Bakit pa kasi siya naniwala sa mga matatamis nitong salita? Kung hindi sana siya nag-expect, hindi sana siya masasaktan ng lubusan, hindi sana siya mag-aksaya ng luha. Okey na sana siya, okey na ang buhay nila ni Ariana na silang dalawa lang, at okey na sana ang lahat. Ngunit ewan ba niya kung bakit muli siyang nagpadala sa bugso ng kanyang damdaming at muling binuksan ang kanyang puso para sa lalaki. Paulit-ulit ang kanyang pagbuntonghininga habang nakatitig sa kawalan dahil blangko ang kanyang utak at para namang tinusok-tusok ng maliliit na karayom ang kanyang puso. At habang nakatitig siya sa kawalan ay hindi niya mapigilan ang sarili na maiyak dahil sa nangyari.
"Dani..." mahinang tinawag ni Marcus ang pangalan ni Daniella nang madatnan niya itong umiyak habang nakatingin sa laman ng kanyang wallet. Kanina nang bigla nitong ibinigay sa kanya ang bata at pumanhik sa itaas upang hanapin ang kanyang wallet, agad niyang hinanap si Patty at ibinigay sa matanda ang bata. Pagkatapos ay sinundan niya si Daniella. But he arrived late. Nakita na nito ang hindi pa dapat makita.Masakit para kay Marcus na makitang umiyak si Daniella. Dahan-dahan niyang kinuha ang kanyang pitaka mula sa kamay ng babae at mahigpit itong niyakap. "I'm sorry, I'm really sorry."
Narinig ni Daniella ang paghingi ng tawad ni Marcus, ngunit hindi niya alam kung ano ang isasagot sa lalaki, dahil nasasaktan pa rin siya at hindi niya mapapatawad ang pagtataksil nito sa kanya. Ayaw niya sana itong kausapin dahil siya sa mood na harapin ito ngunit kailangan niyang harapin ang kanyang problema. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na may pamilya ka na pala?" Sinumbatan ni Daniella ang lalaki.
"Patawarin mo ako, Dani. Sasabihin ko naman talaga sayo ang lahat sa tamang panahon." Dapat hindi na siya naghintay pa ng tamang pagkakataon at sinabi na kaagad sa babae ang lahat-lahat tungkol sa kanya. Nilapitan niya ito at niyakap ngunit nagpumiglas si Daniella at nasaktan siya sa pag-ayaw nito sa kanyang yakap.
"Tamang panahon? Kailan iyon? Ngayon pa ba tayo maglolokohan, Marcus?"Kumalas siya mula sa matitipunong mga bisig ni Marcus at sinumbatan ito.
"Hindi kita niloloko. Ang totoo niyan, may schedule na tayo papuntang Camotes para dalawin ang mag-ina ko doon." Magpapaliwanag pa sana siya kay Daniella nang biglang dumapo sa kanyang kaliwang pisngi ang malakas nitong sampal. Pagkatapos ng sampal, tinadyakan pa ni Daniella ang kanyang pagkalalaki. Napayuko siya sa sakit.
"Ang kapal ng mukha mo para pagsabayin kaming dalawa! Lumayas ka at huwag ka nang magpapakita pa sa akin!" Nanggigigil si Daniella sa mukha ng kaharap.
"Pero Dani -"
"Layas!"
BINABASA MO ANG
GENTLE DESIRE
RomanceDaniella was desperate to have a child and the bodyguard assigned to her was perfect to become her child's father. She believed that desperate times called for desperate measures but Marcus wasn't a fan of her irresponsible behavior. He wanted her a...