in teasing him. He seemed to be very affected and it showed on his face. Hindi ba nito alam na mas lalong nagpa-gwapo sa kanya ang prime age nito?

"Alam mo, hindi ka mahirap mahalin, Daniella. Bukod sa maganda na, mabait pa." nagulat si Marcus sa mga salitang lumabas mula sa kanyang bibig. Pero huli na upang bawiin ito.

"I doubt that. Kasi, kung totoo ang sinasabi mong hindi ako mahirap mahalin, bakit hindi mo ako kayang mahalin?" Hayun, nailabas rin niya ang kanyang saloobin sa hindi inaasahang pagkakataon.

"I'm sorry."

Pakiramdam ni Daniella ay wala nang sasakit pa sa sagot nito. Wala na talaga siyang maaasahan pa sa lalaki. Kumpirmado na hindi talaga siya nito gusto. "It's okay. Tanggap ko naman. And I'm sorry din kung napi-pressure kita. It was not part of the plan to fall for you." she sighed after letting out the truth. Totoo kaya ang kasabihan na "the truth will set you free".

"Don't be too hard on yourself. You're still young and beautiful," Marcus assured the young woman that she would be fine without him.

"Salamat. O, andito na tayo," hindi man lang nila namalayan na nakarating na pala sila sa vineyard.

"Isang basket rin ba ang kukunin natin?" Nagpasalamat si Marcus na dumating na sila vineyard dahil muntik na siyang bumigay kanina. Daniella was frank and honest with him. And he liked it! She was never coy with him. Her being sassy was one of the reasons why he allowed her to enter into his closed and locked heart. If only he's capable of loving again.......

GENTLE DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon