Ikinagulat ni Marcus ang pagsigaw ng babae ngunit hindi niya ito masisisi. "Patay na sila Dani," sabi ni Marcus at muling humarap sa babae, hindi alintana ang nakamamatay nitong mga tingin.
"Patay? Sino?" Sunod-sunod niyang tanong kay Marcus.
"My first wife and our daughter, Ariana." He kept it short and simple to save Daniella from the horrible details on how his wife and child were murdered.
"I'm sorry." Ang tanging salita na lumabas mula sa kanyang bibig nang makita niya ang sakit, hinagpis at pangungulilala sa mga mata ni Marcus. At ganun lang kadali na nawala ang galit niya para sa lalaki. Tinanong niya ang kanyang sarili kung bakit hindi niya kayang magalit ditong lubusan? May mali ba sa kanya? At kung meron man ay ayaw niya muna itong itama. Lumapit si Daniella kay Marcus at mahigpit itong niyakap at paulit-ulit siyang humingi ng paumanhin.
Yes, he wanted to avenge their wrongful deaths, but Jessica begged him not to pursue his plan of revenge. Sabi nito, hindi magugustuhan ni Veronica na sasayangin lang niya ang kanyang buhay sa paghahanap ng mga taong iyon. Manalig na lang daw siya sa Panginoon at ito na ang bahala sa mga taong nagkasala sa kanya. "Patawarin mo rin ako kung hindi ko ipinagtapat kaagad ang tungkol kay Veronica at Ariana."
"Sandali lang. Ariana din ang pangalan ng anak ninyo?" Hindi sigurado si Daniella kung nararapat ba siyang matuwa sa nalaman o magalit. Paano kung ginawa lang silang panakip-butas ni Marcus?
"Mali ang iniisip mo, Dani." Alam niyang kung ano ang iniisip ng babae, na baka ginagamit lang niya ang kanilang anak bilang kapalit sa kanyang panganay. That was never the case. Yes, he was shocked when he learned that her daughter with Daniella was also named Ariana. Pero pagkalipas ng initial shock, nagpasalamat siya sa Panginoon at binigyan siya ng isa pang pagkakataon na maging ama. And it was purely coincidence that both his daughters have the same name.
Daniella smiled when Marcus assured her. "Paano sila namatay?" Tama ba na mag-usisa siya kung paano namatay ang unang asawa ni Marcus at ang kanilang anak? Baka iisipin nito na masyado siyang chismosa.
"They were murdered...right in front of me," he answered truthfully.
"Ano? Napakasama nila! Ilang taon na si Ariana noong pinatay siya?"Dahil sa sinabi ni Marcus, biglang umakyat ang kanyang dugo papunta sa kanyang ulo. Galit siya sa mga taong lumapastangan kay Veronica at Ariana.
"It happened on her first birthday," medyo pumiyok ang boses niya nang sumagot sa itinanong ni Daniella. Napatiimbagang siya nang rumehistro sa kanyang utak ang hitsura ng kanyang mag-ina noong tinadtad ito ng bala. One moment, they were so happy and the next were full of sadness and anguish.
Hindi niya kakayanin kung may mangyaring masama kay Ariana. Iniisip pa lang niya, para nang pinipiga ang kanyang puso, at hindi niya namalayan na tumulo na pala ang kanyang mga luha. "I'm sorry, Marcus. Paano mo nakayanang magpakatatag sa kabila ng lahat?" Daniella admired his strength.
"Hindi ko alam. Ilang beses na akong gustong bumigay at sumunod na lang sa kanilang dalawa, pero palaging naroon si Samuel upang pigilan ako."
"Ngayon pa lang, dapat ko ng pasalamatan ang kaibigan mo. Siguro, kung pinabayaan ka lang niya, hindi tayo magkikita, at wala rin si Ariana." Sabi ni Daniella.
Bilang kasintahan niya, karapatan ni Daniella na malaman ang lahat tungkol sa kanya. Kinabig niya ang babae upang maupo sila sa malapit na sofa. Masyadong malungkot at masakit ang mga pangyayaring ipinagtapat niya kanina kaya siguro may lungkot din sa mga mata nito. But he couldn't leave her while feeling upset, not yet. Kaya sinabi rin niya sa babae ang lahat nga mga kabulastugang ginawa niya noong teenager pa lang siya, noong wala pa siyang pakialam sa mundo.
"Oh my goodness! You really did those things?" Nahihirapan siyang i-take in ang lahat ng sinabi ni Marcus sa kanya lalo na sa mga buhis-buhay na ginawa nito dati. "Pero naiinggit ako sayo, kasi nagagawa mo lahat ng gusto mo. Wait, so you were a rich kid?" Kung may nakalimutan mang sabihin ang lalaki, iyon ay ang tungkol sa financial status nito. His previous activities cost a lot of money. Unless, he's wealthy or had a sponsor, there's no way he could afford those things.
He nodded his head as a way of saying yes to her latest inquiry. Until today, he had no reason to brag about his riches. "What? Ayaw mo bang maniwala?"
"Hindi naman sa ganun. Nagtataka lang ako kung bakit nagtatrabaho ka pa sa farm kung kaya mo namang maging Boss sa sarili mong kumpanya." When she learned the in's and out's of investing, she used her money to work for her. And Marcus should do the same!
"Nonsense. I have enough that can last up to our daughter's grandchildren, don't worry. Okay?" Hindi pera ang dahilan kung bakit nanatili pa rin siya sa farm ng kanyang kaibigan.
"Ang sa akin lang, hindi ka ba nababahala sa inflation?" Bilang nag-iisang anak ni Gregory Reyes, napi-pressure siya kung paano i-maintain ang yaman na iniwan ng kanyang ama.
"Not really." His investment in the stock market was already fifteen years old and his portfolio made enough money. Aside from that, his bank account could speak for itself. "Teka, narinig ko kanina na naiinggit ka sa akin, bakit?"
"Ah...kasi, nagagawa mo dati lahat ng gusto mo. Unlike me, na bahay lang at paaralan ang routine." Nakasimangot si Daniella habang nagsumbong kay Marcus kung paano siya pinalaki ng kanyang ama.
"Well, hindi pa naman huli ang lahat. Ano ba ang gusto mong gawin?"
"Hmmm, gusto kong ma-try ang skydiving sa Dubai, pati ang mag-camping sa desyerto. Masaya kaya iyon?" Noong napanood niya si Anne Curtis na nag-skydive sa Dubai, nagkaroon siya ng lakas ng loob na subukan din iyon.
"It's for you to find out, sweetie. Shall we go there next month?" He suggested.
"Yes, please. Kakausapin ko si Mama at Lilian mamaya na sila na muna ang bahala sa anak natin. Thank you, hon." As much as she would like to tag her daughter along, it won't do well to Ariana's health.
"You're always welcome. Hmmm, wala ba akong pabaon ngayon?" Humirit ang kapilyuhan ni Marcus bago umalis.
BINABASA MO ANG
GENTLE DESIRE
RomanceDaniella was desperate to have a child and the bodyguard assigned to her was perfect to become her child's father. She believed that desperate times called for desperate measures but Marcus wasn't a fan of her irresponsible behavior. He wanted her a...