CHAPTER 54

21.2K 228 14
                                    

"Hindi kasi mahimbing ang tulog niya sa kuna, at saka, mas gusto ko na katabi ko siya pati sa aking pagtulog." Minsan, sinubukan niyang patulugin si Ariana sa kuna, ngunit imbes na matulog siya, nanatili siyang nakaupo sa gilid ng kama at nakabantay lang sa bata.

"Mas kampante ako kapag sa kuna siya matutulog," suhestiyon ni Marcus.

Nagpanting ang taynga ni Daniella sa kanyang narinig mula kay Marcus. Sa tono ng pananalita nito, parang kinukwestyon nito ang kanyang pagiging ina. Tinaasan niya ito ng kilay bago sinagot. "You're so funny. Kung magsalita ka, parang ang galing mo din, ano?"

"I didn't mean to offend you. Suggestion lang naman iyong sinabi ko kanina." Wala siyang balak na paiinitin ang dugo ni Daniella dahil sa isang pagkakamali lang, kaya siya nitong palayasin anumang oras. But he failed.

"Pwes, hindi suggestion ang dating ng sinabi mo sa akin! Kung talagang concern ka sa anak mo, hayaan mo na kaming mamuhay ng tahimik dito sa probinsya."

"Pero Dani, nag-usap na tayo. May karapatan ako sa bata dahil ako ang kanyang ama!" Did she really think that he would not fight for his right? Well, she got it wrong. Because by hook or by crook, he's going to have his family back.

"A dead man can no longer claim his right, Marcus. Surely, you knew that." Daniella was amazed at how stubborn Marcus could be. Ano pa ba ang kailangan niyang gawin upang pumasok sa kukute nito ang lahat ng sinabi niya?

Marcus clenched his teeth. "Kung ganyan lang din ang usapan, wala na akong magagawa pa. Kailangan kong buhayin ang dati mong asawa," binalaan ni Marcus si Daniella na kaya niyang gawin ang lahat.

Kinabahan si Daniella. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"Akala ko ba matalino kang babae. Simple lang naman iyon." Tumayo si Marcus at nagtungo sa pintuan. Hinawakan ang siradura, binuksan, at kalmadong lumabas. Kanina habang nagpadede si Daniella, narinig niyang parang may tao sa labas ng silid nito. At tama nga ang kanyang hinala dahil pagbukas niya ng pintuan ay naroon si Paloma. Nakadikit ang taynga nito sa dingding na parang sinisikap na marinig kung anuman ang pinag-uusapan nila ni Daniella sa loob. Tiningnan lang niya ang babae at saka nagtungo sa kanilang silid ni Ortega.Hindi pa niya naisara ng husto ang pintuan sa kanilang guestroom nang biglang sumigaw si Paloma.

"Multo! Multo! Multo!" Hindi alam ni Paloma kung saan siya pupunta, sa kwarto ba ni Daniella o sa kwarto ni Lilian. Kanina, habang tinitingnan siya ng multo ni Marcus, muntik na siyang mawalan ng malay.

At dahil sa lakas ng kanyang pagsigaw, nagkagulo ang lahat ng bisita na nagsibalikan mula sa beach. Pati ang mga kasambahay ay nagsisitakbo din sa iba't-ibang direksyon. Lumabas din si Lilian mula sa silid nito, karga ang umiiyak na si Vanessa. Tanging si Daniella lang ang nanatiling kalmado sa lahat dahil hindi naman siya naniniwala sa multo.

"Ma, will you please calm down? "sabi niya sa naghihisterical pa rin na si Paloma. "Wala namang multo sa umaga, kadalasan sa gabi nagpapakita ang mga iyon." Binibiro lang niya ito ngunit mas lalong lumala ang sitwasyon. Panay pa rin ang sigaw nito na may nakita itong multo at nakipag-eye to eye pa raw ito sa kanya. Lasing ba ito?

"Maniwala kayo sa akin. May multo talaga. Nakita ng dalawa kong mga mata na lumabas mula sa silid ni Daniella ang yumao niyang asawa!"

GENTLE DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon