Bago mag-agahan, ibinilin na ni Paloma kay Lilian na personal niyang kakausapin ang VIP nitong si Mr. Ortega tungkol sa schedule ng breakfast at kung saan ito i-serve.
The breakfast buffet that consisted of American, Continental and Filipino would be served at the beach front, a good distance from the main house. Invited guests were advised to bring their swimwear in case they would want to go swimming after or in between meals.
A day before the guests, various six-seater outdoor dining sets with umbrellas were set up at the beach front. Outdoor cabanas, day beds, and chaise lounges were also present in the area.
Mahina siyang kumatok sa labas ng pintuan at sa kanyang tantiya, mahigit limang minuto din ang nakalipas saka may nagbukas ng pinto.
"Good morning Mister -" Lilian was speechless upon seeing the man who opened the door. Hindi lang ito gwapo, kundi nag-uumapaw talaga sa kagwapuhan, kakisigan at punong-puno ng sex appeal. And the way his deep blue eyes stared at her, it penetrates to her core being.
"Marcus Edwards or you can call me Marcus." Inilahad ni Marcus ang kanyang kanang kamay sa babaeng hindi magawang itikim ang bibig. Sanay na siya sa mga ganitong reaksyon ng mga babaeng unang nakakita sa kanya. But this one is unbelievable. Kailangan pa niyang hawakan ang panga nito upang isara ang bibig, at baka may makapasok pang insekto. She must be one of the professionals hired by Paloma to make her birthday splendid.
Napahiya si Lilian sa ginawa ng lalaki sa kanyang bibig. Paano kung may nakita itong cavities? "How about Mr. Ortega?"
"Nasa shower. Hinanap ba siya ng birthday celebrant?"Nagtanong si Marcus.
Hindi nagustuhan ni Lilian ang sinabi ni Marcus Edwards. Inakala ba nitong may relasyon si Mr. Ortega sa kanyang ina? "Nope. Tungkol sa breakfast, gusto lang ng celebrant na paalalahanan siya kung saan ito i-serve at kung anong oras. And of course, don't forget your swimwear."
Hindi siya magtataka kung bakit naging target ni Daniella si Marcus. At kaya pala madaling nahulog ang loob nito sa lalaki. Bago bumalik sa kanyang sariling silid upang makapagbihis, tinawagan niya muna ang kanyang ina upang sabihin dito na hindi niya personal na nakausap ang VIP guest nito.
Pero hindi pumayag si Paloma na hindi niya makausap ng personal ang lalaki. Pinapabalik siya sa silid ng VIP. At dahil ayaw niyang masira ang mood ng ina, sumunod siya sa kagustuhan nito at bumalik sa pinanggalingan. Kumatok siya ulit. Hindi gaya kanina, binuksan kaagad ni Marcus ang pintuan.
At kung kanina ay na-shock siya dahil sa kagwapuhan ni Marcus, mas lalo siyang nagulat ngayon, dahil isang multo ang nagbukas ng pintuan. Nakita niya kung paano lumiit ang mga mata nito dahil pilit nitong inaalala kung saan sila nagkita.
"You look familiar, pero hindi ko lang talaga matandaan kung saan tayo nagkita. Care to remind me?" sabi ni Alexis sa babaeng nakatulala sa kanyang harapan. She's pretty and very womanly, and so perfect for him.
"I'm sorry but I think you have mistaken me for someone else," sabi niya. Kung masakit ang ginawa nitong pag-iwan sa kanya kahit alam nitong nabuntis siya, mas masakit na hindi pala siya natatandaan ng lalaki. Na ibig sabihin, ay ginawa lang talaga siyang pampalipas-oras nito. Bastard. "You must be, Mr. Ortega? My mother wanted to make sure that you'll be present at breakfast."
"Oh yes, actually, we're getting ready for breakfast. So, I'll see you around?" Bago siya tumalikod ay kinindatan pa siya ni Alexis. Napaka-hambog talaga niya. Isang manloloko. Dinedma niya ang ginawa nitong pakipag-flirt sa kanya. Ni hindi lang ito humingi ng paumanhin sa hitsura nitong nakatapis lang ng tuwalya. Definitely, he's a good for nothing bastard and she was just one of the many victims of love.
BINABASA MO ANG
GENTLE DESIRE
RomansaDaniella was desperate to have a child and the bodyguard assigned to her was perfect to become her child's father. She believed that desperate times called for desperate measures but Marcus wasn't a fan of her irresponsible behavior. He wanted her a...