Napabuntong-hininga si Daniella sa sunod-sunod na kamalasang nangyari sa kanya simula kaninang umaga. Pasulyap-sulyap siya sa katabing lalaki. Aba, parang nag-eenjoy ang mokong sa takbo ng usapan.
Sabagay, kung gusto talaga nitong manligaw, wala na siyang magagawa pa, dahil willing naman siyang magpaligaw kay Marcus. Para sa kanyang anak, handa niyang isugal muli ang kanyang puso. Sana nga lang, sa pagkakataong ito, magtagumpay na siya sa larangan ng pag-ibig.
"I think you owe me something," bumulong si Marcus sa taynga ni Daniella matapos nitong ideklara na liligawan muna niya ang babae bago pakasalan. "Follow me," he continued.
Daniella smiled at the crowd while following Marcus. Nilakihan niya ang kanyang hakbang para makasabay sa lalaki, palabas ng bahay. "Saan ba tayo pupunta?"
"Just follow me and stop asking a question."
Daniella just gritted her teeth over her frustration with Marcus' behaviour. Akala ba niya ay manliligaw ito? Hindi ba nito alam ang proper decorum para sa isang tao na gustong paibigin ang isang babae? Mabuti na lang at may feelings pa siya para sa lalaki, kasi kung wala, hinding-hindi ito maka-score sa kanya.
"Why here?" Nagtataka siya kung bakit sa vineyard sila nagpunta. Mataas na ang araw at medyo mainit na sa vineyard. Sa katunayan, pinagpapawisan na ang kanyang kilikili mula sa paglalakad.
"Dahil ito ang huling lugar na pinuntahan nating dalawa. Gusto kong dito tayo magsimula muli." Kung hindi siya naging duwag dati, siguro nasundan na ang kanilang panganay ni Daniella.
"Marcus, sigurado ka ba sa gagawin mo? Baka na-pressure ka lang dahil sa nangyari. Kasi kung ganun nga, pwede naman nating itigil ito." Gaano man niya ito kamahal, hindi niya ito gagawing bilanggo sa kanyang pag-ibig. He's free as a bird to go back where he belongs.
"Yes, the pressure is there. But Dani, I really want you back. I want you to love me again like you used to." Ipinangako ni Marcus sa kanyang sarili na kung tatanggapin siya muli ni Daniella, gagawin niya ang lahat upang mapasaya ito palagi.
"Ang tanong, mahal mo rin ba ako?"Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa na itanong sa lalaki ang tunay nitong nararamdaman para sa kanya. Because there's no way she would settle for anything less than she deserves.
"Hmmm I love you so much baby that it tears me up inside," kinanta ni Marcus ang linya mula sa awit na Can't We Try by Dan Hill.
"Marcus, may dumi sa mukha mo, yumuko ka nga para makuha ko." Nang yumuko ito si Marcus, siniil niya ito ng halik sa labi. "I love you too...but can we go back now? Sobrang init kasi, pinagpawisan tuloy ang kilikili ko, eh."
Marcus shook his head in disbelief at Daniella's response. How could she shift from romance to comedy in just a few seconds? "Fine. Pero talaga bang mahal mo ako?"
"Of course, bakit mo naman naitanong?"
"Because I was supposed to kiss you back, but you shifted from romance to comedy. I don't know if we are on the right track," Marcus explained.
"When you're really in love, you listen to your heart. Common, just go with the flow. Hayaan na natin ang kapalaran," sabi ni Daniella. Minsa na siyang napaso dahil sa laro ng pag-ibig. This time, she would leave everything to fate. Naniniwala siya na kapag sila talaga ni Marcus ang itinadhana, silang dalawa talaga ang magkatuluyan.
"Alright. Bakit hindi na lang tayo sa beach magpunta?" Katulad ng kanyang kaibigan na si Samuel, hindi siya bihasa sa pag-analyze ng mga babae. Basta ang alam niya, mahal niya si Daniella at kailangan niya ito sa kanyang buhay.
But what about Alicia? Once, during a stormy night, Marcus allowed Alicia to seduced him, he allowed her to make love to him. Isang beses lang nangyari iyon at malinis ang kanyang konsensya dahil binata siya ng mangyari iyon. Tao lang siya at hindi santo. Kailangan pa ba niyang ipagtapat sa babae ang tungkol kay Alicia?
"Sa beach? Hindi pang-swimming ang suot ko, tingnan mo."
BINABASA MO ANG
GENTLE DESIRE
RomanceDaniella was desperate to have a child and the bodyguard assigned to her was perfect to become her child's father. She believed that desperate times called for desperate measures but Marcus wasn't a fan of her irresponsible behavior. He wanted her a...