Sa tulong ni Ortega, naiwasan ni Daniella na makulong sa salang pagpatay kay Ronnie. She got luckier when Ronnie was found out to have a rap sheet under his name, and Ortega was licensed to kill criminals.
Iginiit ni Daniella na self-defense ang nangyari kaya napatay niya ang lalaki ngunit mahihirapan silang patunayan ito sa korte at magkaroon lang ng bahid ang pangalan ng babae. Isa pa, hindi ito lisensyadong gumamit ng armas. Mabuti na lang at napakiusapan ni Marcus si Daniella na si Ortega na ang bahalang mag-ayos ng lahat.
Ngunit, may isang problema si Marcus. Pagkatapos kasi ng insidenteng iyon, hindi makatulog ng maayos si Daniella dahil binabangungot ito sa pagkamatay ni Ronnie. Kinailangan itong magpatingin sa isang espeyalista at malaki ang kanyang pasasalamat dahil hindi nagmatigas si Daniella at pumayag na magpatingin.
Ilang buwan din ang ginugol ng babae upang tuluyan nitong makalimutan ang malagim na pangyayari at sa panahong 'yon ay hindi iniwan ni Marcus si Daniella. Kahit sabihin na masamang tao si Ronnie, hindi naman kasi sanay si Daniella sa mga ganung pangyayari.
"Are you really okay, now?" Isang umaga, habang nag-aalmusal sila sa patio, ay tinanong niya ito ng masinsinan.
"Syempre naman. Ano'ng akala mo sa akin? Weakling?" Na-shock lang siya ngunit hindi naman kasi pwede na patagalin pa niya ang problema dahil kailangan siya ng kanyang anak.
Ginulo ni Marcus ang mahabang buhok ng babae at ginawaran ito ng halik sa pisngi. "That's my girl, palaban! One more thing, you shouldn't blame yourself for his death, alright?" Kung bakit ba kasi inagaw pa nito ang baril mula sa kanya at pinaputukan si Ronnie. Patay na si Ronnie pero hindi pa rin naibsan ang galit sa kanyang dibdib para sa lalaki. Dahil simula nang mabaril ito ni Daniella, hindi na rin siya nabigyan ng pagkakataon na maisakatuparan ang mga physical niyang hangarin para sa babae.
Hindi rin naman kasi niya kaya na pwersahin ito sa kanyang kagustuhan dahil hindi naman siya rapist. At dahil sa sobrang pagmamahal niya sa babae, mataas din ang kanyang respeto para dito. Kaya nagkasya na lang siya sa pahalik-halik muna. But, God, it was four months already! And he missed getting laid with his woman! "So, ngayong okay ka na, pwede ko na bang ma-claim ang aking karapatan bilang asawa mo?" hirit ni Marcus kay Daniella.
"Asawa? Kapal mo ha, hindi mo pa nga ako pinakasalan!" Ooops, natutop ni Daniella ang kanyang bibig na walang preno. Naku, baka kung ano pa ang isipin ni Marcus dahil sa sinabi niya. Ayaw niya sanang manggaling sa kanya mismo ang tungkol sa kanilang pagpapakasal. Kaya lang, naiinip na siya sa kahihintay. O baka naman ayaw na nito sa kanya?
"Sorry na," para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa isinagot ni Daniella sa kanya. Pero wala naman siyang balak na takasan ang babae. Kahit may pagkaloka-loka ito, mahal na mahal niya si Daniella. Naudlot lang ang kanyang planong mag-propose sa babae dahil sa magkapatid na Alicia at Troy Ramirez.
Speaking of Alicia, wala na siyang nabalitaan pa tungkol sa babae, ngunit napatawad na niya ito. Nang mabasa niya ang mga mensahe nito kay Ronnie, alam niyang nabigla lang ito dahil sa kabiguan sa pag-ibig.
Gusto sana ni Marcus na maipakulong si Troy Ramirez, ang kapatid ni Alicia na siyang utak ng lahat, ngunit walang direktang ebidensya na magdidiin sa lalaki tungkol sa mga krimeng ginawa nito. Pero hahayaan ba niya ito? Nunca!
"Bilisan mo ng kumain para makaalis na tayo," sabi niya sa naiinis na boses. Napagkasunduan kasi nila kanina na sabay-sabay ng magsimba pero tinanghali siya ng gising. Kanina pa natapos kumain ang ibang kapamilya, sila na lang ni Marcus ang hindi pa tapos.
"Masusunod po, aking reyna. Pero, galit ka ba sa akin?" Tinanong ni Marcus ang babae matapos niyang mapansin na panay ang pag-irap nito sa kanya.
"Ako, galit? Hindi, ah. Bakit naman ako magagalit sayo, aber?" Tinaasan lang ni Daniella ng kilay si Marcus.
BINABASA MO ANG
GENTLE DESIRE
Roman d'amourDaniella was desperate to have a child and the bodyguard assigned to her was perfect to become her child's father. She believed that desperate times called for desperate measures but Marcus wasn't a fan of her irresponsible behavior. He wanted her a...